MUNDO

116 8 10
                                    

Walo,

Walong milya na ang layo mo
Ngayon pa ba lalambot 'yang puso mo?
Magmatigas ka!
Oo, 'wag kang maniwala sa Kanya!

Kalokohan naman yatang may magmamahal pa sayo, gayong 'di ka pa man isinisilang ay nagkasala ka na
Sayong wala namang ibang ginawa kun'di ang talikuran Siya
Sayong mas importante lang ang sariling kasiyahan
Sayo na walang ibang inisip kun'di ang magpakayaman
Sayo na walang kakuntentuhan
Sayo na walang inatupag kun'di ang makipag-kompitensiya
Na wari bang 'pag dumami ang likes sa facebook ay siya na'ng pinakamaganda
'Pag dumami ang followers sa twitter at insta
Linyahan mo agad ay "who you?" na!

Sige magmatigas ka!
'Wag kang maniniwala sa Kanya!
Magpakalulong ka na lang sa bisyo, alak at sigarilyo
Tutal 'yan naman talaga ang sagot sa mga problema mo

Hala sige inom pa!
Uminom ka pa hanggang sa malunod ka na!
Walang sasagip sayo, dahil hindi naman totoo ang mga superhero!
Walang sasagip sayo!
Sa isang katulad mong 'di marunong mag seryoso!
Sayong buhay na wala namang kaplano-plano

Sige magmatigas ka!
'Wag kang maniniwala sa Kanya!
Sirain mo na lang ang buhay mo
Sirain mo na ang buhay mo
Tutal wala na rin namang patutunguhan ito
Sayong walang ibang ginawa kun'di mag-dahilan
Kesyo "'di ko kaya to", "mahirap yan!"
Sayong sarili na lang ang pinapakinggan
Sayong puso na puro galit na lang ang laman
Sayong wala ng iba laman ang utak kun'di puro kalandian
Sayong matalino lang sa mga salitang panlansangan
Sayong nalunod na sa buhay sa social media
Sayong kinain na ng sistema ng teknolohiya

Nakakatawa ka!

Nakakaawa ka!

Oh? Ano yang nakikita ko?

Iiyak iyak ka pagkatapos ano?

Pagkatapos naman nito'y babalik ka rin sa dating gawi mo
Kaya't punasan mo na yang luha mo at magmatigas ka!

Sige magmatigas ka!
'Wag kang maniniwala sa Kanya!
Dahil oo!
Tama ka!
Hindi ka karapat-dapat na tawaging anak Niya
Dahil wala ka rin namang pinagkaiba sa kanila
Tama ka!
Hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal Niya
Dahil hindi ka naman talaga mahalaga

Hala sige!
Maawa ka!
Maawa ka sa sarili mo dahil wala naman talagang nagmamahal sayo
Sa isang taong makasarili na gaya mo
Sa isang tulad mo na wala namang talento
Isa kang talunan, alipin ng kasalanan!
Talunan!
Hanggang ngayo'y gapos ka pa rin ng sanlibutan!

TAGU-TAGUANWhere stories live. Discover now