No Boyfriend Until 20

8 2 0
                                    

"Hindi ako magbo-boyfriend hanggat di pa ako bente."

Isa na ito sa mga goal ko sa buhay matapos kong mabasa ang nobelang I'm 20 But Still NBSB ni Ms. Nayin Yagdulas.

Fourteen palang ako noong una ko iyong nabasa. Actually, hiniram ko lang naman ang librong iyon sa aking kaibigan na iniregalo naman sa kanya no'ng birthday niya.

Kung tutuusin, magkaiba kami ng female lead sa story. Kung siya, namo-mroblema dahil twenty years old na siya't di pa rin nagkakaboyfriend, ako naman 'tong ayaw muna pumasok sa isang relationship hangga't di pa ako twenty.

Nagbabasakali kasi akong makakatagpo ng katulad ni George kung hihintayin ko ang pagkakataong iyon. Isang binatang may disenteng trabaho, mabuting tao at responsable. Bonus na rin yung magandang physical appearance.

Isa pa gusto ko ring ang unang mamahalin ko ay siya na ring makakasama ko habambuhay. Hindi ko na kailangang masaktan ng maraming beses para makilala ang lalaking nakatakda para sa 'kin.

Kaya naman noong may magtapat sa akin sa kauna-unahang beses ay tumanggi agad ako. Kung talagang gusto niya ako, mahihintay niya ako ng limang taon. Mas mabuti nang tapatin ko siya kesa naman umasa yung tao.

Di umabot ng isang buwan at sumuko na rin siya sa pangungulit. Sabagay, gusto niya lang naman ako.

Lumipas ang dalawang taon at may muling naglakas loob para mag-confess. Pero hindi ako natinag. Pinanindigan ko ang dahilan kung bakit tinanggihan ko yung una.

Lumipas ang panahon, mas marami akong nakikilala. Merong mga nagbabasakali pero ang sabi ko'y tanging friendship lang ang kaya kong ibigay. Nalulungkot akong may nasasaktan dahil sa akin pero di ko kayang baliin ang bagay na ilang taon ko ring pinanghawakan.

Isa pa, hindi ko nakikita sa kanila ang ideal guy ko.

Until this guy came. Kahit anong pilit kong umiwas at pigilin tong feelings ko for him ay hirap na hirap talaga ako.

Mahigit isang taon na kaming magkakakilala since his my classmate from first year college hanggang ngayong second year college na kami.

He's so smart, hardworking, achiever, sobrang dedicated sa mga ginagawa niya. He's also caring, gentleman, and understanding. Basta, boyfriend material. Bonus na rin ang gwapong mukha.

Habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog sa kabutihang pinapakita niya sa akin. Naramdaman kong espesyal ako sa kanya.

Feeling ko'y siya na, sana nga.

Ilang buwan nalang ay magbe-bente na ako. Di ko maiwasang hindi maexcite na dumating ang araw na iyon. Kung pwede ko lamang madaliin ang panahon, hays.

"Jackie, tara kain na muna tayo," aya niya saka inagaw ang dala-dala kong clear book. Tumango naman ako't nagpasalamat.

Habang naglalakad papuntang school cafeteria ay hindi na bago sa akin ang makarinig ng kung ano-anong bulungan ng schoolmates namin.

"Dati ko pa sila napapansin. That couple is so cute."

"Duh! Hindi kaya sila."

"Ha? Eh, ba't lagi silang magkasama?"

"They were best friends, issue kayo!"

"Ang sweet naman nila sa isa't isa para maging magbestfriend lang."

And so on.

Pero aaminin ko, oo, kinikilig ako sa mga naririnig ko. Natutuwa akong hindi lang ako ang may gusto sa kung anong chemistry meron kami.

Days had passed, and my special day came.

Habang nasa harap ng salamin ay tahimik akong nag-iisip ng mga linyang bibitawan ko.

No Boyfriend Until 20 | One-Shot StoryWhere stories live. Discover now