𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 6

1.6K 66 3
                                    

Chapter 6 - Real Parents

Rio Povs

What the hell? So possible that she escaped from the Immortal World? But how? But why didn't I feel her power. I should feel it since I am a royal blood. She's so mysterious so much.

Angela Povs

Time na namin, nandyan na pala si Sir Mabait. Opo mabait talaga ang last name nya parehas din sa ugali nya. Sya yung nakakaintindi rin sa akin.

"Tomorrow, you can choose any clothes to wear. Don't wear shorts even a sexy clothes." Sabi ni sir. Math ang pinag aaralan namin ngayon.

"Statistics has two main types. Descriptive statistics and Inferential Statistics. Sino dito ang makakapag sabi sa akin kung ano ang ibig sabihin nito?" Sabi ni Sir. Wala ni isa sa amin ang nag taas. Nabalot ng katahimikan ang classroom namin.

"Ms. Sison any idea? From the two types of statistics?" Tanong ni sir. Tumayo ako ng maayos.

"Sir meron po, Descriptive statistics makes use of numerical and graphical methods to look for patterns in a data set, to summarize the information revealed in a data set, and to present the information in a convenient form. And Inferential Statistics makes use of sample data to make inferences like estimates, decisions, predictions or other generalizations about a larger set of data. Yun lang sir." Umupo na ako at nagulat si sir pinalakpakan nya ako.

"You are right." Sabi ni sir. Ngumiti naman ako.

"Magaling ka Angel. I'm proud of you. So guys you may go now." Sabi ni sir.

==========

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo, balak ko sana na dito dumaan papunta sa comfort room. Ngayon kasi ay dismissal na namin, konti na lang din ang tao dahil nagsiuwian na ang iba. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabungo ko si John Paulo o mas kilala sa tawag na Jp. Isa sya sa mga bumubully sa akin noon pero ginawan ko na ng paraan. Pinilit nya na makapaghiganti sa akin subalit nauutakan ko ito lagi.

"Sorry Jp." Sabi ko na masinsinan. Napayuko na lamang ako.

"Oh ikaw pala? Ano yan mala wattpad lang ang peg? Nerd? Mukha kang chaka." Napatampal na lamang ako ng noo. Hindi ko alam kung straight ba sya o girlalu. Grabe kung makasalita.

"Why do you care?" Saad ko rito.

"Hahaha. Masyado kang ewan. Akin na nga yan." Sabay hablot sa aking salamin. Napatigil ito ng nagbago ang aking anyo.

"Ibalik mo yang salamin ko." Sigaw ko sa kanya. Tila ba'y nawala ito sa kanyang sarili. May sira na yata ang kaniyang utak. Tiningnan ko ang aking paligid kung may tao, ngunit wala naman.

"Ibigay mo na sa kanya yan." Tinig ng isang lalaki. Napatakip ako ng aking mukha. Tumingin ako sa gawi nila at nakita nila ako. Sila ang mga Junior High SSG, masama ito. Tumakbo ako sa gawi ni Jp at inagaw ko ang aking salamin. Tumakbo ako patungo sa ibang direksyon upang makatakas sa kanila.

=======

Umaga nanaman, panibagong araw para sa lahat ng tao. Napagpasyahan kong gastusin ang aking pera sa mga importanteng bagay. Bumili na rin ako ng aking mga pagkain at mga kasangkapan. Bumili na rin ako ng motorcycle for emergency purposes. At ilan ding mga damit na panglakad at pang araw-araw.

======

Pinark ko na ang motorcycle ko sa parking lot sa school namin. Maraming nakatingin sa akin kung sino yung naka motor. Naging invisible ako para makapunta sa cr. Ilalagay ko na lang doon ang salamin ko sa mukha ko. Kanina kasi na mag motor ako hindi nakalagay ang salamin ko. Mahirap din kasi na makabiyahe ng may salamin.

Elemental Princess of EnglandWhere stories live. Discover now