#PleasureDoingBusiness 9

885 20 7
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"Mmm...Mommm...hmm" mga mahihinang aliw-iw ni Alex habang nakapikit ang mga mata nito ngunit sapat na iyon para maagaw ang pansin ni Zandro na kanina pang nagbabantay sa binatang walang malay.

Hanggang ngayo'y napapaisip parin si Zandro sa mga sinabi ni Manang Fe ngunit batid niya 'ring hindi detalyado ang lahat at nababasa niya sa mga ikinikilos nang matanda na parang may kung ano itong itinatago.

Kung ano man' yon hindi ko nalang aalamin ang mga bagay na 'yon ang tanging nasa isip nang binata habang matamang pinagmamasdan ang mapayapang tulog ni Alex.

Habang pinagmamasdan niya ang bawat detalye nang mukha nito ay sumasagi din sa isip niya ang mga nangyari - mga pangyayaring nagtatalo sa kanyang kalooban. Dahil dito ay nagsisimula na siyang kuwestiyunin ang kanyang pagkatao nang dahil sa mga nangyari. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit, bakit parang may kakaiba sa kanya habang nakikita niya si Alex.

Guilt. O di kaya aksidente lang ang lahat.

Oo aksidente lang ang lahat at dapat nang kalimutan at napabuntong-hininga na lamang si Zandro dahil sa tuwing naiisip niya ang mga tagpong iyon ay para bagang may kung anong parte sa kanyang pagkatao na unti-unting sumisibol.

"I'm sorry Mmmaaa..." hikbi ni Alex habang nakapikit parin ang mga mata nito at may kaunting butil nang luha ang nangingilid sa sulok nang kanyang mga mata.

"A-a-alex? Gising! Nanaginip ka" habang tinatapik nang bahagya nang binata ang kanang braso ni Alex.

Tatayo na sana si Zandro mula sa pagkakaupo para tawagin si Manang Fe, ngunit pinigilan siya nang isang kamay ni Alex. Bahagyang naghulat pa si Zandro ngunit nawala din nang makita niya ang mga ni Alex na kahit wala pa naman itong sa sabihin ngunit nahihiwatigan na niya.

"Don't leave me" habang hawak parin ni Alex ang kabilang braso ni Zandro. "Stay with me."

Hindi alam ni Zandro kung ano ang magiging reaksyon niya ngunit nararamdaman niya ang lungkot at pangungulila ni Alex dahil narin sa mga naikwento ni Manang Fe sa kanya. Kusa nalang sumunod si Zandro sa kung anumang galaw nang kanyang katawan. Tinabihan ni si Alex sa kama at mahigit niya itong ikinulong sa kanyang bisig gayundin si Alex sa kanya.

Nasa isip parin ni Zandro ang mga nangyari nila ni Alex sa mismong kama. Biglang nag-init ang pakiramdam ni Zandro lalo na sa sitwasyon nila ngayon na magkayakap ngunit pinipigilan lang ni Zandro ang sarili dahil narin sa pangambang baka may ibang makakita sa kanila at kung ano pa ang isipin. Isa pa ang papunta at pagsama kay Alex ay para sa trabahong iniatas sa kanya ang kilalanin ito nang lubusan dahil sa isang gagawing article nang kumpanyang pinagtatrabahuan niya.

"Oo, trabaho lang lahat ito. No more no less."  Mga katagang sa isinasaisip niya nalang. Hindi niya namalayang kapwa na pala silang nakatulog nang mahimbing habang magkayakap sa isa't-isa.

ALEXANDER'S POV

Nagtulog-tulogan lang ako at nakiramdam kay Zandro hanggang sa nakatulog na nga ito. Halos sumabog ang puso ko nang tinabihan niya ako dito sa kama at niyakap niya pa ako. Oo, alam kung umaasa lang ako sa wala dahil alam ko namang ginagawa niya lang ito dahil naaawa siya sa akin pero kahit na umaasa man ako sa wala but still, I'm happy being with him right at this very moment on the same bed kung saan nangyari ang isang bagay na hiding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Hindi ko ma-explain kung bakit pero masaya ako sa mga nangyayari sa araw na ito.  Maybe I could consider this day a very memorable day in my life. May mga bagay nga talagang alam natin na panandalian lang at malayo sa katotohanan pero kahit panandalian lang pero naging masaya naman tayo kahit alam nating hindi magtatagal mawawala din naman.

Mister Superstar MEET Mister PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon