Chapter 10

28.6K 475 13
                                        

CHAPTER 10 

Nakalipas ang ilang araw at dumating na ang pinakahihintay nilang araw, ang araw ng kanilang bakasyon sa Boracay. Maaga pa lang ay nakarating na sila sa pakay na beach house sakay ng isang private plane na pag-aari ng pamilya ni Yi Jeong. Medyo isolated ito sa karamihan ng mga resorts doon at talaga namang breath taking ang view. 

Hindi naman mapigilan ang humanga ni Gail sa nakikita ng kanyang mga mata. Sa panaginip lang niya iyon nakikita at ngayon ay naging realidad na. 

"So, how do you like the place?" Mahigpit pa siyang hinigit ng lalaki sa baywang. 

"Yi Jeong! makita tayo ng parents mo, nakakahiya!" Saway pa niya dito. Hindi pa rin kasi siya sanay na nakikipaglambingan sa lalaki na kaharap ang mga magulang nito. Kahit na nga ba alam niyang boto naman ang mga ito sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasan ang mailang. 

"You're such a baby, love!" Natatawang biro pa niya pero wala siya balak paawat. "Besides, they knew that you'll be my future wife." 

"Naku Yi Jeong! Ni hindi ka pa nga nagpo-propose! Hmp!" Umirap pa siya dito. 

"Ganun ba?" Napakamot pa ito ng batok. Pagkunwa'y iniligaw ang usapan. "May beach house din kami sa Bohol. One time, doon naman kita dadalhin ha." 

"Ang yaman n'yo pala." Hindi pa rin niya maiwasan ang malula sa angking yaman ng pamilya nito. Sa kuwento pa nga lang ng kanyang ina ay sobrang nalulula na siya. Samantalang nagsimula lang din sa maliit ang pamilya nito. 

"Masyadong hard working ang mga parents ko." Hindi na rin naman niya gustong ipagyabang pa ang mga pag-aari nila. Sa tantiya niya'y mas maiilang lang ang babae kung idedetalye pa niyang lahat. 

"Ang ganda dito..." Hindi pa rin maiwasan ni Gail ang humanga nang husto. Hindi rin siya makapaniwalang mararating niya ang lugar na iyon. 

"Yes." Sang-ayon naman ng lalaki habang mahigpit pa ring nakayakap dito. "I am excited to see you on your two piece again." Pilyo pang bulong nito.  

Agad na namang sumagi sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanila ni Yi Jeong. Hindi naman niya maiwasan ang mamula. 

"Pilyo ka talaga!" Sinamahan pa niya iyon nang pinong kurot sa tagiliran nito. 

Agad din namang napangiwi sa sakit ang lalaki.  

"I am just telling the truth. Seeing you wearing those two piece is really something."  Nakangisi pa nitong kinagat ang labi.

"Yi Jeong!" Dinilatan pa niya ito. Tama ba kasing ipaalala pa ang mga bagay na ikinakahiya niya?  Bulong pa niya sa sarili.  Kulang siya nang bilib sa sarili kaya't palagi na lang ganoon ang isip niya. 

"But to tell you honestly, I just don't want other guys ogling you. I can't handle that." 

"Pageant nga 'yun, hello!" Umirap pa siya dito. 

"Maski na!" Irap pa nito. "If they see you and find out how beautiful you are, they might steal you from me." Seryoso namang sagot pa niya. 

Hindi naman na nakuhang magsalita ni Gail. Ramdam na ramdam niya ang sinseridad nito at talaga namang kinikiliti ang puso niya sa tuwa. 

"I don't want to intrude, but you might want to fix your things first." Si Claire na bigla na lamang din sumulpot sa likuran nila. 

"Oh yes!" Nagpaka-kaswal lang din si Yi Jeong at mahigpit na hinawakan ang kamay nang tahimik namang si Gail. "We should not be wasting time, right?" Nakangiti pang kumindat ito kay Claire. 

"Y-yes..." Napilitan pang sagot nito kahit na kinakain naman ang puso niya nang selos. Akala niya'y okay lang siya, pero hindi pala. Mahal na mahal pa rin talaga niya si Yi Jeong at hindi niya kayang may iba itong minamahal. 

HEAVEN WILL ONLY KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon