CHAPTER SIX

1.2K 78 7
                                    

Nalaman ko na team captain pala ng basketball team ng school ang boyfriend ni Haven ngayon kaya naisip ko na sumali sa team nila para ng sa gayon ay makilala ko ang lalaking iyon.

"Wooh! Mas gwapo siya kesa kay Zandro ha!" sambit ni Lorenz habang pinapanuod namin ang boyfriend ni Haven na naglalaro ngayon. Hinampas ko naman ang kan'yang balikat dahil sa sinabi niya.

Dumating si Haven kasama ang isa niyang kaibigan. May dala itong mineral bottle. Kumaway ito sa direksyon namin kaya kumaway rin ako pabalik. Ngunit hindi pala para sa akin ang kaway na iyon kaya ibinaba ni Lorenz ang kamay ko.

"Hi babe!" bati niya kay Gerald, ang boyfriend niya.

Inabot nito ang bote ng mineral at pinunasan ang pawis. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya habang kausap ang boyfriend niya.

Kung naging kami siguro ngayon, ganoon din siguro kami kasaya.

Alam kong wala na akong pag-asa. Alam kong huli na ako sa karera. Pero umaasa pa rin ako na sana....sana talaga kami pa ring dalawa.

***

"Ayoko nga sabi!" tutol ko kay Haven.

Pinipilit niya akong makipag-date sa kaibigan niya. Alam niya ba kung gaano kasakit 'yun ha. Durog na nga ang puso ko eh dinudurog pa niya.

"Bakit naman?" pangungulit nito.

"I just don't want to." sagot ko saka tumayo mula sa pagkakaupo ko sa bench. Sumunod naman siya sa akin.

"Bagay naman kayong dalawa ah!" Gusto ko sanang sabihing mas bagay kaming dalawa.

"Haven, anong nagustuhan mo kay Gerald?" Napatigil ito sa tanong ko.

"Bakit mo naman naitanong yan?" Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin.

"Wala lang," palusot ko. Pero sa totoo niyan ay gusto kong malaman kung bakit hindi ako ang pinili niya..

"It only takes 3 seconds," sabi niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

"3 seconds?" paguulit ko.

Tumango naman siya saka inilagay ang dalawang kamay sa likod. "May nagsabi sa akin na it only takes 3 seconds to fall inlove with someone," nakangiti niyang sabi habang nagkukwento. "I guess it was love at first sight. When I took my entrance exam , nahulog ang mga papel na dala ko habang palabas ako ng school tapos tinulungan niya ako and it only last 3 seconds." pagpapatuloy niya.

Love at first sight?

Nainlove agad siya sa lalaking iyon?

Pero hindi ko naman siya masisisi dahil ako nga 'e nainlove agad sa kan'ya nngg una ko siyang makita sa loob ng faculty room.

***

"Sa sobrang kalasingan mo, pinaghalo mo ang puti sa de-color humawa tuloy sa damit mo." bulyaw sa akin ni Homer.

Wala ako sa mood makipagtalo sa oras na ito. Magdamag lamang akong uminom ng beer hanggang sa nakatulog na ako. Nandito lang kami sa may bench sa harap ng aming room para tumambay.

"Hays, sayang at wala ako sa probinsya hindi ko mabibigyan ng bulaklak si mama, mothers day pa naman ngayon," Napatayo naman ako sa sinabi ni Daniel na nakaupo sa aking tabi.

"Mothers day ngayon?" tanong ko sa kanya. Tumango naman agad ito.

Nagpaalam naman ako sa kanila at sinabing may pupuntahan lang. Kaagad na akong tumakbo palabas ng school para bumili ng regalo. Mothers day ngayon, ibig sabihin birthday ni Haven.

First Love Never Dies | CompletedWhere stories live. Discover now