She is the One. 2 - 'Maghihiwalay din yan. Tiwala lang.'

3.5K 123 23
                                    

Thank you Jam. :> 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.

Eto nga't nagtatanong na kami sa ibang mga istudyante ditong nakakakilala sa babaeng sumampal sakin kanina. Si Miss hard-to-get.

Ang daming nagsasabing hindi daw nila kilala yun at hindi daw nila nakita yung pangyayari. Langya naman oh! Eh Ang dami ngang tao kanina, impossibleng wala lahat ng mga pinagtatanungan namin ngayon.

Tsaka isa pa, may narinig akong mga reaction ng mga tao nung nakita nilang sinampal ako ni Miss Sampal. Sabi pa nga ng isa, "Shit, they've met."

"Miss. Nandun ka ba kanina sa may memorial garden between the hours of 12 and 1pm?" parang detective na tanong ni JC sa isang babaeng nilapitan namin dito sa cafeteria.

"Ha? Wala eh." at bumalik na siya sa pagbabasa ng notebook niya sa Physics pati na rin ang mga kasama niya.

"Psh. Lang kwenta." bulong ni Kats.

"Ay wait! Oo pala!" habol nung babae nung paalis na kami.

"Miss, ano ba talaga? Ang gulo mo e." naiinip na tanong ni Kats.

"ssh! Wag ka magulo." saway sa kanya ni Sed. "Ano nakita mo nun, miss?"

"Nasampal ka diba?" nakangiting tanong sakin nung babae. WOW! Maka-ngiti wagas? Nasampal na nga pinaka gwapo dito e!

"Nandun ka diba? Ba't di mo sagutin tanong mo?" sagot ko.

"Taray mo. Tss. Well ano bang kailangan niyo?" sabay isa isa niya kaming tinignan.

"Kilala mo yung babaeng sumampal sa kanya?" tanong ni Lester sabay turo sakin.

"Oo." ngingiti-ngiting sagot nung babae.

Naghihintay lang kami ng sasabihin niya pa pero wala, patuloy lang siyang ngumingiti.

"Well?"

"Anything you've got to say?"

"Her name?"

"Year level?"

"Section?" 

Palitan kami ng tanong ni Kats sa babaeng nakakaloko na ang ngiti samin.

"Kathryn Bernardo, 4th year, FY 403." mabilis niya yung sinabi sabay ngiti ng nakakaluko at mablis sabay umalis na din.

"Alam niyo mga bregs.." umakbay samin si Kats.

"Ano?" tanong ni Lester.

Silience....

"ANG WEIRD NIYA!" sigaw ni Kats.

"HAHAHAHAHA!" natawa kaming lima. Tunay kasi e. Ang weird niya. Ngiti ng ngiti.

"Pabayaan niyo na si weirdo. Ang importante, alam na natin kung san matutunton si ano.. si.." sino nga ulit?

"Si Kathryn!" Kats.

"Yown! Ayos na." 

*riiiiiiiing*

Sakto namang tunog ng bell. Kaya't pumunta na kami sa mga room namin.

Habang nagtuturo si ma'am, hindi ako nakikinig. Ang boring e. Walang saysay magturo. Tss. Kaya't eto, patagong naglalaro ako ng temple run sa cellphone ko nang biglang may nag text.

She is the One. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon