/6/ Who?

125 15 2
                                    

Donny's POV

"Paano na tayo makakalabas?" Vaughn said.

Honestly, we don't know what to do. Hindi namin alam kung makakalabas pa kami rito.

I looked at the old man's body, it was covered with blood. Nilapitan ko ito at hinawakan ko 'yung itak na nakalapag sa sahig.

Sumakit 'yung ulo ko nang bigla kong maalala 'yung panaginip ko kagabi. I saw a faceless man na para bang anino and in that dream he was holding a bolo. May mga nangyari pa kaso it was so grim, I don't even have the courage to remember it, detailed.

Nabitawan ko 'yung itak kasi the more na hawakan ko ito ay mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"Donny, okay ka lang?" Sue asked. Tumango naman ako kasi ayoko namang mag-aalala pa sila.

I just noticed na may parang stain 'yung black shirt na pinahiram sa akin ni Vaughn. It wasn't that visible kasi parang nag-blend in ito. But one thing is for sure, it was blood.

I looked at Vaughnic pero agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

"Kailangan na nating umalis ngayon." Sambit ni Kisses. I saw tears, she must be very afraid kaya nilapitan ko ito at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

We waited for Maymay na ma-compose 'yung sarili niya and then umalis na kami.

Medyo slippery 'yung daan gawa ng sobrang pag-buhos ng ulan kagabi kaya may mga instances na may nadudulas sa amin.

Hindi namin alam kung saan liliko o dadaan. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa napagod kaming lahat so we decided to take a brief rest.

"Bakit ba 'to nangyayari?" Tanong ni ate Sue.

"Hindi ko na alam ang gagawin." Sabi naman ni Maymay. Mahina ang boses nito at ang mga mata'y namamaga. She looked weary dahil sa magulo nitong buhok.

"Iñigo, Edward, and the old man. Hindi ko hahayaang mabawasan pa tayo. Be alert guys. Hindi natin alam kung may nagmamasid o kung kasama natin ang pumapatay." I said.

"Grabe naman, sinasabi mo ba na isa sa atin ang killer? Kaloka ka Donny." Tugon ni Vaughnic.

Hindi ko alam pero parang I have a different hunch on this. Paano kung hindi si Jameson ang killer?

Kasi that night, hindi lang naman siya 'yung nasa range ng area. Markus was there too. Noong gabing nakita ko siya, malapit lang iyon doon sa place namin.

May pasa siya sa mukha and he said na sinuntok siya ni Darren. Hindi naman ganoon ka-violent si Darren eh.

I looked at Markus. He wasn't saying a thing. Ang tahimik niya na para bang malalim ang iniisip.

But wait....

What if Darren is taking advantage of his innocence? Paano kung siya pala ang pumapatay? When Iñigo died, he ran right away like he was so scared. Paano kung all this time, pinagmamasdan niya lang ang bawat galaw namin?

Ugh I don't know, maraming mga possibilities.

"Guys I think we should get going habang maaga pa." Kisses said habang tinatali ang mahabang buhok nito.

We started walking again. Hindi namin namamalayan ang paglipas ng oras. Malapit na namang bumaba ang araw.

Lahat kami nakakaramdam nang gutom. Buti na lang at naglabas si ate Vaughn ng isang chocolate bar tapos pinaghati-hati namin.

Napatigil kami sa paglalakad nang may marinig kaming boses, noong una ay mahina lang ito. Habang tumatagal ay papalakas nang papalakas, indication na he's getting nearer to us.

We were standing still, dikit na dikit kami sa isa't-isa but as soon as maintindihan namin 'yung sinasabi ng lalaking sumisigaw ay nawala ang takot namin.

"MAY TAO BA DIYAN?" The man shouted nang paulit-ulit. We couldn't see him yet pero whoever he is, baka siya na ang pag-asa naming makalabas rito.

"WE'RE HERE!!!!"

"ANDITO PO KAMI!"

"YUHOOO!"

Kanya-kanya na rin kaming sigaw.

Ilang metro mula sa kinatatayuan namin ay may nakita kaming dalawang lalaking nakasuot ng round neck t-shirt, with the word "PULIS" marked on it. The shirt was tucked in a comouflage green pants.

Patakbo silang lumapit saamin.

"Chief, positive andito sila sa masukal na parte ng gubat." Hawak ng lalaki ang isang tranceiver. Habang may kausap ito doon ay nagpakilala naman 'yung isang kasama niya.

"Parte kami ng search and rescue team." The other man said.

"May nahanap ang ibang kasamahan namin na dalawang bangkay kaninang umaga. 'Yung isa ay nadatnan nila sa loob ng tent samantalang 'yung isa ay sa may gitnang parte ng gubat." Sambit nito.

"S-sir mayroon pa pong isang katawan doon sa cabin!" Sambit ni Kisses, ang boses nito'y nanginginig.

Tumango 'yung lalaki at nilapitan nito ang kasamang may kausap sa walkie-talkie then he whispered something to him bago ito muling lumapit saamin.

"Actually, una kaming naghanap sa driftwoods kasi ayon sa mga magulang ninyo doon daw kayo magka-camp pero wala kayo roon. Kahit saang gubat kami nakarating hindi namin alam kung saan kayo hahanapin, buti na lang may kaibigan kayong nakalabas ng gubat na agad na nagreport saamin."

"Sino po?" We asked in unison.

"Mamaya na tayo mag-usap. Magdidilim na, kailangan na nating makalabas rito." Sabi nito nang makita ang iba pang mga kasamahan na papalapit saamin.

It took us an hour bago namin nakitang muli ang highway. There were police cars at nakakabingi ang high-pitched warning sound nito.

Katabi ng ambulance ay 'yung mga magulang namin na agad na tumakbo papalapit nang makita kami. We were all having our moment with our parents. Rinig ko ang iyakan.

Hindi ko na nakita kung anong nangyari kasi I immediately closed my eyes nang yakapin ako ni mom and dad.

"Iñigo and Edward..." I can't find the right words. Hindi na ako nakapagsalita pa kasi I was trying to hold my tears back.

Ramdam ko ang higpit ng yakap nila.

"Guys," Inangat ko 'yung ulo kong nakabaon sa balikat nina mom and dad when I heard someone's voice.

There was Darren, standing before us.

"I'm happy you're all safe!"

Who Did It?Where stories live. Discover now