"Uy, hi girls! Ang gaganda talaga ng mga babae sa section natin," bati sa amin ni Albert. Both Mica and Rachelle smiled at that.

Kasama niya ang kakambal ko at iba pa naming kaklase. They all settled down at the tables just near ours. Bumalik na ang waitress dala-dala ang mga order namin then she turned her attention sa mga bagong dating na customers para kunin ang order nila.

Naging maingay sa loob dahil sa music at sa amin. Tawanan at kwentuhan ang naganap sa halos isang oras na pananatili namin doon.

"Picture tayo," anyaya ni Mica. The boys posed with us. Nagmukha tuloy planado ang pagpunta namin doon.

"Baka magtampo nito sina Nicole," sabi ni Chiara.

"Hindi yan. May ibang plano yon. Nag-Starbucks sila nina Shayne.."

Umorder pa uli kami. Minsan lang kami rito kaya susulitin na namin.

"Parfait," sabi ko.

"Banana split," Rachelle ordered.

We are all lost in our own little world until the boys recognized someone who just got inside.

"Uy! Kuya Fire! Kuya Hughes!"

Parang awtomatiko kaming naglingunan lahat sa direksyon nila. Natigil sa pagdadaldalan ang iba habang kami naman ay naibaba ang mga hawak na cellphone. The other customers inside became curious kung bakit nanahimik ang grupo namin and I swear I saw the some girls na halos mapanganga nang makita ang dalawang naggu-gwapuhang lalake na pumasok.

Nakipag-high five si Edson sa kanila. Of course, he knows them! Maraming kakilala itong taong ito, eh. He probably knows more than half of the student body at our school.

Tinapik ni Kuya Fire ang balikat ng kakambal ko and he smiled. Paulit-ulit akong sinisiko ni Chiara habang nakangisi. Syempre, nandito ang crush ko.

"Dali, Zia. Mag-hi ka," Rachelle said. Di ko alam kung seryoso bang ine-encourage niya ako o ano, eh.

Mica made a sound at mukhang mas kinikilig pa para sa akin. Okay lang naman sana kung may dapat siyang ika-kilig kaso wala naman!

"Nasaan kakambal mo?" tanong ni Kuya Hughes kay Zian. My brother pointed at my direction. I waved a little kay Kuya Hughes then he smiled.

Halos manginig sa kinauupuan niya sina Mica at Rachelle nang makita iyon. Calm down! I get it, gwapo siya. Pero kung si Fire ang ngingiti.. nako! Kaming apat yata ang mangingisay sa kilig dito. Saglit lang na bumaling dito si Fire bago yayain ang pinsan niya na maupo sa isang bakanteng pwesto.

Kumakain kami ng dessert when three women went to Fire's table. Pare-pareho silang naka-shorts at magandang blouse, all of them are carrying a designer bag. Ang babaeng nasa gitna ay titig na titig kay Fire. She must have locked him as a target kanina pagkapasok pa lang nito.

"Huy, yung ice cream mo," puna ni Chiara. Agad naman akong tumingin sa pagkain ko. Natutunaw na. I started eating again pero di natatanggal ang mga mata ko kina Fire at sa mga babaeng lumapit sa kanila, especially that girl.

Dahil tapos na ang exams, pwede ko na uli isipin si Fire di ba. I continued looking at them.

"Ano ba yan, Zia! Ayusin mo naman pagsubo mo," inabutan ako ni Mica ng tissue. Sa lakas ng boses niya ay napatingin sa amin ang mga kaklase namin at sina Fire! Agad kong kinuha ang tissue na inabot niya at pinunasan ang gilid ng bibig ko.

"Sa pagkain lang kasi ang tingin, Ziana" asar ni Edson na natatawa.

"Tingin kasi ng tingin kay ano, eh" segunda ni Rachelle.

Hinarap naman ako ni Jan at nagpose,"Ako na lang tignan mo, Zia. Gwapo naman ako.. di ba?"

"Hindi," sagot ni Chiara sa kanya.

"Ikaw ba tinanong ko?"

"Oh, bakit nagpapa-cute ka kay Ziana? Di ba si Rayn type mo?" tanong ni Dalton. Naghiyawan naman ang ibang mga lalake.

"Sus! Wala kang pag-asa don," umiling si Edson.

"Talaga?" tanong ko then my eyes flew again at Fire, I tightly gripped my spoon, he's quite busy talking to the girl. Instead, I saw Hughes looking at our group nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay nginitian niya ako before turning his attention back to his cousin.

"Si Conrad nga di pinapansin,eh" sabi ni Rachelle.

Jan scoffed,"Malay niyo di tulad ni Conrad yung tipo niya!"

Zian pat his friend's shoulder,"Tama na yan. Kumain ka na lang."

We resumed eating at pasulyap-sulyap pa rin ako kina Fire. Naupo na ngayon ang mga babae kasama nila. Something inside me started to burn or what.

"Zia, hindi yan halo-halo. Wag mong ganyanin yung parfait mo," pinigilin ni  Chiara ang kamay ko. I was unaware of what I'm doing! Nadurog ko na yata yung prutas na nandito.

"Oops.." I grabbed a glass of water at ininuman iyon.

"Selos ka na naman," sabi ni Mica.

"Hindi, ah" pagde-deny ko.

"Nagdeny pa!" Rachelle exclaimed, "Alam naman naming patay na patay ka kay Fire"

Napalakas yata ang pagkakasabi niya non. The boys stopped what they're doing habang ang kakambal ko ay nasapo ang noo niya. I reluctantly looked at Fire para tignan kung narinig ba nila iyon and indeed they heard it! Dalawang mesa lang naman ang pagitan nila mula sa amin kaya malamang narinig nila iyon!

Salamat sa pag-announce Rachelle!

"Ha.. Hahahaha! Tara na! Uwi na tayo!" hinila ako ni Chiara bitbit ang mga bag namin.

"T-Tara!" habol ni Mica.

I am mouthing "bitch ka" kay Rachelle habang naglalakad kami palabas ng Hungry Hive. I heard Edson's laugh bago yayain ang mga kasama niyang umuwi na rin.

"Oo nga. May iba pang kakain, oh!" puna ng isa nilang kaibigan. They also followed us.

Pagkalabas ay nagsitawanan silang lahat. I was still quite dazed and shocked dahil sa announcement na naganap kanina. I like Fire. I admit that I have a major crush on him at obvious naman iyon sa pagpapapansin ko sa kanya pero iba pa rin yung umamin ka sa crush mo na crush mo siya! Hanggang pagpapapansin lang ako. Hindi ko yata kayang aminin sa kanya na gusto ko siya lalo na kung patay na patay ako sa kanya!

"Pulang-pula, ah" tukso ni Edson habang sinusundot ang kaliwang pisngi ko. Before I could react, nagsitawanan na silang lahat including my twin! Pinaka malakas ang tawa ni Jan.

Nakakahiya!

______________

It's been a while.
Currently busy with reviews :(

Pink SkiesWhere stories live. Discover now