#PleasureDoingBusiness 2

1.2K 27 5
                                    

CHAPTER SEVEN
SA DAKO PARUON

"Hey! Zandro, wake up! We're here." panggigising ni Alex sa binatang kasama nito na mahimbing ang tulog sa buong biyahe. Hindi naman ito ginambala pa ni Alex ang pagkakatulog nito para naman makapagpahinga ito dahil alam at naiintindihan niyang pagod ito.

"Kanina pa ba ako natutulog?" at inilibot ang mga mata ni Zandro sa hindi pamilyar na lugar.

"Ahmm. Yeah, mga apat na oras."
"Ha?! Kaya pala ang sakit liig ko." sabay himas nito sa liig niya dahil na o-awkward siya pero ang pinagtataka niya kung bakit parang ang himbing nang tulog niya

"Oo nga pala, anong lugar 'to?"
"Nasa isla tayo." at bumaba na nang kotse si Alex kasama ang Driver nila na si Mang Isidro.
"Anong isla?"
"Camiguin." matipid lang na sagot ni Alex at nagbuhat narin ito nang mga bagahi nila at tumuloy na sila sa isang malaking bahay na may nakapaskil na: Welcome to Casa De Veneracion

Sumunod naman si Zandro kay Alex at binitbit din nito ang mga bagahe niya.

Ang ganda naman dito parang nasa isang paraiso ako. Ang mga katagang nasa isip ni Zandro habang inililibot ang mga mata nito sa paligid.

"Dito ang magiging silid mo, Sir Zandro." ani ni Mang Isidro sa binata.

"Si Alex po?" tanong ni Zandro dahil bigla nalang itong nawala.

"Nasa paborito niyang lugar sa bahay na ito ang 'veranda' diritso ka lang sa pasilyo na ito at makakarating ka sa dulo may kuwarto at sa unahan niyon may lagusan papuntang veranda. Nandon si Alexander." mahabang litanya ni Mang Isidro kay Zandro.

"Sige po, maraming salamat po."
"O, siya ipapasok ko muna itong gamit mo at puntahan mo na si Alex doon."
"Opo."
"Tatawagin na lamang kayo kapag handa na ang meryenda, naghahanda narin si Lilly sa meryenda ninyo." at pumasok na nang silid si Mang Isidro.

Namangha si Zandro sa bahay, kahit may kalumaan ito at yari ito sa lumang pulang stone bricks at ang sahig naman nito ay gawa sa kahoy na pinakintab naman, kita ni Zandro ang sariling repleksyon nito sa sahig dahil sa kintab at linis nito.

Maaliwalas ang buong bahay na napapalamutian nang mga lumang kobyertos at antigong kagamitan may mga painting din sa pader nito at lumang chandelier na retrong retro ang desinyo pero halatang hindi napabayaan nang mga caretaker nila dito.

Hanggang sa marating ni Zandro ang silid na ibig sabihin ni Mang Isidro na magiging silid din ni Alex. Kakatok sana siya pero mas nanaig sa kanya na huwag munang istorbohin si Alex at baka nagpapahinga din ito. Kunsabagay hindi ito nakatulog sa biyahe hindi katulad niyang ang himbing nang tulog niya na tila nasa sarili siyang kama at unan niyang nagiging komportable siya sa pagtulog.

Mas lalong nabusog ang mga mata nang binata dahil sa naggagandahang tanawin mula sa kinatatayuan niyang veranda. Hindi niya akalain na sa likod bagahi nang bahay ay dagat na pala kung saan kita ang mala-pulbong  pinong puting buhangin na maya't maya ay hinahalikan nang nag aasul na dagat alon.

Nalalanghap niya rin ang preskong hangin na nanunuot sa buo niyang pagkatao. Tanaw niya rin ang mga luntiang halaman sa maliit na hardin nito at may mga upuan at mesa din sa ilalim nang malaking puno na may malalapad na dahon. Perpektong perpekto ang lugar na ito. Nakakatanggal nang stress at malayong malayo sa maiingay na lansangan nang siyudad. Tahimik din ang paligid na tanging ang maririnig mo lang ay huni nang mga ibon at hampas nang alon.

At bahagyang ipinikit ni Zandro ang mga mata niya habang nilalanghap at ini-enjoy nito ang handog nang kalikasan.

"Mukhang nag eenjoy ka na dito." isang boses ang nakaagaw sa pansin niya at kilala niya ang boses kaya hindi na niya ito inalintana at itinuloy ang pakikinig sa kalikasan.

Mister Superstar MEET Mister PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon