Love Lies 2U Again - 59

3.1K 93 2
                                    


"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya.

Kakashower ko lang at nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto nya. Masyado narin kasing late, kaya minabuti kong dito nalang magpalipas ng gabi. Pinahiram naman ako ni Grecko ng mga damit nya.

Infairness, namiss ko tong kwarto nya ah.

Pangiti-ngiti lamang si Grecko at hindi sumagot sa akin.

Natawa naman ako sa inasal nya.

Nilapitan ko sya at tumabi na rin sa kanya paupo sa kama.

"Huy! pangiti-ngiti ka dyan! Para kang sira! haha" natatawang sabi ko dito.

Naging seryoso naman ang itsura niya. Mas lumapit sya at hinawakan nya ang mukha ko.

Inipit nya sa tenga ko ang mga takas at basa ko pang bangs na humaharang sa mukha ko.

"Masaya lang ako" sagot nito sakin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Masaya rin naman ako eh" sagot ko sa kanya.

Tinitigan nya ang mga mata ko at seryosong tumingin dito.

"Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nandito ka, na kasama kita ngayon. Pakiramdam ko panaginip lang na makakasama pa kita ng ganito" seryosong sabi nito.

"Timothy, matapos ang lahat ng nangyari sa atin. Di ko lang lubos maisip na magkakaganito pa tayo. Akala ko habang buhay na kong magdurusa sa nakaraan natin" lumalamlam ang boses nito.

Awwww Grecko ano ba! Ayan na naman sya parang maiiyak na naman.

"Shhhhhh wag ka nang umiyak" pagpigil ko sa kanya.

"Timothy, alam ko yung bigat ng kasalanan ko sa'yo. Promise lahat ng iyon pinagsisihan ko-" hindi ko na ulit sya hinayaan pang magsalita.

Hinalikan ko ang pisngi nya.

Ramdam ko ang frustrations, agam-agam at pangamba sa mukha nya.

Alam kong may parte parin sa kanya ang hindi makapaniwalang nangyayari ngayon ang lahat ng ito. Sino bang hindi? Maging ako man ay hindi ko lubos maisip na gagawin ko ang bagay na ginawa ko kanina.

"Tama na Grecko. Hindi ito panaginip, totoo ang lahat ng ito" nakangiti kong sabi sa kanya.

Hinawakan ko ang mukha nya at direkta ko syang tiningnan sa mga mata.

"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag sakin dahil alam ko na ang lahat. Naiintindihan ko na ngayon" sambit ko.

"Masyado na nating nasaktan ang isa't-isa. Ayoko na ng gulo, kaya sumuko na ako. Ibibigay ko na yung gusto ng puso ko. At ikaw yun Grecko, ilang taon man ang lumipas, marami man tayong pinagdaanan.. Wala eh' Mahal parin kita" buong puso kong sabi sa kanya.

Yung ekspresyon ng mukha nya ay hindi maipinta. Para syang maiiyak na matatawa at galak na galak sa mga narinig nya.

Agad nya akong hinalikan.

Isang napaka sarap na halik.

Halik na matagal ko ng hinahanap.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora