/9/ Clandestine

189 19 17
                                    

Kisses' P.O.V.

It was already morning when I woke up. I found myself lying on my bed and then I realized na naka-suot pa pala ako ng robe. Sinubukan kong tumayo pero medyo nakaramdam ako ng hilo.

Shocks, did I passed out yesterday?

I tried to gain my balance and when I did, I managed to walk out of the room. Donny's scent was all over, he has this citrus-like fragrance. Dito kaya siya natulog?

"Donny?"

No one answered.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng disappointment. He kept on telling me na hindi siya aalis and that he would stay. But boy, words are nothing unless someone gives meaning to it.

Nilibot ko ang penthouse still hoping na nandito pa siya but I ended up getting more disappointed. Napansin ko na may mga nagkalat na utensils sa kitchen, inayos ko naman ito at agad na ibinalik sa tamang lalagyan. I picked up the knife on the floor and wondered how it got there.

May mga pumapasok na thoughts sa isip ko and the more I dwell on it mas lalong dumadami ang mga questions 'till I decided to snap out of it. Ang lala ko pa namang mag-overthink.

Nag-ayos na ako and then I had my breakfast. Nag-prepare lang ako ng oatmeal, while I was eating my phone buzzed. Kinuha ko ito at agad kong sinagot ang tawag. It was tito Anthony, tinanong niya kung kasama ko raw ba si Donny.

Bigla akong kinabahan nang sabihin ni tito na hindi pa raw ito umuuwi, sinubukan niya na rin daw tawagan pero wala raw sumasagot. Nabitawan ko ang hawak kong kutsara nang sabihin ni tito na may mga police na pumunta sa bahay nila. The worst part was, they were looking for Donny.

After the call ay nagbihis kaagad ako. Balak ko sanang tawagan sina ate May nang may natanggap akog isang text message from Darren. Nasa may lobby daw sila ng apartment. I immediately took the elevator down to the ground floor.

Si Darren lang 'yung nakita ko. He was standing at the lobby, hinila niya kaagad ako when he saw me.

"Wait, nasaan sila?"

"Inside the car."' Maikling sagot nito.

Sa labas ay may nakita akong isang black na kotse. We rushed inside the car, nandoon sa loob si ate Sue, ate May, at si Markus na siyang nakaupo sa driver's seat katabi nito si ate Vaughnic.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Darren.

All eyes on me except kay Markus na nagsimula nang mag-maneho.

"I'm fine ang inaalala ko ngayon ay si Donny. I don't know where he is. Alam niyo ba kung nasaan siya? Hahanapin ba natin siya? Saan tayo pupunta?" I asked in a state of anxiety.

"Kisses, Kisses relax. I know where he is." Markus said.

I tried my best to remain calm pero hindi pa rin maalis ang kaba ko.

"Guys, guys, naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?" Tanong ni ate Sue.

"Pinuntahan nga rin lang ako ni Markus at Darren. Sumama ako nang hindi ko alam kung ano bang ganap." Sabi ni ate May.

"Tayo na ang team walang alam." Ate Vaughn said.

"Guys, please stop asking questions na muna." Biglang tumahimik sa loob ng sasakyan dahil sa sinabi ni Darren.

Oras ang inabot bago namin marating ang lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami. I'm not familiar with the place. Hininto ni Markus ang kotse sa harap ng isang malaking bahay, some part of it was under construction lalo na 'yung sa second floor.

Who Did It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon