Chapter 31

5.5K 99 3
                                    

Nica's POV

Umalis na si Andrei, Tacia at Prince kaya umakyat na ako sa kwarto ko

Totoo kaya? Totoo kaya yung text message? Tinataksil Lang ako ni Tacia at Prince?

Bigla namang may nagtext sakin

From: Unknown Number
Sweetie!!! Papayuhan na kita ahh! Iwanan mo na si Prince! Tinatraydor ka Lang nya! Sila ni Tacia! May affair sila! Good luck Sweetie!!!

"Tama na!!" Sigaw ko at inihagis ang phone ko sa aking kama ngunit tumalbog ito kaya sa sahig ito nag landing

Tumulo naman ang mga luha ko....

"Nica? May problema ba?" Tanong ni Tita Terrice na kakapasok lang sa kwarto ko "narinig kitang sumigaw, tsaka bakit ka nag iiyak??"

Tita Yung phone ko Baka basag na!

Niyakap ko si Tita, sya lang ang kaya kong pag sabihan ng mga problema ko

"Tita may nag text sakin! Sabi dun sa text message *hik* trinatraydor daw ako ni Prince at Tacia! At naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko pa pala talaga tuluyang naibalik yung tiwala ko sa kanila! Tita Ayaw ko ng maulit yung dati!" Saad ko habang humahagulgol pa rin

"Ssshhhhh Malalagpasan mo din yan"

*****

Iminulat ko ang mata ko, nakatulog ata ako dahil sa kakaiyak

Hinanap ko ang phone ko at nasa sahig pa rin ito

Nakita ko naman na may nag text sakin

Sana hindi ito yung nagsasabing trinatraydor ako ni Tacia at Prince. Pagod na akong umiyak

From: Prince <3
May party tayong pupuntahan mamaya! Mga 6:30, pinaalam na kita kanina Kay Tita Terrice tsaka party lang naman ehh. Susunduin kita dyan. I love you prinsesa ko

Napangiti naman ako

Mag tiwala ka sa kanya Nica! Tama sya! Prinsesa ka nya at prinsipe mo sya, hindi ka nya kayang lokohin. Mahal ka nya. Mahal na mahal.

Tumayo ako at humarap sa isang salamin. Mugto na naman ang mga mata ko.

Naligo na ako at nag ayos na. Since party ang pupuntahan ay nag suot ako ng isang simpleng dress at nag make up ng konti lang.

Bumaba na ako at nakita na si Prince na sobrang gwapo sa suot nya. Minsan hindi tuloy ako makapaniwala na minamahal ako ng isang sobrang gwapong nilalang na tulad nya

Napangiti sya at binulungan ako "Ang ganda naman ng taong mahal ko"

Nginitian ko sya pabalik "Ang gwapo rin ng prinsipe ko, sobrang gwapo"

Hinalikan nya ako sa pisngi at ipinaalam na Kay tita Terrice

🐰❣️

The Casanova's Girl  (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum