36: End Game

763 28 9
                                    

Nasa paliparan na ang buong pamilyang Quirol at hinihintay na lang ang kanilang private plane na magdadala sa kanila sa Amerika.

"Ann.. Ready?" Tanong sa kanya ni Christian na naka-alalay sa kanya sa paglalakad.

"Hindi ako lumpo, Christian. I can manage myself, but thank you. Salamat sa pagsama mo sa akin ngayon." Pasalamat ni Ann sa kapatid. He should be enjoying himself at the prom. Dapat ay kasama nito si Lil Saint ngayon pero heto ang kapatid niya at kasa-kasama niya patungong Amerika.

"You're my sister, what do you expect? I may act like a complete douche but I care for you deeply, sis." Nakangiti nitong sagot sa kanya.

"Kids. We'll take off after twenty minutes daw. Nariyan na ang piloto. Chinecheck na lang ang eroplano bago tayo umalis." Imporma ng kanyang ama at sinenyasan sila na sumunod sa kanila sa tarmac.

"This is it, sis." Sabi ni Christian at bumuntong-hininga.

Mapait siyang nakangiti. Naiiyak siy ngayon, dapat ay nasa prom siya ngayon. Dapat ay kasama niya si Oasis ngayon. But she needs to cure herself first. Kailangan niya iyong gawin para sa sarili niya at para sa taong minamahal niya.

Nakita na ni Ann ang eroplanong sasakyan nila, napabuga siya ng hangin. This is it. She's leaving.

"Ann.. May gustong kumausap pala sa iyo. I can't deny him the chance to say goodbye to you, go talk to him before we leave." Sabi ng kanyang ama at may itinuro sa likuran nila.

Agad na napalingon si Ann at nakita niya si Oasis na naglalakad patungo sa gawi nila. He looks dashing in his three-piece suit.

"Say your goodbyes. Mauna na kami sa itaas." Dagdag ng kanyang ama at pumanhik na ito sa hagdanan kasama si Christian.

"Hey.." Sabi ni Oasis nang makalapit na ito sa kanya.

"H-hey.." Hindi mapigilan ni Ann ang umiyak. Agad siyang sinalubong ng yakap ni Oasis. Mahigpit siyang nakakulong sa bisig ng lalake habang lumuluha. "I'm sorry. I'm sorry." Hingi niya ng tawad.

"Ssshhh... It's okay Ann. I understand. Nagkausap na kami ng papa mo." Pagpapakalma ni Oasis sa babae. "I understand your decision, I respect it. Pero hindi ako makakapayag na umalis ka ng hindi man lang ako nakakapagpaalam." Ani Oasis na mas lalong nakapagpahagulhol kay Ann.

"Ssshhh..." At mas hinigpitan ni Oasis ang pagkakayakap sa dalaga. "Walk away if you want to. It's okay, if you need to." Mahinang kanta ni Oasis sa dalaga. "You can run but you can never hide from the shadow that's creepin' up beside you." And they slowly sway to the melody of his song. "There's a magic runnin' through your soul but you can't have it all." Pabulong na kanta ni Oasis. Tumigil na sa pag-iyak si Ann, sumisinghot-singhot na lang ito ngayon habang yakap nila ang isa't-isa.

"Whatever you do, I'll be two steps behind you. Wherever you go, and I'll be there to remind you. That it only takes a minute of your precious time to turn around, I'll be two steps behind." At iniangat ni Oasis ang mukha ng dalaga. "I'll be waiting for you, Ann. Huwag mo ako masyadong isipin, think about yourself and your therapy. Palagi lang akong maghihintay sa pagbabalik mo. I am not angry or mad, or even furious sa naging desisyon mo. I understand because I love you. I love you, baby. I'm so sorry if it took me a while to realize it"

"I'm sorry for leaving you like this. I'm so sorry." Malungkot na wika ni Ann.

"Hush babe, it's okay. I love you. Will you call me pagdating mo roon?" Tanong ni Oasis sa dalaga. Napangiti pa nga siya nang tumango agad ang dalaga. "Take care, okay? Aalis na yata kayo." Ani Oasis at tuluyan ng pinakawalan ang dalaga mula sa kanyang yakap.

"I'll miss you, Oasis." Hindi na naman maiwasan ni Ann ang mapaiyak.

"I know, baby. I know." He slowly take a step forward. He lowered his lips on her and whispered, "I love you."

"I love you too, Oasis." She said while crying. "I love you." And they share a passionate kiss before letting each other go.

"I'll be back soon." Ani Ann na humahakbang na paatras sa lalake.

"I'll be waiting." Tugon ni Oasis at tiningnan ang dalaga na ngayon ay paakyat na sa hagdanan patungo sa eroplano.

He wants to shout in fury, he wants to grab her and take her with him. Gusto niyang huwag na itong umalis, na huwag siyang iwanan, pero pinigil niya ang sarili. Ann needs this, and he needs to understand her. Love is not only about loving someone, it's also about sacrificing your happiness para lang mapasaya ang taong mahal mo.

"I love you, baby. Maghihintay ako sa pagbabalik mo." He said then started to walk away from the plane.

THE END

Dear Oasis, (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα