Agad na tinamaan sila ng spot light kaya naman kitang kita silang dalawa. At sa may 'di kalayuan ay pilit na minumukhaan ni Dino si Gail. 

Wala rin naman inaksayang panahon si Yi Jeong at matikas na pumanhik sa stage. Napuno nang tilian ng mga babae ang buong paligid na akala mo'y nakakita ng artista. Hindi man siya artista, madalas pa ring makita ang kanyang mukha sa peryodiko at magazines dahil na rin sa kanyang ama. 

"Good evening everyone!" Nagpakawala nang napaka mapanghalinang ngiti si Yi Jeong, dahilan upang kiligin lahat ang mga taong nasa paligid nila. "I am very sorry for the interruptions but I just want to take this chance to tell to everybody and to prove to this special lady how sincere I am in my love for her. That she was the most important person in my life right now. I just hope she'll be ready to take chance on me. Will you take me as your boyfriend, Gail?"  

Hindi naman malaman ni Gail ang isasagot. Hindi talaga niya alam ang plano ng lalaki. Pero hindi niya maunawaan ang sarili na para bang may bahagi sa puso niya na sana ay totoo lahat ng mga sinasabi nito. 

Mula sa malayo naman ay halos hindi makapaniwala si Dino. Sa suot ni Gail na cocktail dress ay kitang-kita ang napaka-gandang hubog ng katawan nito. Hindi rin niya naisip na ganoon ito kaganda at kakinis. Hindi niya ma-imagine na pinawalan niya ang tulad ni Gail. 

Samantala, agad din namang bumaba si Yi Jeong para puntahan si Gail sa kinatatayuan nito. Malagkit na malagkit pa itong tumitig sa tulalang babae at mahigpit na ginagap ang kamay nitong kulang na lang ay mag yelo. 

"I really love you, Gail..." Unti-unti'y inilapit nito ang mukha sa nagdudumilat namang babae.  

"A-anong gagawin m-mo?" Gulilat pa siyang napatitig dito at hindi niya malaman kung lalayo ba dito o hindi. 

"Chillax..." Pabulong pang sabi ni Yi Jeong sabay hawak sa mukha nang nanlalamig pa ring babae. 

"S-sir..." At hindi na nga niya alam ang sumunod na pangyayari. 

Dahan dahang dinampian nang halik ni Yi Jeong ang malambot at mapulang labi ni Gail. Ramdam na ramdam niya ang tensyon nito. Pero sa halip na tumigil ay ipinagpatuloy lang niya ang paghalik dito kahit na nga puro sigawan ang pumailanlang sa paligid. 

Para namang hihimatayin si Gail sa kaba habang hinahalikan siya ng amo. Hindi niya maintindihan kung bakit parang mas gusto niyang tumugon sa halik nito. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili sa mga pagkakataong iyon. Hinayaan na lamang niya ang sarili na iparamdam ang damdaming tila gustong kumawala sa kanyang dibdib. 

Kaya naman ganoon na lang din ang gulat ni Yi Jeong nang biglang tumugon nang halik sa kanya si Gail. Pinutol niya ang paghalik at alanganing dumistansya. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong kaba ang bigla niyang naramdaman. 

Noon na lang nila naramdaman ang dami ng mga taong umuosyoso sa kanila. Tila nagising si Gail sa kanyang panaginip. Muli ay nakaramdam nang hiya sa pangyayaring iyon sa kanila. 

"You had your revenge, Gail..."  Niyakap niya si Gail sabay harap sa gawi ng dati nitong nobyo na nagngingitngit sa galit. Pasimple pa niyang pinagapang ang kamay sa likod ni Gail kung saan ay litaw na litaw ang makinis nitong balat sa suot na dress.

"'Wag kang masyadong abusado, sir..." Pasimpleng bulong na lang ni Gail nang maramdaman nito ang paghaplos ng lalaki sa likod niya. 

"This is plain business, madam..." Bulong ni Yi Jeong sabay halik pa sa balikat ng babae. At nang ibaling ulit niya ang tingin sa gawi ng nobyo ni Gail ay parang papalabas na ito.

Pasimpleng gumalaw si Yi Jeong at hinaltak din si Gail palabas. Saktong sa may lobby ng bar ay nagkatinginan sina Gail at Dino. Agad din namang sumabat ang babaeng kasama ng dating nobyo nito. 

"Ang swerte mo naman! Ang gwapo at ang yaman ng boyfriend mo!" Inggit na inggit pang sabi nito. Ni hindi alintana sa ka-date nito. 

"Ha?" Si Gail na hindi rin naman malaman ang ire-react sa sinabi nito. 

"You know what?" Bigla namang humarap sa kanila si Yi Jeong. Muli ay pinawalan nito ang mala-magic nitong smile. "Ako ang maswerte, I had the most beautiful woman in the entire world." 

"Wow..." Kilig na kilig naman ang babae sa sinabi nito. 

"Come honey, it's time for us to be alone..." Kuntodo arte ito. "If you'll excuse us..." 

Hindi naman na nakahuma si Dino sa kinakatayuan. Lalo lang siyang nanghinayang nang makita nang malapitan si Gail. Hindi niya lubos maisip na ganoon pala ito kaganda. Para yata itong anghel na bumaba sa langit. 

"By the way," Si Gail na muling humarap sa kanila. At walang pasubaling malakas na sinampal ang tila natauhang si Dino. "Bye!" Mapang-uya pa itong umakay ulit kay Yi Jeong. 

Naiwang parehas na nakatulala si Dino at ang babaeng kasama nito. Nang tuluyan na silang makalayo ay nakita na lang nila na tila nag-aaway na ang dalawa. Bagay na tila nakadagdag pa sa gaan ng loob niya. 

"So, how do you feel?" Baling agad ni Yi Jeong sa babae nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan. 

"Never been better!" Matamis pa siyang ngumiti dito. 

"That's good..." 

"Thank you, sir..." 

"You're welcome." Tumango siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon at wala na rin siyang balak na balikan pa.

Pag-uwi nila sa mansion ay agad nilang naabutan ang mga magulang ni Yi Jeong at pati na rin ang ina ni Gail na nasa sala. Ganoon na lang din ang gulat nila pare-parehas nang makitang magkasama ang dalawa at nakasuot pa nang magandang damit si Gail. 

"Anak, bakit ganyan ang suot mo?" Taka pa ang kanyang ina na mabilis na lumapit sa kanila.  

"Mahabang kuwento, 'nay..." Pinisil pa niya ang pisngi nito. 

"Magkasama ba kayo ni Gail, hijo?" Ang Senora. 

"No Mama!" Mabilis pang tanggi nito. "Nakita ko lang siya at isinabay ko na pag-uwi." Kaswal na kaswal ang sagot ni Yi Jeong sabay talikod sa kanila. 

Agad namang nalungkot si Gail sa sagot na iyon ng lalaki. Tila paalala iyon sa kanya nang tunay na katayuan nila sa buhay. Kanina pa pala siya nananaginip.  Kanina pa.

HEAVEN WILL ONLY KNOWTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang