Chapter 2

28.1K 607 20
                                    

CHAPTER 2 

Naging napaka-abala pa rin ni Gail ng mga sumunod na araw. Bagay na hindi nagustuhan ng kanyang nobyo dahil nawawalan na daw siya ng time para dito. Hindi man sinasadya ay naaapektuhan talaga nito ang mood niya. Bagay na 'di niya inaasahang mapapansin ng kanyang gwapong amo habang siya ay nagpapahangin sa veranda. 

"Looks like somethings bothering you?"  

"Sir?" Akalain ba naman kasi niyang kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. 

"Boyfriend?" 

Napalunok naman si Gail sa hulang iyon ng lalaki. Akalain ba naman niyang ganoon din ito katalas. 

"Don't worry, Gail. Eventually, you're boyfriend will realize that he needs to understand your job. And you can spend time with him." 

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabing iyon ng lalaki. Tumpak na tumpak ito. 

"Mind reader po ba kayo, Sir?" Hindi na rin niya napigilan ang sarili. 

"Nope!" May kasama pang iling na sagot niya. "I just knew girls..." 

"Ah..." Sa loob loob lang niya ay marahil marami itong girlfriends. 

"I do have lots of girlfriends if that's what you're thinking." 

"Po?!" Napatanga siya at hindi makapaniwalang basang basa nito ang laman ng utak niya. 

"Kaya nga kabisado ko ang mga babae." Nangingiti pa niyang sabi at aminado naman siya sa pagiging playboy niya. Karaniwan naman kasi ay siya ang nilalapitan at pumapayag sa set-up na may iba siyang girlfriends pa. Hindi niya alam kung anong karisma ang mayroon siya at  pumapayag ang mga babae niya sa ganoong set-up. 

"Kaya po pala alam n'yo ang iniisip ko..." Palagay naman ang loob niya dito sa kabila nang pag-amin nito sa pagiging playboy.  

"So cheer up!" Pinindot pa niya ang pisngi nito. "Papangit ka lang sa pag-iisip." 

"Salamat po..." 

"I guess nagawa mo na naman lahat. You can take the rest of the day off para magkita man lang kayo ng boyfriend mo." 

"Talaga po, sir?" Hindi siya makapaniwala sa bait nitong ipinapakita sa kanya. 

"Sige na, gumayak ka na habang mahaba-haba pa ang time mo." Hindi yata niya maintindihan ang sarili. Parang lumalabas ang kabaitan niya kay Gail. Kung tutuusin ay kayang kaya niya itong bola-bolahin. 

"Salamat po, sir." Matamis pa siyang ngumiti at mabilis na pumunta sa kwarto niya.  

Iiling-iling namang sinundan lang ni Yi Jeong nang tingin si Gail.  Kakaiba ito sa lahat ng babaeng nakakasalamuha niya. Sa lahat yata, ito ang tipong hindi niya kayang pagsamantalahan ang kainosentehan.

Mabilis din namang nakarating si Gail sa pinagta-trabahuhan ng nobyo. Kasalukuyan itong nagta-trabaho bilang Accountant sa isang kilalang kumpanya. Nakilala niya ang nobyo noong siya'y nag-aral ng isang taon sa kursong Education. 

"Hi Dino!" Masayang bati pa niya sa nobyo na noo'y kasalukuyang nakikipaghuntahan sa mga katrabaho nitong babae. 

"Gail!" Gulilat pa itong napatitig sa nobya.  Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa pagkakita dito. 

"W-what are you doing here?" Halos magkandautal ito sa pagkagulat. 

"Nami-miss lang kita..." Taka pa siya sa reaksyon nito. 

"Gail, come..." Hinila pa niya ito palayo sa mga kasamahan. Sa may fire exit niya ito dinala. "Sana tinext mo man lang ako." Agad na sabi nito hawak ang isang braso ng nobya. 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now