34: Realizations

667 28 10
                                    

Napangiti sa kanyang isipan si Josephine. Kanina pa niya sinusundan ang binata. Mula sa pag-alis nito ng paaralan hanggang sa pagsugod nito sa bahay ni Ann. Sinundan niya ang lalake hanggang sa marating nga niya ang lugar na ito.

Hindi naman liblib ang lugar, konti nga lang ang mga bahay na naroon. Nakita niyang ipinarada ni Oasis ang kotse di-kalayuan at tinungo ang isang bahay. Agad siyang lumbas sa kanyang kotse at sinundan ang binata.

Kumatok siya ng kumatok hanggang sa marinig niya ang yabag nito na papalapit na sa pintuan.

"Who are- Josephine?" Napuno ng pagtataka si Oasis nang makita ang babae. Wala pa siyang nadadalang babae roon maliban kay Ann, paano nito natunton ang bahay na iyon?

"I know you are hurt. But you need to know the truth, Oasis. The truth behind Nigel and Ann." Sambit ni Josephine at biglang sinugod ng yakap si Oasis, "I feel sorry for you, love. Sana ay sinabi ko na ang lahat sa iyo noon. She's just fooling around. She's inlove with Nigel, pero hindi siya pinansin ng lalake kaya sa iyo niya ibinaling ang kanyang atensyon." She shed tears para mas kapani-paniwala ang sinasabi niya.

"What?!" Nakita niyang nagdilim ang anyo ni Oasis. She silently smirked. See Ann? I can have him. I can make him love me again.

"Yes. It's true. I'm so sorry for all of this. I know you are hurt, but I am here for you." At hinawakan ni Josephine ang magkabilang pisngi ni Oasis. "I'm always here. I love you, Oasis." And she kissed him passionately. Itinulak niya si Oasis sa sofa na malapit sa kanila at doon sinugod ulit ng halik ang binata.

Alam niyang nabigla si Oasis sa ginawa niya, pero wala siyang pakialam. She kissed him more at lihim siyang napangiti nang tumugon si Oasis. Ipinaikot ni Josephine ang kanyang dalawang kamay sa batok ng lalake at mas nilaliman ang halik. She knew it! Oasis loves her still.

"Baby.." Anas ni Josephine at hahalikan sana ulit si Oasis nang umiwas ang binata. Napakunot siya ng noo nang makita ang nakakalokong ngisi sa labi ni Oasis. "Oasis?" Takang tawag niya sa binata.

"Ito ba ang gusto mo, Josephine?" At mariing hinawakan ng binata ang kanyang kaliwang kamay at siniil siya ng halik. "Ito ba?!" He kissed her harshly. Pakiramdam ni Josephine ay magkakasugat na ang labi niya sa paraan ng paghalik ni Oasis. "What did you do?! Sagutin mo ako! Anong ginawa mo?!" At bigla siyang itinulak ni Oasis palayo rito na naging dahilan ng paglagapak niya sa sahig.

"I'm no fool Josephine! Alam ko na may ginawa ka, Lil Saint warned me about you. Sagutin mo ako, anong ginawa mo sa kanya?!" Ayaw manakit ni Oasis ng babae, pero ngayon pigil na pigil na niya ang sarili huwag lang masaktan si Josephine.

"Making her realize things." Nang-uuyam na sagot ni Josephine. "See?! Kung hindi siya dumating, ako pa rin sana Oasis! Ako pa rin sana ang mahal mo! That stupid b*tch just came from nowhere at ngayon kukunin ka na niya sa akin?! How dare her?!" Galit na sigaw ni Josephine kay Oasis.

"No! How dare you, Josephine! How dare you! Huwag mong isisi sa kanya ang mga nangyari. Yes it's true. I loved you. LOVED. You had me before, pero hindi mo ako pinahalagahan. Thank you, thank you for what you just did! Dahil sa ginawa mo alam ko na sa sarili ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya." Mariin na wika ni Oasis sa babae.

"Nabubulag ka lang Oasi-"

"I love her. I love her more than I loved you. Wake up, Josephine. I can never love you again." Putol ni Oasis sa sinabi ng babae.

"N-no. No, Oasis! No! You can't say that bullsh*t!" Hindi mapigilan ni Josephine ang mapaiyak. Niyakap niya si Oasis at humagulhol ng iyak. "I love you Oasis, please. Love me again." Pagmamakaawa niya.

"I'm sorry." Ani Oasis at tinungo ang pintuan ng bahay. "Lock the door when you leave, I'm sorry again." Hinging paumanhin ng lalake at naglakad na palayo.

A/n: Intense! 'Yon lang. Intense! HAHAHAHA

Dear Oasis, (Completed)Where stories live. Discover now