BFGF

576 20 4
                                    

Cassey's POV

"Malapit na yung finals sa Mr. & Ms. Royalties ah? May costume na kayo?" tanong ko sa kanila

"Wala pa" sagot ko sa kanila

"Hindi pa nga tayo tapos sa project natin eh, nakaka hagard naman" reklamo ni Mindy

"Matatapos natin yan, para naman kayong walang tiwala niyan sa sarili niyo eh" sabi naman ni Stef

*BZZT*

Lahat naman kami napatingin sa cellphone ko na nakapatong sa table kaya naman kitang kita ko.. Well namin kung sino ang nagtext sakin kaya naman puro pang aasar ang inabot ko dito sa mga to.

"Boyfie alert" pang aasar ni Tiff sakin

"Hindi nagpaparamdam yan ah? Sabihin mo sa kanya magpa arcade naman siya" sabi nitong si Stef

Agad ko naman kinuha ang phone ko at tinignan kung ano ang text sakin ni Wacky pero picture lang pala niya ang pinadala niya sakin. Natawa ako dahil ang picture niya para siyang malungkot na nasa loob ng library. Tinignan ko ang orasan ko at 1pm na pala kaya naman agad akong tumayo para magpunta sa library.

"San ka pupunta?" tanong sakin ni Mindy

"Pupunta lang ako sa library" paalam ko sa kanila

"Kailangan niyang makita ang love life niya" pang aasar naman ni Stef

Hindi ko na lang pinansin ang mga pang aasar nila sakin at agad na lang akong nagpunta sa library. Dumeretso ako sa puwesto ko kung saan kami madalas na nag uusap lang ng walang naggugulo at may sariling mundo.

That Guy by GIUSTINA93Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon