"Rence," tawag ni Tyrone. Naupo siya sa tabi ko at inilapat ang ice bag sa namumulang parte ng pulsuhan ko.

"Ang sweet naman!" Puna ni Gary na nagpakunot ng noo ko.

"Sana lahat may boyfriend!" Si Saiya na nanunuya din.

"Bakit? Hiwalay na kayo ni Mendiola?" Tanong ni Tyrone sa kaibigan ko.

"Oo, single na iyan si Saiya. Diba crush mo siya?" Sinamaan ako ng tingin ni Tyrone dahil sa huling sinabi ko.

"Oh my God, Saiya. Ang haba talaga ng hair mo." Irap ni Gary na nagpatawa sa amin.

"Hindi muna ako magpapaligaw. Magpapaka-single na muna ako. Nakakadala na eh!" Totoo. Kung ikaw ang nasa posisyon ni Saiya ay madadala ka talaga. At least hindi na namin siya makikitang umiiyak at naglalasing dahil kay Pancho.  

Napatingin kami sa kabilang table dahil nagtayuan sina Eon at Isobelle. Nakarating na pala si Rio at sinalubong nila ito. Kinausap niya ang dalawa bago dumako ang tingin at lumapit sa akin. 

"I'm fine, Rio. No need to worry." Inunahan ko na siya. 

"Hindi pwedeng palagpasin ito, Rence. I need to take some actions regarding with this issue." Umiling ako.

"Huwag na natin palakihin, misunderstanding lang naman." 

Rio clenched his jaw, "Misunderstanding led to violent reaction. I need the name of that guy." 

"Po? Bakit anong gagawin niyo?" Si Saiya na napatayo pa sa upuan niya.

"We will file a case against him."

 Tumayo na rin ako. "No. Huwag na natin 'tong palakihin please?" 

"Hindi puwede, Rence. Isa kang Belmonte, hindi ka dapat sinasaktan ng kung sino lang." Oh my God. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. 

Nag-usap kaming dalawa ni Rio ng pribado. Hindi ako papayag na mag-file pa siya ng kaso dahil lang sa nangyari. Hindi naman maiiwasan ang ganoong sitwasyon pero hindi naman kailangan na mag-overreact. In-explain ko sa kaniya na misunderstanding lang talaga ang nangyari at hindi na mauulit pa. Alam ko na hindi siya kumbinsado sa mga sinabi ko pero sinubukan ko pa rin.

"Abogado niyo ba 'yon?" Tanong ni Tyrone bago sumipsip sa frappe niya.

"Hindi." Sagot ko.

"Eh sino 'yon, Rence? Bakit kakasuhan si Pacho?" Alalang tanong ni Saiya. 

I held her hand, "Kinausap ko na siya at okay na. Hindi na magpa-file ng reklamo. Si Rio nga pala iyon, pinsan ko sa side ni Papa." 

"Ha? Akala ko kayo na lang ni Eon at ang mga kamag-anak mo na lang ay sina Tita Ruby mo?" Gulat na tanong ni Gary na kumakain ng strawberry cheesecake.

"Akala din namin."

"So related ka kay Auli Belmonte?" Usisa ni Gary.

"Uh, hindi ko sure. Sino ba 'yon?" Wala akong ideya sa taong tinutukoy ni Gary. Namilog ang mata at bibig niya sa sinabi ko, "My God, Rence! Iyon yung sikat sa Saint Patrick University." 

Malalim na ang gabi pero narito pa din kami sa Aroma, ang kasama ko na sa kabilang table ngayon ay sina Rio, Isobelle, Eon at iyong lalaki. Yung sumuntok kay Pancho ay kausap ni Gary at Saiya sa kabila. 

Tahimik lang si Rio na nakatitig sa dalawang magkatabi. Si Eon ay nakapangalumbaba lang.

"I told you to just wait, bakit kinailangan niyo pang lumuwas dito?" Nagsalita din si Rio, akala ko ay magtititigan lang kami rito.

"I know but I just wanted to see her, I'm desperate Kuya." Sagot ni Isobelle. Naguluhan ako. Magkakilala sila? At anong Kuya? 

"Look at her, she's clueless right now 'cause of you tonta." Sabi noong isang lalaki. Isobelle glared at him.

"Watch your words, Loqui." Rio warned the guy before looking at me, "Rence this is Isobelle and Loqui, our cousins." 

"Ha?" Wala sa ulirat kong sabi.

"Anak ni Tito Irnesto, pangatlo sa magkakapatid na Belmonte, si Isobelle samantalang si Loqui naman ay anak ni Tita Isah na pangalawa at nag-iisang babae." Paliwanag ni Rio. 

Isobelle smiled at me and held my hand, "Hi! I am dying to meet you, Rence. Glad to know na hindi lang ang mga ito ang pinsan ko. Nariyan ka at si Eon!"

"I know this is too much for you," si Rio.

"Na-overwhelm lang siguro ako dahil sa dami ng nangyayari." Tipid akong ngumiti.

Nag-stay pa kami doon ng isang oras, si Isobelle ang nagkwento sa akin lahat tungkol sa aming magpipinsan. Kung sinu-sino ang nakatatanda, ang pinakabata. Kung kanino silang anak at kung anu-ano pa. I'm not good with names kaya hindi ko pa masiyadong maalala ang lahat. All I know Rio is the first born son of Tito Inario, meaning he's the oldest among us. 

Sobrang nag-uumapaw ang nararamdaman ko ngayon. Nakakatuwa na hindi ko malaman. Natutuwa ako dahil nakilala ko sila. Pauwi na kami sa apartment pero nag-insist si Rio, I mean K-kuya, na sa hotel kami mag-stay. Paranoid ata ang isang 'to pati si Isobelle. Wala kaming nagawa ni Eon at sumama na lang sa kanila.

This is for our safety daw kasi. 


TilaWhere stories live. Discover now