/5/ Look Beneath the Surface

107 11 0
                                    

Kisses' POV

"Sino kayo?!" Tanong ng matandang lalaking nakatayo sa nakabukas na pinto. May bitbit itong sakong naglalaman ng mga kahoy.

Hindi kami nakaimik ni ate Sue dahil sa takot lalo pa't may bolo itong nakasilid sa may parteng bawyang.

"Bakit kayo naririto?" Nakakagulat ang buo at malalim na boses nito. Ngayon ko lamang napansin ang mahaba nitong buhok.

"P-pasensya na ho. Pagod na po kasi itong mga kaibigan namin. Wala po kaming ibang nahanap ng lugar na pagpapahingahan kaya tumuloy ho kami dito." Tuloy-tuloy ang pananalita ni ate Sue habang pasimple niyang inaalog sina ate May at Vaughn.

"Please po huwag niyo po kaming sasaktan." Ipinagdaop ko ang aking mga palad na para bang nagmamakaawa.

Tapos...biglang tumawa 'yung matanda. Nagulat kami ni ate Sue.

"Kung ganoon naman pala ay maari kayong mamahinga rito. Huwag kang mag-alala hija, hindi ako nanakit." Pumasok na ito sa loob ang inilapag ang sako sa gilid.

"May isang silid diyan, maaari niyong gamitin. Pasensya na maliit lang ang tinitirahan ko." Dagdag nito. Naupo ang matanda sa bangko at pinupunasan nito ang pawis sa mukha gamit ang bimpong nakasampay sa balikat nito. 

"Ano pong pangalan niyo?" Tanong ko. I can sense na he's a good man. Mafi-feel mo naman 'yun eh.

"Tawagin niyo na lang akong Paeng." Sagot nito.

"Mga taga-lungsod kayo ano?"

Pareho kaming tumango ni ate Sue at pagkatapos ay ikinwento ko ang buong pangyayari kung bakit kami nandirito.

"Huwag kayong mag-alala. Alam ko ang daan rito. Ituturo ko sainyo ang daan palabas ng gubat." He said. Ang gaan lang sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat ay makakauwi na rin kami. Parang lumundag ang puso ko sa tuwa.

Maya-maya pa ay nagising na si ate Vaughn. Nagpanic siya noong makita si lolo Paeng, epekto siguro ng bagong gising. Kumalma naman agad si ate Vaughn nang ikwento ni ate Sue na si lolo Paeng ang may-ari ng cabin.

Sinubukan kong gisingin na rin si Ate May, nang makapa ko ang noo nito.

"Shocks! Nilalagnat si ate May!" Hindi ko maiwasang mag-alala kasi ang init niya. Wala pa naman kaming dalang gamot.

"Gusto ko nang umuwi." Mahinang sambit nito nang magising.

Inalalayan namin si ate May at ipinasok namin ito sa isang maliit na kwarto sa loob ng cabin at dahan-dahan namin itong ihiniga sa banig na nakalagak sa sahig.

"Ate May, get well soon okay? Pag-wala na 'yang lagnat mo, aalis na talaga tayo dito, promise." Sambit ko habang hinihilot ang sentido nito.

"Pahinga lang ang kailangan niyan." Hinawi lolo Paeng ang kurtina sa pituan at sumilip rito.

"Bukas na lamang kayo umalis mga hija, sasamahan ko kayo." Dagdag nito. Ngumiti kaming lahat bilang pasasalamat.

Lumipas ang mga oras at nakaramdam na kami ng gutom. Buti na lang may chips si ate Vaughn sa backpack. Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ako.

Nagising ako sa lakas ng kulog at kidlat. Rinig ko ang malakas na pag-buhos ng ulan sa labas.

"Kisses, okay ka lang?" Tanong sa akin ni ate Vaughn. Tumango ako bilang sagot.

Tulog na tulog pa rin si ate May. Nakatulog rin pala si ate Sue.

"Ate Vaughn, anong oras na?" I asked. Wala kasing bintana sa loob ng silid. I can't tell kung gabi na or what.

Who Did It?Where stories live. Discover now