Chapter 30

6.7K 140 2
                                    

Nica's POV

"Taciaaaaaaaaa!!!!!!!!!!" Sigaw ko at niyakap sya nag sobrang higpit "Buti naman nakabisita ka! Akala ko kinalimutan mo na ako mula nung kinasal ka! Namiss kita!!!!"

"Ano ba Nica! Nung isang araw Lang yung kasal ko noh! Isang araw Lang tayo Di nagkita tapos grabe ka maka sigaw ahh!"

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya

"Oh Tacia! Andrei! Pasok kayo" saad naman ni Tita Terrice

Oo nga pala, nalimutan ko sabihin na sa bahay ni tita Terrice ako ngayon, gustuhin ko mang bumili na Lang ng condo ayaw naman ni lolo at Lola, mas maganda daw kasi kung sa bahay na Lang ni Tita Terrice para may makasama naman sya

Tumuloy sila sa loob ng bahay ni tita Terrice at umupo sa isang sofa

"Akin na yan Nica" saad naman ni Andrei sabay kuha ng bitbit kong tray na may juice

"Sige thank you, kunin ko lang yung cookies wait" Sabi ko at ngumiti

Nagpunta ako sa kusina at kinuha yung cookies ngunit tumunog ang phone ko, may nag message.

From: Unknown Number
Hello sweetie! Mukhang masaya na kayong lahat ahh? Well, gusto ko lang ipaalam sayo na tinataksil ka lang ni Tacia at Prince! It's your choice kung maniniwala ka o hindi, Basta binalaan kita. Bye bye Sweetie!

Si Tacia at Prince? Tinataksil nila ako? Niloloko Lang nila ako? Si Andrei? Niloloko nya rin ba ako? Nag pakasal sya Kay Tacia pero fake lang para matakpan yung pagtratraydor nya sakin? Ganun ba yun?

Hindi.

Hindi Nica, mag tiwala ka! Mag tiwala ka kasi kaibigan mo sila! Mahal ka ni Prince!

"Antagal mo naman!"

Agad ko namang ibinulsa ang phone ko ng marinig ko si Tacia mula sa likod ko

"Tulungan na kita" saad nya pa at tumango na lang ako

Pagkadating ko sa kanila nakita ko agad si Prince.

"Nica!" Bati nya sabay yakap sakin, niyakap ko naman sya pabalik

"Ahh hi" saad ko at pilit na ngumiti

"May problema ba?"

"Ako? Wala!"

Nagbiruan sila at nakikitawa na lang ako

Sabihin ko kaya Kay Prince?

Hindi.

Baka isipin nya Wala akong tiwala sa kanya

Hindi nya na Kailangan pang malaman na may nag text sakin ng ganun...

Tiwala Lang Nica!

Pagkatiwalaan mo si Prince

🐰❣️

The Casanova's Girl  (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu