𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 14

941 39 0
                                    

Chapter 14 - Joseph

Rave Pov's

Napabugtong hininga na lamang ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Ang hirap magmove on sa nangyari noh? Ganyan kasi pag nasaktan ka lalo. Bakit hayst. Bakit ba ang tanga ko? Dapat alam ko na sa una pa lang, kakampihan nya na yun dahil girlfriend nya yung tao habang ako, isang hamak lang na prinsesa na umiibig sa kanya. Sarap nyang sumbatan kung tutuusin. Hindi ko yun ginagawa para lamang sa sarili kong kapakanan, ginagawa ko yun para sa lahat. Dahil ang pagiging prinsesa ay napakalaking gampanin. Hayst, hindi nya maintindihan yun dahil nabulag sya sa lintik na pag-ibig na yan. Super sakit talaga, hahahahah. Super super super. Sinasaksak ako nito paulit ulit hahaha. Grabe.

"You're sad, anyway Angela, is that you?" Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Alam ko na ang boses nya ay familiar. It was him, Joseph my friend in elementary days.

"Joseph?" Tanong ko rito para sana ikumpirma kung tama ba talaga ako. Makakalimutin din akong tao at yun ang problema ko sa aking sarili.

Agad nyang hinila ang isang upuan na malapit sa table ko. Tsaka nilapag ang kanyang pagkain.

"Yup ako nga iyon. Hahaha. Sorry, dito na ako kakain, medyo nahihiya kasi ako na mag-isang kumain kaya ito. Hahahah." Tanong nya.

"Hahah, ako kasi sanay na akong mag-isa kaya ito. Hahahaha."

"You're sad, mukhang may problema ka Angela."

"Sus. Ako may problema, hahaha wala ito."

"Kita ko sa mata mo ang lungkot mo." Nagtitigan kami at tila ba ay unti unting nagsisilapitan ang aming mga mukha.

"Ayy sorry Kuya at Ate." Sabi ng isang bata na nakasagi ng table namin.

"Okay lang." Tipid na wika ko tsaka ngumit sa bata.

"Bagay kayo Ate. Gwapo si Kuyang Pogi tas ikaw maganda." Napakamot na lamang ng kanyang ulo si Joseph sa sinabi ng bata sa kanya.

"Hahaha, hindi hindi." Natatawang wika ko.

"Pero Ate, kung sakali na maging malaki ako baka ikaw Ate pinakasalan ko. Ang ganda mo po kasi eh."

"Hahaha. Ehh ano naman kung maganda ako or hindi? Alam mo bata, hindi mo dapat tinitingnan ang pisikal na anyo ng isang tao. Dapat tinitingnan mo yung ugali nya. Kasi aanhin mo yung ganda o gwapo, kung ang ugali man lang ay wala diba?"

"Woah, astig mo po Ate. Pero sabi nila piliin mo yung magaganda." Inosente na sabi ng bata.

"Sino nagsabi?"

"Yung Kuya ng kaklase ko po."

"Ayy. Mali yan, sabi ko nga hindi ka dapat bumabase sa itsura. Kasi kung pangit ugali ng babae o lalaki, monster yun. Rawr!" Pagbibiro ko.

"Makinig ka kay Ate Angela, tama sya. Dapat hindi ka bumabase sa ganda lamang, katulad nya, hindi lang maganda, mabait pa." Nakangiting wika nito habang nakatingin sa akin.

"Hahaha. Nambobola ka nanaman." Natatawang wika ko rito.

"Seryoso ako." Napailing na lang ako. Agad kong binigay sa bata ang icecream na inorder ko para sa akin tsaka french fries.

"Ehh Ate?"

"Sa iyo na yan." Wika ko rito.

"Napakabait mo po talaga...Princess Rave." Princess Rave, paano nya nalaman?

'Magtatagumpay ka sa iyong misyon, huwag kang mag-alala.' Naririnig ko ang boses ng bata sa aking isipan.

"Babye na po Ate Angela, tsaka sa iyo Kuyang Pogi. Salamat po sa binigay nyo po." Pagpapaalam ng bata tsaka lumisan na sa aming pwesto.

Elemental Princess of EnglandWhere stories live. Discover now