She is the One. 6 - Past up to the Present.

Magsimula sa umpisa
                                    

Nilunok ko na yung pagkaing nginunguya ko. "Pinapasabi ni Julia na Happy 4 years daw satin." I said with a big smile.

"4 years na pala no?"

"Oo nga eh. Ang tagal na. Grabe. Can you believe it? Dati lang, highschool pa tayo. Tapos nililigawan mo pa nga ako nun eh. HAHAHAHA!"

"Syempre. Bakit ko naman hindi liligawan ang isang katulad mong NERD PALA DATI? HAHAHAHA!"

"Excuse me! I wasn't a nerd back then! Baduy lang talaga ako! I mean, hindi pala-ayos!

"Edi inamin mo na din na pangit ka!"

"Aish, bahala ka nga sa buhay mo. Dyan ka na, leche." sabay tumayo na ko. Tampo effect. Haha.

"Huy teka!" at hinila niya yung kamay ko.

But unexpectedly, I accidentaly stepped on my shoe lace and loss my balance.

Napapikit na lang ako at sa pagmulat ko, si DJ yung kaharap ko.

Narealize ko na lang na bahagyang nakaupo pala si DJ at ako naman eh nasa ibabaw niya. We're in a very difficult to explain position which is VERY AWKWARD!

Pano ba naman.. his face is inches away from mine!

"Ang clumsy mo." nakangiti niyang sabi.

"Tss. Ikaw kasi e." nasabi ko na lang para hindi mahalatang na-awkward ako.

Umayos na kami ng pwesto at aalis na sana ulit ako nang pinigilan niya ulit ako.

"Ano ba?"

"Sorry na! Eto oh." sabay abot niya saking ng box na medyo maliit.

"Ano to?"

"Buksan mo." nakangiti niyang sabi.

"Pag to, DJ, may laman na palaka. I'll kill you."

"Kath naman, isipin mo nga! Paano magkakasya palaka diyan?!"

Grabe naman maka-react tong si DJ. I was just joking. Alam ko naman na hindi kasya eh. Parang maliit na jewlry box kasi tong binigay niya sakin. 

Binuksan ko na lang yung box.

And I was surprised to see what's inside.

A necklace!

"Is this.. for me?" 

"Oo naman. Para sa pinakamamahal kong babae sa buong rooftop na to!" sigaw niya.

Sus. Sana nga..

"Gagi, eh ako lang babae dito eh."

"Malamang."

"Oh eh para san naman to?"

"Peace offering." 

"Wow, agad na? Prepared ka ha."

"Uto ka naman."  tapos ginulo niya yung buhok ko at inagaw yung kwintas. "Wala lang. Gusto lang kitang regaluhan." 

Isinuot niya sakin yung necklace tapos ngumiti.

"Yung totoo, DJ. Sumisipsip ka ba? Ano na namang karumaldumal ang nagawa mo, ha?"

"Huuuy! Grabe ka naman! Karumaldumal?!"

"Syempre, what more will I expect from you?"

She is the One. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon