Aurora 9

28 5 0
                                    

Rina Garcia's POV

Naggagandahang sasakyan, mga magagarang damit, ingay mula sa loob ng park. Ang gandang pagmasdan ng park lalo na at gabi na.

"Ang ganda dito Rina, mukhang mayaman talaga ang may paevent dito." Sabi ni Sandy na kasabay naming maglakad papasok sa entrance ng park

Bale may red carpent kaming dinadaanan tapos medyo mahaba ang pila para makapasok kami kaya medyo nangangalay nako sa suot kong heels, 'di kasi ako sanay sa ganitong sapatos.

"Sus, mas mayaman pa naman ako d'yan." Biro pa ni Calvin kay Sandy

"Basta ako gusto ko lang s'ya makilala at sabihing pagkakamali ang pagbili sa'kin." Sabi ko habang may ngiti sa labi ko

Turn na namin para ibigay ang invitation card namin at inabot namin ito sa kumuhang lalaki pero nagulat nalang kami ng papasok na kami ay hinarang si Sandy

"Kasama ko po s'ya." Sabi ko 'don sa kumuha ng invitation namin

Napakagat labi yung kumukuha ng invitation at sinabing, "Miss sorry po but the invitation is valid only for two persons." Pagiexplain n'ya sakin

Nagulat ako sa narinig ko. Talaga ba? Bakit hindi nila ka'gad sinabi na pangdalawang tao lang yun.

"Ano? Edi hindi ako makakapasok sa loob? No?! Ayoko, gusto kong makapasok d'yan." Pagpupumilit ni Sandy

"Miss sorry pero ito po yung protocol ng may paevent, wala po akong magagawa." Tugon ng kumuha ng invitation

"Tsk, ba't naman kasi di marunong magbasa," Boses ng lalaki mula sa likod namin

Napalingon kaming lahat at napakunot noo ako, nasa linya din s'ya ng mga papasok sa park. Desente din ang pananamit n'ya at napakaseryoso ng mukha.

"Sino ka bang mayabang ka?" Kaagad na sabi ni Calvin

Tumaas ang kanang kilay nung guy, "Wala akong paki sa inyo, gusto ko ng pumasok." Sagot nung lalaki

"Bastos ka talaga e no?!" Nagngangalit sa sobrang galit si Calvin sa lalaki

Hahakbang pa sana si Calvin papunta do'n sa lalaki pero pinigilan ko s'ya

"Kung gusto mo umuna ka na." Sabi ko sa lalaki

Naglakad na ang mayabang na lalaki na yun at inabot n'ya ang invitation n'ya at kaagad s'yang nakapasok

Nakakainit ng ulo yun ah, 'kala mo naman kung sino ang yabang talaga.

"Parang kilala ko s'ya pero di ko maalala kung saan at kelan, hmm.." Bigkas ni Sandy

"Miss marami pa po ang papasok if you don't mind paunahin ko muna po sila." Sabi samin nung tagakuha ng invitation

Tumango nalang ako as respond sa kanya. Tingnan namin ang kabuuan ng invitation at may nakalagay nga na for 2 persons only.

"Lahat nalang nakita mo na."

"Oo pamilyar kasi s'ya." Sagot ni Sandy sa'kin

Walang ano ano ay nagsalita si Calvin, "Okay para wala ng away away ako na ang hindi papasok. Kayo nalang muna, nahihiya ako kay Sandy kasi sobra yung pepreparation n'ya dito."

"Aah.. katouch ka naman Calvin, salamat." Pagpapasalamat ni Sandy kay Calvin

"Sure ka ba? Nakakahiya naman kasi sayo" Tanong ko

"Oo naman, sige na." Sagot ni Calvin ng may ngiti pa sa mga labi

Sabay kaming naglakad at pinapasok sa loob ng park pero bago ako makapasok ay, "Rina! Magenjoy ka!" Sigaw ni Calvin sa'kin at napangiti naman ako

Romeos Of AuroraWhere stories live. Discover now