/4/ Run

114 13 4
                                    

Donny's POV

"DARREN!"

"MARKUS!"

Kanina pa kami sigaw ng sigaw ng paulit-ulit pero walang sumasagot.

The sun is already setting. Nag-aagaw ang dilim at liwanag.

Ilang oras na ang lumipas, we've been searching for them non-stop. Naghahalo na ang gutom at pagod namin.

"Bro, let's take a rest muna." Edward said.

"DARREN! MARKUS!" Patuloy pa rin sa pag-sigaw si Jameson. Nilapitan ito ni Edward at yinayang magpahinga.

"Where could they be?" Mahina lang ang boses ni Jameson pero rinig ko ito.

Naupo kami sa nakausling ugat ng puno at sumandal rito. Magkakatabi kaming tatlo.

Unti-unti nang kinakain ng dilim ang paligid. We have no phones buti na lang may dala kaming flashlights.

"Inaantok na ako." I said habang hinihilot ko ang sariling sentido.

"Same." Sabi rin ni Edward. Ilang oras lang ang tulog namin kanina, wala na rin kaming lakas para magpa-tuloy sa paghahanap.

"Why don't we sleep na muna." Jameson's suggestion was logical. At least we'll be able to store some energy.

"We should have a look-out, dapat may isang mag-babantay. Who knows, baka may biglang sumulpot." Edward said.

"Okay, okay. The question is, sino ang magbabantay?" I asked kasi we're all tired naman. It would be unfair sa kung sino man ang magiging look-out.

"Ako na lang." Jameson volunteered.

Tiningnan ko si Edward, I tried to convey a message pero parang hindi niya nakuha. Pero talaga isa lang ang masasabi ko: Wala. akong. tiwala. kay .Jameson.

"Why bro?" Tanong sa akin ni Edward.

"Wala, wala." Haaays sometimes he doesn't know how to communicate with the eyes.

Hindi na lang ako matutulog.

I looked at Edward again, ginawa niyang unan 'yung backpack niya and then a minute later tulog na siya. Grabe, ang bilis naman nitong makatulog.

"Donny, jingle lang ako ha?" Jameson said and then umalis na siya.

I was trying to keep myself awake pero I was too tired. Unconsciously, I slept.

-------
I felt like someone was dragging me away. I opened my eyes and then I saw a man. May hawak itong kutsilyo, I couldn't identify his face kasi madilim. Dahan-dahan itong lumalapit sa amin. Gusto kong gumalaw but my body felt so heavy.

He was raising his arm and then he was about to strike....
------
Nagising na lang akong naliligo sa pawis. I was having a nightmare again.

Madilim pa at hindi ko makapa ang flashlight kaya hinayaan ko munang mag-adjust ang mga mata ko sa dilim.

Wait, why am I here? I was two trees away mula sa puno kung saan kami nahiga.

"HEY!" Agad akong tumayo nang makita ko si Jameson. Gising ito at parang may kung anong ginagawa. Likod niya lang ang nakikita ko, nahaharangan nito si Edward.

Gulat na gulat ito nang lumapit ako. Nabaling ang tingin nito sa akin at pagkatapos ay kumaripas ito ng takbo. Muntik pa itong madapa dahil sa tulin nito.

I have a strong feeling na may mali siyang ginawa.

"JAMESON!!!" I shouted as loud as I can but he didn't even look back.

Who Did It?Onde histórias criam vida. Descubra agora