Chapter 59

824 23 1
                                    

Nica's POV

Iminulat ko ang mata kong mugto kakaiyak dahil sa isang panaginip. Isang masamang panaginip. Nagpakamatay daw ako. Kahit naman na karamihan sa mga napapanaginipan ko ay nagiging totoo hindi naman siguro ako magpapakamatay...

Tumayo ako sa pagkakahiga at dumeretso sa tapat ng isang malaking salamin katabi ng kama ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita ang isang message ni Eemelda. (Chapter 55)

From: Eemelda
Miss V I'm now a cashier in Tacia's reastaurant. I'm starting to steal some money here!

Napangiti ako at naalala din si Andrei

Yumuko ako "Andrei kawawa ka naman, andami mo ng utang and sorry, I can't help you. Why? Kasi ako ang may gawa nun! Hindi ko kasalanan kung tanga ka at nagpaniwala kay Tacia kaya ngayon nadamay ka pa!" Saad ko tsaka inangat ang tingin ko sa salamin at nagulat sa nakita ko

Si Prince...

"Anong ginagawa mo dito--"

"Totoo ba? Ikaw ang may gawa ng utang ni Andrei?! Tama ba yung narinig ko?!" Sigaw nya

Namuo ang mga luha sa mata nya. Bakit sya iiyak?

"You and your bad plans! Halos manlimos na si Andrei ng dahil dyan!" Sigaw nya pa lalo

Napayuko ako "kasalanan ko? Kasalanan kong kinampihan nya si Tacia?!" Sigaw ko sa kanya pabalik

"Oh come on Nica! Hanggang ngayon di mo nalilimutan?"

Kumunot ang noo ko at inangat ang tingin ko sa kanya "Hindi pa! At paano ko kakalimutan yun kung yun yung sumira sa buhay ko!"

Sa mga sinabi ko ay naalala ko ang plano ko... Hindi pwedeng mag end lang yun dito! Hindi pwede! Niyakap ko si Prince...

"Please forgive me, I promise I'll pay for his debts but please don't tell this to anyone" saad ko habang yakap pa rin sya

Napatango sya "Okay, I love you so much" sabi nya sabay halik sa noo ko...

Sus! Uto-uto!

Tacia's POV

"Eemelda! Maraming nagcocomplement sayo! Ang ganda daw ng speaking voice mo" saad ko sa bagong salta kong empleyado dito sa restaurant ko

Napangiti sya "thank you"

Nginitian ko rin sya, maya maya pa ay tumawag sakin si Andrei "maiwan na muna kita" saad ko kay Eemelda at lumabas sa office ko "Hello?"

[babe]

"Hm?"

[I miss you, ilang araw na akong di nakakauwi at nag iistay na lang dito sa office]

"Miss you too babe, nagtratrabaho ako ng maayos para malagpasan natin toh lahat"

Nangamusta sya sakin at nagpaalam na rin. Bumalik ako sa office ko at nandun si Eemelda nakaupo

Ibinigay ko ang sahod nya at umalis na rin sya. Tinignan ko ang kinita ng restaurant ko ngayong araw.

10,000 lang? Dati halos 15k ito ahh? Matumal lang siguro ang benta....

~~~~
🐰❣️

The Casanova's Girl  (COMPLETED)Where stories live. Discover now