8 : The real Cooper Alvarez

914K 37.9K 17.2K
                                    

8.

The other side of Cooper Alvarez

Agatha.


"Cooper!" Napatili ako sa abot ng makakaya ko. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin at sinubukang tanggalin ang mga tinta sa mukha ko sa pamamagitan ng panghihilamos. Lecheng Cooper, alam kong siya na naman ang may gawa nito. Araw-araw hindi talaga siya pumapalya sa pangt-trip sakin. Makakaganti rin ako sa panget na 'yon.

"Thanks Agatha." Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si Reema. Nakasandal lamang siya sa nakabukas na pinto ng banyo habang nakangisi.

This girl is really giving me the creeps. She's a fangirl and I like her kaso creepy talaga siya.

"Sa ano? Reema naman eh! 'Wag ka ngang basta-bastang sumusulpot!" Lumingon ako sa kanya at sumandal sa lababo habang pinupunasan ang basang-basa pa.

“You saved us all from Cooper’s wrath. Alam mo bang simula nang dumating ka dito naging payapa na ang buhay namin?” Aniya.

Hindi ko alam kung isa ba ‘tong compliment pero ito na yata ang pinaka-mabait na moment ni Reema sa akin. For the first time hindi siya nagmukhang nangangain ng tao. Gumagana na kaya ang mga gamot niya? Sabi kasi ni Javi walang ibang sakit si Reema kundi depresyon. Matinding depression. Polar bear something? Ewan nakalimutan ko ang sakit niya.

“Payapa sa inyo, sa akin impyerno. Solong-solo ko ang lahat ng kalokohan niya. How nice.” Sarcastic kong sambit. I hate the fact that Cooper ruins my everyday life but I must admit, dahil sa kanya hindi nagiging boring ang pamamalagi ko dito, yun nga lang talaga, araw-araw akong highblood.

“You really don’t get it do you?” Tanong niya habang nakakunot ang noo pero nakangiti.

“Ang alin?” Nakunot ang noo ko. Nakakalito naman kausap ang babaeng to.          

“You’ve been here for almost 5 months, siguro hindi mo pansin pero kami, kitang-kita namin ang malaking pinagbago ni Cooper.” Nagulat ako sa sinabi ni Reema. Ang bilis naman ng panahon, malapit na pala akong mag limang buwan sa ospital nato. Akala ko talaga hindi ako aabot ng isang buwan pero tingnan mo naman 5 months na ako dito.

“Hayy, sa five months ko dito malamang mas matagal akong tulog.” Napabuntong-hininga na lamang ako at muling pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin at pati narin kay Reema.

“Alam mo bang sa tuwing tulog ka, walang ibang ginagawa si Cooper kundi tumambay sa kwarto mo at hintayin kang magising?” Tanong ni Reema kaya muling nakunot ang noo ko.

“At bakit naman niya ‘yon gagawin? Reema naman, imposible yata ‘yan.” Giit ko at lumabas na lamang mula sa maliit na banyo. Nakakailang kaya umupo nalang ako sa kama ko at nagpatugtog ng kanta. Ngayon ko lang napansing hapon na pala.

“Agatha naranasan mo na bang magmahal man lamang sa isang tao?” Umupo si Reema sa tabi ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi naman siguro psychotic ang babaeng to diba? Dapat talaga ni-research ko yung tungkol sa sakit niya para naman maintindihan ko ang kinikilos niya.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon