Pinunasan ko ang aking mga kamay tsaka lumapit sa pwesto niya. "Sa susunod na siguro kapag napatawad na niya ako. Alam ko namang dahil sa ginawa ko noon kaya halos hindi niya matiis ang presensiya ko malapit sa kanya."

Kinuha ko ang lalagyan at tinakpan. "May ulam na diyan sa takip. Nilutuan na kita dahil na-sense kong mali-late ka nga gising."

Tinuro ko sa kanya ang takip na nasa tabi din lang niya halos. Alam kong hindi niya iyon napansin ng lumapit siya sa mesa dahil nakatuon ang pansin niya sa adobong manok na niluto ko.

Tiningnan niya naman ako at nagkunwari pa siyang may pinunasang luha mula sa mga mata. Loka-loka din ang bruha.

"Mahal mo talaga ako, friend."

"Eww."

Natawa naman kaming dalawa dahil doon. Naging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa matapos naming mag-usap ng isang araw. At saka tingin ko naman ay may nobyo na siya dahil halos palaging may naghahatid na lalaki sa kanya dito sa pamamahay niya. Palagi ko kasing nakikita dahil mas una akong nakakauwi sa aming dalawa.

Matapos nun ay naligo na ako. Naging mabilis iyon dahil gipit na ako sa oras.

Isinuot ko ang isang itim na t-shirt na may naka-imprintang salita na PLAY sa harap tsaka isang pulang jersey short naman sa ibaba pero pinatungan ko kaagad ng kulay navy blue na sweat pants. Pinaresan ko ang aking suot ng isang pares ng Nike Air Precision II. Tinupi ko ng kaonti ang dulo ng sweat pants ko, pantapos sa pag-ayos ko sa sarili. Sinuklay ko lang ng mabilis ang aking buhok at bumaba din agad sa sala.

Kinuha ko ang duffel bag na nandoon at nagpunta sa kusina para kuhanin ang ulam na niluto ko.

Naabutan ko pa si Shane na kinakain ang niluto ko para sa kanya. Ni hindi nga siya nag-abala na tingnan ako dahil mas tinuon niya ang atensiyon sa pagkain.

Umiling-iling na lang ako at kinuha ang baunan at nilagay iyon sa bag ko.

"Isarado mo ang pintuan paglabas ko ha. Baka kung sino'ng pumasok dito."

Konting tango lang ang isinagot niya at bumalik din sa pagnguya ng pagkain pagkatapos.



Mabilis naman akong nakarating sa gym dahil malapit lang nga talaga ang bahay ni Shane sa gym. At malapit din doon ang gym na pinag-i-ensayuhan nila.

Pagdating ko doon ay pasimula na rin sila sa pagtitraining. Napatakbo ako sa loob at nilagay ang bag ko sa isang tabi at nakihabol sa linyang ginagawa nila.

Matapos naming isagawa ang daily drills namin ay nagpractice game kami at syempre hindi ko na naman kasama sa grupo si Eleven. Ilang ulit na kasing sinubukan ng coach namin pero hindi talaga nagwo-work out kapag kaming dalawa ang magkasama. Sabi nga ni Coach ay para mang malaking pader na humaharang sa aming dalawa. A thing that hinders us to communicate well inside the court. He didn't know that there is really a wall. A wall I''m willing to try to break kahit kapalit pa nun ay ang tiisin lahat ng pasakit na ibigay ni Eleven sa akin.

Pagdating ng tanghalian ay kinuha ko ang baunang naglalaman ng ulam na niluto ko para kay Eleven. Nilapitan ko siya at ibinigay iyon pero for the nth time ay hindi niya ako pinansin. Nakita ko pa nga sa gilid niya si Jema na apologetic na nakatingin sa akin.

Kahit ganoon ang ginawa niya ay kinulit ko parin siya para tanggapin ang pagkain pero nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

Tinabig niya ang baunan kaya natapon ang laman nun. Napatingin ang lahat dahil sa eksenang iyon. Parang maiiyak naman ako dahil doon pero pinigil ko.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon El. Sayang ang pagkain," kahit gusto ko ng maiyak ay pinigil ko talaga. Parang sumobra naman kasi siya sa ginawa.

Loser (GxG) ☑️Where stories live. Discover now