“Oh my God! May nangyari sa agad sa inyo kagabi?!” Sigaw pa ni Reema na parang abot langit na ang pandidiri kaya agad akong napabitaw kay Cooper at umiling-iling habang ini-ekis ang mga kamay ko.

“Teka wala! Hindi! Mali ang iniisip niyo! ‘Wag kayong malisyoso!” Giit ko.

“Tama ang iniisip niyo! ‘Wag kayong maniwala kay Agatha!” Giit naman ni Cooper. Ang kaninang inaasar ay siya na ngayong nang-aasar. And unfortunately ako agad ang pinagtripan, bilis nga naman ng karma.

Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko, wala akong magawa. Nakakahiya rin naman kasi kung malaman nila ang totoong ibig sabihin ni Cooper sa sinabi niya—I admitted na kailangan at gusto ko siya after asking him to leave me alone,  I swallowed my pride, tell me that’s not embarrassing enough.

“Kumain na nga lang tayo.” Pag-iiba ko na lamang ng usapan at muling ibinaling ang pansin sa plato ko.

“Teka nasaan ang pagkaing nilagay ko dito?” Nakunot ang nook o habang pinagmamasdan ang platong kanina’y puno pa ng pagkain, wala na akong ibang suspect pa maliban kay Javi na siyang pinakamalakas kumain sa amin kaya agad akong napatingin sa kanya, “Grabe, pati pagkain ko di mo pinalampas.” Biro ko na lamang.

“Huh?” Nakunot ang noo ni Javi. “Agatha natapos ka ng kumain. Hindi ako ang kumain niyan, kundi ikaw.” Aniya kaya tumango-tango na lamang ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

“Agatha you just ate? Hindi mo ba naalala?” Mahinang sambit ni Reema na para bang biglang nalungkot.

“Naalala niya, gutom lang talaga siya.” Pangangatwiran ni Cooper kaya agad akong napahawak ng mahigpit sa braso niya. “Don’t worry its normal to be forgetful.” Bulong niya kaya sakin kaya tumango-tango na lamang ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

“Agatha…” Mahinang sambit ni Reema na tila ba nag-aalala.

“Huh?” Pagmamaang-maangan ko.

“Agatha okay ka lang ba talaga?” Tanong pa ni Reema kaya biglang nabalot ng nakakailang na katahimikan ang paligid.

Napatingin ako kay Cooper na ngayo’y napakahigpit ng hawak sa kamay ko. With him right next to me, there’s never a dull moment.

Come to think of it… I’m holding the hand of the person who drives my heart crazy—I’m with him. I’m with my friends who never fail to make me feel special. I have loving parents. I have a family who cares so much for me. I can see, I can breath, I’m awake, I’m alive, and I still have time to be with them. I’m okay. I really am okay with this.

God thank you for letting me have these amazing people in my life.

***

Huminga ako ng malalim upang malanghap ang napakasariwang hangin na bigay ng malamig na umaga. Wala masyadong sasakyan sa mga kalsada at ang lahat ay naghahanda pa lamang para sa mga araw nila. Thank God, hinayaan ako ng mga tao sa ospital na umalis para mamasyal at lumanghap ng saringhangin.  

Andami kong taong mga nakakasalubong, ang iba masaya, ang iba malungkot at ang iba naman ay sumasabay lang sa buhay. Hindi lang ako ang may problema sa mundo. Maybe some people have it worse. Maybe I’m still lucky.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon