Feelings

632 17 4
                                    

Cassey's POV

"Malapit na yung deadline ng project natin" sabi ni Mindy samin

"Hindi pa nga natin naaayos yun eh. May documentary pa kasing nalalaman" naiinis na sabi ni Stef

"Ganun talaga, yun na nga pinaka madaling project eh" sabi naman ni Mindy

"Samahan niyo ko" sabi ni Stef at tsaka tumayo

"Saan?" sabay sabay naming tanong

"Gusto kong kumain sa labas" sabi naman nito at tsaka kinuha ang bag niya at ang susi ng sasakyan niya "Sasama ba kayo?" tanong nito samin

"Sige" sabi naman ni Mindy

Talagang pag dating kay Stef si Mindy ang pinaka kasundo niya kasi parang ate na talaga ni Mindy si Stef. Wala kasing ibang nag aalaga kay Mindy kaya kadalasan si Stef at syempre kami na rin ang gumagabay sa kanya. Bilib nga kami diyan kay Mindy dahil sa edad niya eh naging classmate namin siya. Ganun yan katalino.

"Uy antay" habol naman ni Tiff

Ngayon ko lang na realize... Dati akala ko napaka perfect ng buhay namin pero ngayon unti unti nag sisink in na sakin yung iba't ibang problema namin, dati kasi wala akong ibang iniintindi at pakiramdam ko napaka perfect na ng buhay ko.

"Tara na, magpapa iwan kayo?" tanong samin ni Tiff

Teka? napa lingon naman ako at nakita ko si Wacky sa likuran ko. kanina kasi wala siya at kami kami lang ang nag memeeting. Ngumiti naman si Wacky at nagsimulang lumapit samin

"Nagdala ako ng camera para maumpisahan na natin yung documentary" sabi nito at tsaka ibinigay kay Tiff ang camera "Papaliwanag ko mamaya kung paano natin gagawin" habol pa nito at tsaka tumingin sakin

"Uhm.. Tara" aya ko sa kanila

Calm down Cas, si Wacky lang yan... Wag kang mag hyperventilate okay?

"Ngayon ko lang nalaman na nakaka hika pala ang TL" bulong sakin ni Tiff at tsaka tumawa ng mahina at naglakad papasok ng sasakyan

Naiwan tuloy kami ni Wacky, ang awkward tuloy!

"Ako na magdadrive" sabi nito at tsaka ako pinag buksan ng pinto

"T-Thank you" sabi ko dito at tsaka sumakay

"Oh Wax! Ikaw mag drive" utos ni Stef dito at tsaka lumipat sa likod

Agad naman sumakay si Wacky at nagsimula na nga mag drive. Sabi ni Stef gusto niya daw dun sa restaurant na palagi nilang kinakainan ng mama niya.

Si Stef at ang mama niya ang pinaka close sa buong mundo. Ito kasi ang nagpalaki at nag aruga sa kanya simula pagkabata. Iniwan kasi sila ng father niya kaya hindi na nakilala pa ni Stef ang papa niya. Parang ako, hindi ko masyadong nakilala ang mama ko pero si papa at ang makukulit kong kuya ang nag alaga sakin simula pagkabata. Miss ko na nga ang mga kuya ko eh dahil palagi silang wala at kasama ni papa sa business nila. Matagal tagal pa rin ang aantayin ko bago ako makasama sa kanila sa business world.

Pag dating namin sa restaurant agad na kaming naupo sa paboritong spot ni Stef, hindi ko maintindihan ang babaeng to dahil type na type niya ang window side kapag kumakain dito.

"Ang gagawin natin, iinterviewhin natin bawat isa then papakita lang yung mga ginagawa sa everyday life" paliwanag ni Wacky samin

"Ah gets, unahin na natin si Stef dahil paborito niyang restaurant to" sabi ni Tiff at tsaka sinet up ang camera

"Hi!" bati ni Stef sa camera at tsaka tumawa "Ako nga pala si Stef Johnson, anak ng isang businesswoman at nandito tayo ngayon sa paborito kong resto" pakilala niya sa sarili niya habang nakatitig sa camera

That Guy by GIUSTINA93Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon