MUNDO

392 15 9
                                    

Dalawa,

Dalawang minuto na ang nagdaan sa larong ito ng taguan

Batid kong ayaw mo pang ika'y kanyang matagpuan,

Kaya naman ikaw ay akin nang nilapitan
At ako sayo'y nakipag-kaibigan


Ako nga pala si mundo,
Kaya kong ibigay ang sayang ninanais mo

Hindi ko ipagkakait ang kagandahang inaasam mo

Halaga mo'y kaya kong bigyan ng numero

Halika at sa akin ay sumama na at tayo'y magdamag na magsasaya

TAGU-TAGUANWhere stories live. Discover now