Chapter 12 (End)

29.4K 650 57
                                    

CHAPTER 12 

May kung ilang araw din na nagkikita sila at natutulog na magkatabi. Lingid sa kaalaman nila ay alam pala ni Claire ang ginagawa nila. Pero wala siyang magawa sa mga pagkakataong iyon dahil alam niyang tuluyan siyang lalayuan ni Yi Jeong. Sasamantalahin na lamang niya ang lahat ng pagkakataon para magkasama sila. 

Samantala, pilit na lang inaabala ni Gail ang sarili sa pagtuturo upang hindi niya maisip na kasa-kasama palagi ng kanyang fiancée ang ex-girlfriend nito.  

"Hey Gail!" Si Randolf na nadadalas ang pag-aligid sa kanya. Mabait naman sana ito, may kahanginan lang din talagang taglay lalo na nga't sa may kaya ring pamilya ito nanggaling. 

"Oi! Tapos na klase?" Bahagya pa niyang binagalan ang paglalakad para lang makasabay ito. Papunta siya sa kaibigan niyang dating teacher na ngayon ay isa ng hotel manager.  

"Yup!" May kasama pang tango na sagot nito. "Hatid na kita!" Kaswal pang pagkakasabi nito. 

"No thanks.  May pupuntahan pa ako." Maikling sagot lang niya. 

"E 'di samahan na lang kita!" Pangungulit pa nito. 

"I need to see a friend." 

"E 'di kahit ihatid na kita." Maluwag ang pagkakangiti nito. 

"To tell you honestly, Randolf baka kasi magselos ang fiancé ko." 

"Fiancé?" Taka pa siya. "I thought sabi nung girl dun sa inyo na available ka?" 

"Nagbibiro lang 'yun." Mabilis pang sagot niya. "It's complicated okay?" 

Tila dismayado naman si Randolf sa narinig. Nagbabakasakali lang din naman siya. 

"O sige na, friendly gestures lang ito. Kahit ngayon lang, ihatid na kita.  Please..." Pinagdaop pa nito ang palad na tila nagdarasal. 

Natawa naman siya sa ginawa nito. Talaga rin namang kilala si Randolf sa school sa kakulitan nito. 

"Okay." Napilitan na rin siya. Hindi naman na siguro mangungulit ito ngayong sinabi niyang may fiancé siya. 

"Tara na!" Isinenyas pa nito ang kotseng kulay black na nakaparada sa may sulok ng campus. 

Lingid sa kaalaman nila ay nasa may 'di kalayuan si Yi Jeong na nag-aabang kay Gail. Balak sana niya itong sorpresahin pero siya pala ang masu-sorpresa. Hindi siya makapaniwalang nagpapahatid si Gail sa Randolf na iyon ganoong may usapan na silang iiwasan niya ito. Nagngingitngit pa siyang sumakay sa kanyang sports car at sinundan ang kotseng sinasakyan ng mga ito. At mas lalo siyang 'di makapaniwala nang pumasok ang sasakyan nito sa isang hotel. Kuyom ang palad na nagbalik siya ng mansion. Pilit na kinalma ang sarili. Hindi siya makapaniwalang pinagtataksilan siya ni Gail. Hindi na lang niya namalayan ang sarili na umiiyak sa sakit na nararamdaman. Muli na naman siyang nasaktan sa ikalawang pagkakataon. 

Kaya naman pagdating niya sa mansion ay nagkulong siya sa kanyang kwarto. Ni hindi na niya inisip si Claire na takang-taka pa sa kanya. Hindi na kasi niya ito sinagot nung pagdating niya at sa kwarto siya nagtuloy. Wala talaga siya sa mood.  

Halos mag alas nueve na ng gabi nang makauwi si Gail. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa kanyang fiancé. 

"Gail, do you know what happened to Yi Jeong?" Si Claire na kanina pa nag-aalala. 

"Ha? bakit?" Hindi naman niya maiwasan ang mag-alala lalo na nga't hindi naman ito tumatawag or nagte-text man lang. 

"I don't know," Balisa pa nitong kinagat ang labi. "He was ignoring me when he came home." 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now