Prologue

16 2 0
                                    

Hawak kamay kami habang binabagtas ang daang hindi namin lubusang nalalaman ang patutunguhan. Sinlamig na ng hanging dumadami sa aming balat ang kabang namumuo sa aming ulirat subalit naroroon sa puso namin ang munting katapangan na ipagpatuloy ang pagbagtas sa daanan. Pinisil ko ang kanyang palad. Bakas sa namamawis at nanginginig naming mga kamay ang takot subalit ang aming mga paa at mata ay patulog sa paglalakad.

"S-serah..." Nabasag ang katahimikan ng magsalita ang kaibigan kong si Lois. Punong puno ng kaba at takot ang boses nya. Napatingin ako sakanya kitang kita sa mga mata nya ang pangamba."natatakot ako..."

Napa higpit lalo ang hawak ko sa nanginginig nyang kamay. Di ko tuloy maiwasan panghinaan ng loob dahil sa sinabi nya. Gamit ang isa kong kamay inayos ko ang pagkakatutok ng flashlight sa madamo at madilim na lugar na aming binabagtas.

Tumutok ang ilaw ng flashlight na aking hawak sa isang napaka laking puno na di kalayuan sa amin. Napatingin ako dito ng may kahina hinalang bagay akong nakita na naka dikit dito na natatabunan ng konting agiw. Ilang hakbang lang ay nakalapit agad kami ni Lois dito. Agad kong inabot ang flashlight na hawak ko kay Lois agad naman nya itong kinuha at itinutok sa kahina hinalang bagay. Gamit ang isa kong kamay tinanggal ko ang mga agiw na nakatabon dito at ilang sandali lang ay natuklasan ko na kung ano ang kahina hinalang bagay na ito. Bigla akong nabuhayan ng loob. Ganon din si Lois.

"L-lois..." Punong puno ng pag-asa at galak na tawag ko sa kaibigan ko.

"M-makakaalis na tayo dito!..." Mangiyak ng iyak na sabi ni Lois. Di namin maalis ang aming tingin sa isang bagay na nag bigay saamin ng pag-asa. Isang karatulang naglalaman ng isang direksyon. Halos mapayakap ako kay Lois salamat naman at makakaalis na kami sa madilim at nakakatakot na gubat na ito.

Kumaliwa at matatagpuan na ang NORTHEL - Ayon sa direksyon na nakapahayag sa karatulang nakadikit sa malaking puno.

Nabuhayan ako ng loob dahil kasing tunog ng lugar na nakapahayag sa karatulang ito ang lugar na pinaggalingan namin bago mapadpad sa gubat na ito.

Agad kaming kumaliwa gaya ng sabi sa karatula. Bigla akong nag dalawang isip na tumuloy ng makita ang sumalubong saamin. Matatalahib na damo na halos kasing taas na namin. Nag katinginan kami ni Lois kitang kita rin sa mga mata nya ang pagdadalawang isip na tumuloy.

Kahit may pangamba sa mga mata nya matapang parin syang tumango saakin. "L-lika na..."

Tumango ako."O-o sige..."

Bawat hakbang namin ay kinakailangan pa naming hawiin ang mga matatalahib at matataas na damo na ito na nakaharang sa aming dinadaanan.

"2:50 na..." Napatingin ako sa kaibigan ko na ngayon ay nakatingin sa cellphone nya.

Napa buntong hininga ako 2:50 na pero hanggang ngayon naliligaw parin kami.

"S-sa tingin mo makakaalis pa tayo dito?" Punong puno ng takot na tanong nya saakin sabay tago ng cellphone sa bulsa ng pantalon nya.

Tumango ako."Makaka alis tayo dito." Punong puno ng pag-asang sabi ko dahil alam ko na sa likod ng  mga matatalahib at matataas na ito ang daang pinag mulan namin yun ang akala ko nung una pero nang marating namin ang dulo ng matatalahib at matataas na damo na ito iba ang sumalubong saamin imbes na daan ang sumalubong isang...

DEAD END...

Ang sumalubong saamin yung pag-asang nasa puso namin ay tuluyan ng naglaho. Isang Napakalalim na bangin ang sumalubong saamin tanaw na tanaw ang napakaraming mga punong sasalubong sayo kung sakali mang mahulog ka.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 21, 2019 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

The Abandoned CityOnde as histórias ganham vida. Descobre agora