Pagkapasok namin ay mga nakakasilaw na ilaw ang kagaad na nagwelcome sa'min ang ganda, ang kukulay

"Infairness Rina ha, ang ganda sa loob."

Nilibot ko ang mga mata ko at ang daming tao. Mga photographers na nagkalat, mga waiters at may malaking stage sa gitna. Ang daming pagkain na nakahain at sa itsura palang ay mabubusog ka na talaga

"Sinong hinahahanap mo?" Tanong ko kay Sandy kasi nakita ko s'yang palingon lingon

"No ba? syempre si Denver." Sagot ni Sandy

"Makikita mo rin yun tiwala lang."

"Sana nga lang magdilang angel ka."

"Tiwala lang." Pagulit ko pa

Naglakad lakad ako kasi gusto ko mapagmasdan ang kabuuan nitong park. Nageenjoy talaga ako sa mga nakikita ko at ilang saglit pa ay parang nalimutan ko yung mga problema kong dinadala. Kahit mga simpleng bagay ay napapagaan na yung loob ko.

Palakad lakad lang ako kahit saan ako dalahin ng aking mga paa at naalala ko bigla si Sandy.

"Sandy gutom ka na ba?" Tanong ko kay Sandy pero hindi ko narining ang respond n'ya

Lumingon ako at nagulat ako ng wala na s'ya sa likuran ko kaya medyo kinabahan ako pero ayoko magpanic, lumingon lingon muna ako sa paligid baka nauna lang ako ng konti dahil narin sa sobrang daming tao ay 'di ko na s'ya makita pa.

"Sandy!" Pagtawag ko sa pangalan n'ya

Tatawagin ko pa sana s'ya ng may bumundol sa'kin kaya napatigil ako sa paglalakad ko, paglingon ko isang napakagandang babae, "Sorry." Paghingi n'ya ng paumanhin sa'kin

Nakatingin lang ako sa magaganda nyang mga mata, maamong mata. Napangiti nalang ako sa kanya at napasabi sa sariling sana all.

"Wala yun, okay lang naman ako eh. Sorry din kasi hindi rin naman ako nakatingin." Tugon ko sa kanya

"Ang ganda mo miss," Sabay ngiti sa'kin

Nagulat naman ako sa sinabi nya, ako? Maganda? Niloloko yata ako ng babaeng 'to, ngayon lang ako nakakausap ng nagandahan agad sa'kin pero ang totoo ay talagang mas maganda s'ya sa'kin.

"Hindi naman." Sabi ko habang nahihiyang napapangiti sa sinabi n'ya

"Swear maganda ka talaga pero kung 'di lang sana ako nagmamadali ay gustong gusto pa kitang makausap."

Magsasalita pa sana ako kaso lang talagang nagmamadali sya kaya wala pangilang segundo ay naglaho na sya sa dami ng tao. Umalis na s'ya at hindi ako makapaniwala na gano'n ka'gad ang pakikitungo namin sa isa't isa, who wonder na dito ako makakakilala ng gano'ng kabait na tao. Itatanong ko lang sana kung ano ang pangalan n'ya

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad nang bigla akong nakakita at nauhaw sa nakita kong strawberry juice sa mesa kaya lumapit ako do'n para kumuha ng isang baso bale nakaserve na s'ya para sa mga may gusto kaya no need na pala na sumalok ako. Aabutin ko na sana yung huling baso nakaserve ng biglang may kumuha nito sa table, may nakauna sa'kin.

"Akin ya ----" Naputol ang sasabihin ko ng lumingon ako sa kanya at nakita ko ulit ang mukha n'ya

S'ya yun! Sya yung lalaki kanina sa labas ng park, yung mayabang na masungit na akala mo kung sino

"Kung sayo 'to bakit nasa kamay ko?" Sabi n'ya habang seryosong nakatingin sa'kin

"Kukunin ko na sana 'yan e." Sagot ko

Tinaasan na naman n'ya ako ng kilay, "Kaso naunahan kita." Pangaasar pa n'ya

Konti nalang at mapipikon nako sa lalaking ito. Inuubos n'ya yung kakaunti kong kabaitan at pasensya sa mga kagaya nyang walang modo

"Sige kung gusto mo sayo na yan." Mataas kong tono ng boses

Natawa s'ya sa sinabi ko, ngumisi s'ya na parang nangaasar sa'kin, "O bakit?" Tanong ko

Nagbuntong hininga s'ya, umirap at umalis na. Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

Unknown POV

"Nasa event na daw po si Rina Garcia"

Ngumiti s'ya sa'kin at kitang kita ang ngiti sa mukha n'ya

"Ang saya-saya ko, ang tagal tagal ko na s'yang gustong makita." Sabi pa n'ya

"Oo nga po e, kitang-kita nga po." Tugon ko

Kinuha ko ang tablet ko at inabot ko ito sa kanya, "Heto po ang lastest picture n'ya na nakunan ko po sa event."

"Napakaganda n'ya. Sobrang ganda, manang-mana." Sabi pa n'ya habang bakas sa mukha ang sobrang kasiyahan

"Oo nga po." Tugon ko ng may ngiti naman sa aking labi

--

Rina Garcia's POV
Lumingon ako sa humawak sa likod ko at laking gulat ko at buong akala ko 'di na s'ya makakapasok pa dito sa venue. Oo si Calvin nga. Nakangiti pa s'ya saakin

"Hi Rina." Bati sa'kin ni Denver na kasama ni Calvin

Aaminin ko bigla akong natulala sa kanya kasi hindi ko maexplain kung bakit, parang iba kasi yung datingan n'ya ngayon. Ang pormal ng suot n'ya at bagay na bagay yung suot n'ya.

Ngumiti ako kay Denver, "Hi. B-bakit kasama ka ni Calvin?" Bati ko pabalik sabay tanong

"Nakita ko s'ya sa labas parang malungkot kaya nilapitan ko s'ya tapos sabi n'ya hindi s'ya pinapasok pero ako na gumawa ng paraan." Paliwanag ni Denver

"Salamat talaga p're," Pagpapasalamat ni Calvin kay Denver, "Kung 'di mo kinausap yung mga nagaano do'n ay hindi talaga ako makakapasok."

Kinausap? So hindi n'ya ginamit yung invitation? At paano napakiusapan ni Denver yung mga 'yon?

"Paano? I mean paano mo na convince yung kumukuha ng mga invitation?" Tanong ko kay Denver

"Ahh.. yun ba? Yung daddy ko ang isa sa may pa-event. Bakit mo natanong Rina?" Balik natanong sa'kin ni Denver

Daddy ni Denver ang isa sa may pa-event dito? Paano nangyari yun? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, ibig sabihin kaya nito..

"Daddy mo ang isa sa may paevent nito?" Tanong kong may pagtataka kay Denver

"Oo at s'ya yung nakaupo do'n." Sabay turo ni Denver sa nakaupo sa mga upuan ng stage.

Lumingon kami ni Calvin at nakita ko nga yung mga tinuturo n'ya , bale may mga upuan do'n sa stage tapos may isang bakanteng upuan sa gitna.

"Tatay ko nga pala ang Vice president." Sabi pa ni Denver

--

Romeos Of AuroraWhere stories live. Discover now