chapter#7

173 13 0
                                    

Devon

Ilang araw ang lumipas at pansin ko ang malamig na pakikitungo sa akin ni Alice.

Hindi ko maintindihan ang dahilan nya dahil napaka babaw n'ya.

Sino bang matinong tao ang mag dadahilan na nagugutom o pagod lang s'ya.

Napaka common naman kasi ng dahilan n'ya tsk..

At sa ilang araw na 'yon ay di mawawala ang pangungulit ni Cass..

Oo gusto ko ang pangungulit n'ya pero may oras na naiinis ako..

Hindi ko alam kung bakit.

Palagi pakong iniiwasan ni Alice at kung minsan gumagawa ako ng paraan para habaan ang usapan, s'ya namang pagputol n'ya sa akin..

Aaminin kong namimiss ko na ang dating Alice na nangungulit sa akin.

Pupuntahan ko s'ya ngayon sa bahay nila dahil nag luto ako gusto kong matikman n'ya.

Excited na nga ko eh..

Nag pahatid ako sa driver namin dahil di naman ako tatagal.

Nang makarating doon ay pinapasok agad ako ng katulong dahil kilala naman na ako dito.

Yep nakatakip nanaman ang buo kong mukha di ko na ata ito maaalis sa buhay ko..

Nakangiting dumeretso ako sa kitchen para iayos ang ginawa kong food..

Pero bago ako maka pasok may narinig akong nag uusap..

"Itigil mo na 'yang kahibangan mo sa babaeng 'yon dahil never ka n'yang magugustuhan" kilala ko ang boses na'yon at sigurado akong nasa loob non si Alice.

"Oo. Una palang alam ko na 'yan di mo na kailangang ipamukha sa akin" napataas ang kilay ko.

"Then love me! Ako ang nandito kaya ako ang mahalin mo!" Kumulo ang dugo ko sa narinig ko.

"I can't do th--hmp" bigla akong pumasok..

Pero pinag sisihan ko ang pag pasok ko na 'yon ...

Si Daniel at Alice

Nag hahalikan sa harap ko..

Nakatalikod si Alice samantalang si Daniel ay nakangising nakatingin sa akin..

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Sa buong buhay ko ito na ata ang pinaka masakit.

Huminto ata ang oras para saktan ako..

Karma ko narin siguro ito dahil sa pakikitungo ko kay Alice...

Pero tama lang ba talaga na makaramdam ako ng ganito kasakit?

Ngayon alam ko na kung bat ako nasasaktan

Kasi mahal ko si Alice

Gusto jong matawa sa sarili ko

Di ko mapigilan ang emosyon ko at naglabasan ang butil ng luha...

At sa di inaasahan ay nabitawan ko ang hawak kong lunch box.

Kitang kita ko kung paano itulak ni Alice si Daniel palayo sa kaniya at gulat na lumingon sa akin.

Napaatras ako at mabilis na tumakbo palabas..

Nahihiya ako sa sarili ko dahil nag mumukha nanaman akong mahina sa harap n'ya.

Buong buhay ko mahina na ako at lahat ng kahinaan na 'yon ay s'ya ang kasama ko.

S'ya ang umaalalay sa akin.

Oo hindi si Daniel ang unang nakahalik kay Alice dahil nung mga bata kami ninakawan ko s'ya ng halik non.

Akala ko ang halik na 'yon ay para sa mag kaibigan kaya hinalikan ko s'ya ng di n'ya nalalaman.

Kinalimutan ko na nga 'yon pero ang sarap pala sa pakiramdam kapag inaalala...

At ang totoo matagal ko ng mahal si Alice nabulag ako sa pagkakaibigan namin.

Ayoko kasing masira iyon at sa huli pagsisihan ko lang din.

Buong buhay ko pinaniwala ko ang sarili ko na hinding hindi ako magkakagusto sa kaniya.

_

Alice

Naitulak ko si Daniel palayo sa akin.

I hate him..

Naiinis at nagagalit ako sa kaniya dahil ginagamit n'yako para saktan si Devon.

Oo pumapayag ako, pero ano magagawa ko mahal ko si Devon kaya ayokong pilitin ang puso ko sa kaniya.

Kitang kita ko sa mata ni Devon ang sakit, kahit na nakatakip ang mukha n'ya di maitatago ng mata nya ang emosyon n'ya.

Na g-guilty ako dahil pakiramdam ko sinaktan ko si Devon..

Nag karoon ng pag asa ang puso ko ng makita ko ang reaksyon n'ya..

Kahit na paulit ulit akong umasa na sana may nararamdaman din s'ya para sa akin.

Di ako mapapagod.

Agad akong tumakbo palabas para kausapin s'ya..

Gusto ko mag paliwanag kahit na wala naman talaga akong ginawang mali..

Tinanong ko ang isa sa mga katulong kung nakita nila si Devon

Nag mamadali daw itong umalis..

Nakarinig ako ng palakpak mula sa likod ko.

Naiinis ako sa kaniya ilang araw n'ya na kong ginugulo para saktan ko ang damdamin ni Devon syempre di ako pumapayag.

"Sabi ko naman kasi sa'yo layuan mo na ang babaeng 'yon! Ano bang pinalamon n'ya sa'yo at baliw na baliw ka do'n" naiyukom ko ang kamao ko..

Gusto kong suntukin ang mukha n'ya ng matigil s'ya sa kakaputak..

"Ang swerte naman kasi ng babaeng 'yon. Lahat ng gusto ko nais pa atang kunin" napailing nalang ako.

Inggitero talaga s'ya mula noon palang.

"Tumigil kana Daniel umalis kana! Nakuha mo na ang gusto mo" ngumisi s'ya at napailing nalang.

Kumaway s'ya patalikod at nag lakad palabas.

Bumalik ako sa kitchen para mag hilamos.

Nakakadiri kasi tsk..

Sa lahat pa ng tao bat s'ya pa ang naka unang naka halik sa akin..

Gusto ko pa naman itong itabi para kay Devon kaso malabong mangyari iyon.

Pag pasok ko ay may naapakan ako muntik na nga kong matisod..

Kumunot ang noo ko habang pinupulot 'yung lunch box..

Dun ko lang napagtagpo ang lahat...

Si Devon pumunta s'ya para rito...

Di ko mapigilang mapangiti.

Wala naman na sigurong masama kung aasa akong muli.

Pero ng maalala ko ang nangyari kanina di ko mapigilang makaramdam ng guilt...

Nang buksan ko iyon parang gusto kong maiyak...

Ganitong ganito kasi ang unang pag kaing pinatikim n'ya sa akin nung mga bata pa kami.

Paano ko makakalimutan 'yon...

Doon nag simula ang pagmamahal ko sa kaniya.

Kahit simpleng cake at cookies lang ito ay maraming ala ala ang pinapaalala nito.

Tumikim ako at napangiwi sa lasa.

Walang nag bago gano'n padin..

Di parin s'ya marunong mag luto.






















I'm Shy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon