merry-go-round ; chapter one - raid

24 3 10
                                    

"Isa! Sanha naman kasi! Masasakal na kita!" Sigaw ko kay Sanha, nang agawin niya yung milk tea ko.

Pakiramdam ko talaga mission niya sa buhay ay ang awayin ako hanggang sa pumuti ang buhok ko bago pa naman ako maging middle aged.

Tawa naman siya ng tawa habang humigop siya dun at itinaas para hindi ko maiabot. Bakit ba kasi dinala ni Paige sa bahay to? Nakakainis naman, e!

"Paige, bakit dinala mo to?" Sabi ko kay Paige, nang dumaan siya sa amin galing sa kitchen.

"Kasi nagpacute ako!" Sabi ni Sanha, sabay nagpacute, kaya naman hinampas ko siya ng unan.

"Hindi ka cute, leche ka. Dun ka nga, iniimbyerna mo nanaman ako, e," sabi ko. Tumawa nanaman siya, kaya hinayaan ko nalang siya.

"HAHAHAHA. Mianhae, noona," sabi niya, at sinabunutan ko naman siya. "ARAY, ARAY! TINE KWON, MASAKIT!"

"Isang noona pa, babaliin ko yang binti mo para mas maliit ka na sakin," sabi ko sa kanya, at pati naman si Paige na umupo na sa couch ay nakitawa.

"Ang ingay talaga kapag magkasama kayo," sabi niya, at sabay naman kaming napatingin ni Sanha sa kanya.

"Ano pa kung kasama mo si Junhoe? Isa ka rin, e," sabi ko, at tumawa naman siya.

Ibinalik na ni Sanha sa akin yung milk tea ko kaso nga lang ay ibinigay ko nalang sa kanya. Ininuman na kasi niya yan, e. Nakakainis naman siya.

Pauwi na sana kami ni Sanha, dahil sabay daw siyang uuwi sa akin kahit na ayaw ko pa, nang biglang may tumawag sa akin. Chineck ko kung sino yun, at nanlaki ang mga mata ko.

Sinagot ko, at agad naman na bumungad sa akin yung boses niya na parang masaya pa. Luh?

"Tine? Um, kamusta ka na?" Sabi ni Hyeongjun, at saka naman napatingin ako kay Sanha. Napansin kong tumingin din siya sa akin pero iniiwas na niya ang tingin niya nang makita ko yun.

"A, maayos. Bakit ka tumawag?" Tanong ko, sabay tingin sa gilid.

"M-Miss na kita. Sorry kasi kailangan tayong magbreak dahil lang sa pagiging trainee ko," banggit niya, at hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

After kong magkagusto kay Moon Bin at nawalan ng pag-asa, dumating naman sa buhay ko si Hyeongjun. Si Hyeongjun na walang ibang ginawa kundi kausapin ako pero  sa dulo ay ipagpapalit pala ako sa pangarap niya.

I mean, wala naman sigurong problema kung isama niya ako sa pangarap niya, pero hmm, bahala naman siya. Over na ako dun.

"Wag mo nang isipin yun, Hyeongjun. Nangyari na, e. Mababago pa ba natin?" Sabi ko, at narinig ko naman na parang lumapit si Sanha sa tabi ko.

"I... I want you back," sabi niya, at nagulat naman ako. Sasagutin ko na sana siya nang biglang hablutin ni Sanha yung phone ko at saka kausapin si Hyeongjun.

"Hoy, lalaki. Tigilan mo si Tine. Wag kang maharot. Ibaon kaya kita sa lupa?" Sabi niya, at kinurot ko naman si Sanha pero hindi siya nasaktan. Ala?

"Hindi, bakit? Soon. Sige, bye! Wag ka na tatawag ulit, ha? Thank you!" Sabi niya, na halos pasigaw pa tapos ay binalik sa akin yung phone ko.

Agad siyang nagwalk out bago ko pa man matanong kung ano yung sasabihin niya, kaya naman naiwan akong gulong gulo dito. Ano ba yun?

Argh! Meori apeuda!

Nakakainis lang!

Umalis nalang ako, at saka sumakay na. Buti nalang sinundo ako ng driver namin, o kaya hindi ko malalaman kung paano ako gagalaw.

"Ma'am Tine, bakit ho parang lutang kayo?" Sabi ni manong, at agad naman na napako sa kanya ang tingin ko saka nalaglag ang panga.

"Kahit lutang ho ako manong maganda ako. Diba?" Sabi ko, at tumawa naman siya sabay tumango. Bulachi.

"Opo naman, ma'am. Lahing Kwon ho, e," sabi niya, at napangiti naman ako.

"Kaya ho siguro hindi pa makamove on yung ex kong iniwan ako-"

"Ma'am, ikaw ho yung iniwan? Akala ho ba namin ikaw yung nang iwan dahil pinagsawaan mo na ho-"

"MANONG! HALA HAHAHA SABI KO YUNG EX KONG INIWAN KO. HINDI INIWAN AKO. MANONG NAMAN, E NAGPAPATAWA. HAHAHAHA!" sabi ko, at kinakabahan na tumawa.

Nakakainis naman, e! Hindi ko talaga tanggap na si Hyeongjun yung nakipagbreak! Basagin ko mukha nung bwisit na yun! Tapos ngayon siya yung maghahabol? Pahabol ko siya kay Beanie, e. Yung aso kong maharot. Parang siya.

"Andito na po tayo, ma'am," sabi niya, at tumango naman ako.

Bumaba na ako ng kotse at saka tumakbo papasok sa bahay. Nako. Nakakahiya ka, manong.



Pagpasok na pagpasok ko sa bahay, agad naman na tumambad sa akin ang nakangising members ng Astro. Pota? Sino nagpapasok sa mga to? Sila Mama ba? Luh?

Si Jinjin, nakangiti na akala mo ambait bait niya. Si MJ naman, halatang may kababalaghang ginawa. Lagi naman mukhang may ginawa yan e. Pero isisigaw niya, "Fake!". Si Eunwoo naman, parang tangang ang lawak ng ngiti. Si Moonbin, tamang ngiti lang din. Nakikijamming naman sa ngitian si Rocky, habang yung demonyong maknae nila yung nakangisi.

"Hala? Bat naman kayo nakarating dito?" Tanong ko, sabay tingin sa grand staircase. "MAMA! MAY MGA LALAKI DITO! BAKIT NIYO PO PINAPASOK?"

"Anak! Sina Moonbin naman yan, kilala ko yang mga yan! Pinakacute nga si Sanha hijo, ang bait pa!" Sabi ni mama na nasa may staircase at pababa. May dala dala siyang files habang may maids na tumutulong na magdala din.

"Pakshet? Sanha? Pinakamabait?" Sabi ko, at tinignan ako ni mama na akala mo pinapatigil ako.

"Hehehe, thank you tita! By the way, thank you po sa brownies kanina!" Sabi ni Sanha, at nagbow pa.

Brownies.

Tanginang brownies.

BROWNIES?!

ANO TO, SI MAMA, PINAGGAWA ITONG MGA TUKMOL NA MGA ITO NG BROWNIES, AT AKO HINDI AKO IGINAGAWA KAHIT NA GAANO AKONG MAGREQUEST?

Wow. Mama. Sila na anak mo ha. Opo, yes po, opo. Sila na, ma.

"Mama, meron pa?" Tanong ko, at tumawa naman yung pabagets kong mama.

"Anak naman. Tanungin mo sila Sanha-"

"Wala na, noona! Ang sarap, e!" Sabi ni Sanha, at kumulo ang dugo ko.

Agad ko naman siyang pinalo palo nang makaalis na si mama, habang nagtatawanan sila dito. Nakakatawa ba yung kasaklapan na yun?

Bakit ko ba naging kaibigan itong mga to? Porkchop?

"Walang hiya ka Sanha, pinagsama mp sa iisang sentence yung wala na at noona? Naghahanap ka ng sakit ng katawan!" Sabi ko sa kanya, at tawa lang ng tawa.

"Totoo naman! Sa sobrang liit mo, kaliit ng steps mo tapos nalate ka. Kakasubo ko lang yung panghuli bago ka nakarating," sabi niya, at hindi ko na natiis.

"SANHA YOON! TYANAK KA!"

"Anak! Masama yan!"

Mama naman! Sila na anak mo!

Ito namang Sanha na to, kahit san yata akong magpunta, niraraid niya?! Bakit nga ba sila nandito?!

Panirang araw.

merry-go-round ◇ yoon sanhaWhere stories live. Discover now