"Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako.  Napakabuti n'yo po." Ni minsan ay hindi nila naranasang mag-ina ang masungitan ng mga amo. 

"Basta pagbutihan mo lang, Gail. Malayo ang mararating mo." 

"Salamat po, senora." 

"Sige na, hija. Gumayak ka na at malapit lapit na ang oras ng klase mo."  

"Sige po..." Matamis pa siyang ngumiti dito. "Maraming salamat po ulit." 

"Sige..." Tumango-tango pa ito bago nagpahabol ng salita. "Gusto ko ang impluwensya mo kay Ji Yeong.  Ngayon lang siya tumulong nang ganito sa isang tao." 

Panandaliang natigilan si Gail. Sa isip niya'y baka lahat ng babaeng tinutulungan nito ay may kapalit lalo na nga't aminado itong chickboy. 

Ngumiti na lang si Gail sa sinabing iyon ng senora bago tuluyang umalis.

~~

Hindi maiwasan ma-stressed out ni Gail sa kanyang pagpasok sa school. Triple ata ang laki ng unibersidad na pinapasukan niya ngayon. Higit na mas nakakatakot din ang mga professor kumpara sa mga dati. Higit sa lahat, ni hindi man lang nasisilayan ng kanyang mga mata ang mukha ni Yi Jeong. Halos mag-dadalawang linggo na din kasi siyang pumapasok ay hindi man lang niya ito nakikita. 

"Uy, ang lalim ata ng iniisip mo!" Puna pa sa kanya ng kanyang bagong kaibigan. Si Jandi. 

"Na-inlove ka na ba, Jandi?" Hindi niya maikaila ang laman ng utak niya. 

"Yup!" Mabilis naman ding sagot nito. "I am still super duper in love kay Jun..." Nangangarap pa itong napatingin sa kawalan. "Bakit mo naman naitanong?" 

"Wala..." Humugot pa siya ng isang malalim na buntong hininga. "Buti ka pa, may boyfriend kang nagmamahal sa'yo, sa akin wala..." 

"Hello!" Pinisil pa niya ang pisngi ni Gail. "Mag-emote ba?!" 

Hindi naman mapigilan ni Gail matawa sa kaibigan. Napaka free-spirited kasi nito. Para bang wala man lang itong kaproble-problema sa love life nito. 

"Look Gail..." Tinapik pa nito ang balikat ng kaibigan. "Sa ganda mong iyan, hindi magtatagal, I'm sure magkaka-boyfriend ka rin." 

"Ewan ko.  Sa tingin ko ay mahihirapan ako."  

"Ha? Bakit naman?" Kunot-noo pa siya. 

"I think I am in love with Yi Jeong..." 

"You're crazy!" Iiling-iling pa ito. Kahit hindi pa ipakilala ng kaibigan kung sino si Yi Jeong, kilalang kilala yata niya ito. Ang kilabot ng kanilang campus. At kahit sa unang tungtong pa lang nito sa school ay halos magkagulo na ang lahat ng mga babae. Kahit nga professors ay kayang kaya nitong patumbahin sa taglay na karisma nito. Higit sa lahat, kabi-kabila ang mga girlfriends nito. 

"Kilala mo siya?!" Gulilat din naman si Gail.  Akalain ba naman kasi niya na kilala nito si Yi Jeong. Samantalang never pa naman niya itong naikuwento sa kaibigan. 

"Luka-luka ka ba?" Taas-kilay pa ito. "Sinong hindi makakakilala sa kumag na 'yon? Siya lang ang nag-iisang lalaki dito sa campus na napapapayag ang mga babae na pagsabay-sabayin sila!" 

"Si Yi Jeong nga..." Agad siyang nalungkot sa katotohanang hindi pala posibleng magkagusto sa kanya ang lalaki. Pakiramdam kasi niya'y may kakaibang dating ang halik nito. Parang hindi lang naglalaro. Parang may damdamin. Pero siguro nga, parte iyon ng talento ng amo. Ang mapaniwala ang mga babae na totoo ito sa damdamin niya. 

"Don't tell me..." Nagdudumilat pa ito. "Magpapakagaga ka din na umakyabit sa lalaking iyon katulad ng karamihang girls dito?" 

"Sira!" Inismiran pa niya ito. "Wala namang masama kung mangarap diba?" 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now