Mabilis din naman silang nakarating sa hospital. Naabutan nila ang mga magulang ni Claire na panay ang iyak sa lobby. 

"Yi Jeong!" Salubong agad ng may katandaan na ring babae. Tisay na tisay ito tulad ng anak na si Claire. 

"Tita," Agad din naman niya itong niyakap at inalo kahit na nga alam na alam niyang tinutulan ng mga ito ang pag-iibigan ni Claire noon dahil mas ginusto nitong makasal ang anak sa mas mayamang angkan. 

"What happened Yi Jeong?" Basang basa ang mukha nito ng luha. 

"It's hard to explain, Tita." 

"Yi Jeong..." Ang papa ni Claire na halos doble ang edad sa asawa nito. "I understand what's going on," napasulyap pa ito kay Gail. "My daughter needs you. Please talk to her..." Sumamo pa nito. Wala sa hitsura nitong lalapitan din siya matapos ang napakahabang panahon. 

Tumango na lang si Yi Jeong sa request nito at binalingan ang tahimik pa ring si Gail. 

"Love, would you like to come with me inside?" 

Mapait lang siyang ngumiti sabay iling. "Sige na, okay lang ako dito." Banayad pa niyang tinapik ang pisngi nito. 

"Wait for me here okay?" Hinawakan pa nito ang mukha ng babae sabay kudlit nang halik sa labi nito. 

Agad din namang pumasok si Yi Jeong sa kwarto. Talagang binigyan siya ng pagkakataon ng mga magulang nito na magkasarinlan sila. Naabutan niyang gising si Claire na naka-dextrose. 

"Yi Jeong," Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito sabay patak ng luha sa mga mata nito. 

"Why are you doing this to yourself?" Kunot-noo pa niyang tanong dito at lumapit nang husto sa kinalalagyan nito. 

"I love you, Yi Jeong." Umiiyak pang sabi nito. "I can't imagine life without you." 

"C-claire..?" Hindi naman niya malaman kung papaano ba mag-react.  Marahil kung noon nito sinabi ang mga salitang iyon, walang pag-aalangan niyang tatanggapin ito nang buong-buo.  Pero marami na ang nabago simula nang makilala niya si Gail. 

"Let me finished first..." Interrupt pa nito sa sasabihin sana ng lalaki. "I wanted to be with you. Please, I need you. I want you back." 

"But I love Gail..." Malungkot pa siyang napatitig dito sabay iling. "I can't love you more than what you want, Claire.  Things changed between us." 

"I'll kill myself if you don't come back to me!" Nanggagalaiti pa nitong banta. 

"Are you threatening me?" Kunot-noo ulit siya at may konting tigas ang mukha. Hindi siya makapaniwala sa babae. 

"I am not. I'll kill myself if you don't come back to me!" 

"I am here for you but it seems to me that you're really out of your mind!"  Irritable pang sabi niya.

"I am in love with you and I knew exactly what I want and that's you!" Nagwawala pa nitong tinanggal ang dextrose. 

Agad namang naalarma si Yi Jeong sa ginawa nito at malakas na sumigaw para humingi nang tulong. 

"I need help!" Malakas pa niyang sigaw sabay pigil sa nagwawala pa ring babae. Agad din namang dumating ang doctor na may dala-dalang pampakalma kasunod ang mga magulang nitong halos mamutla sa pag-aalala. 

"No! No!" Pilit pang nagpupumiglas si Claire sa paghawak sa kanya ng mga nurse habang pilit na itinuturok sa kanya ang pampakalma. "Yi Jeong, I love you.  Please come back to me!" Nagmamakaawa pa nitong sabi habang unti-unting tumatalab ang naiturok dito. "I love you so much.  I'd rather die if I loose you."  Ibinaling pa nito ang tingin sa may pinto.  "Gail,  please I need him back." Pagmamakaawa pa nito.  "Gail, I can't live without him." 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now