Love Lies 2U Again - 50

Start from the beginning
                                    

Napa-iling naman sina Cholo dahil sa pagyayabang nito.

"Tsssss angas mo naman boy! Edi ikaw na magaling mang-surprise! Baka mabalitaan namin, isang araw masurprise ka rin dahil magiging tatay kana pala!" pang-aasar naman ni Cholo rito.

"Hahaha Gago!" sagot ni Warren sa kanya at nagtawanan sila.

Napatahimik tuloy ako.

Iniisip ko yung sinabi nila.

Si Grecko ang nag-effort para dito?

Pero nasaan sya?

Kanina pa nagsimula ang so called birthday celebration ko pero wala akong makita ni anino nya.

Kung sya nga talaga ang may plano nito bakit wala man lang sya rito?

Gustuhin ko mang itanong sa Tropa kung nasan si Grecko ay parang inunahan ako ng hiya. Baka kasi iba pa ang isipin nila kapag hinanap at binanggit ko ang pangalan nito sa kanila.

Well, kung totoo nga iyon. Gusto ko rin namang personal na pasalamatan sya dahil nag-effort sya para sa event na ito. Natipon rin nya lahat ng mga malalapit na tao sa buhay ko ngayong espesyal na araw ko. Although di man kumpleto at least masaya ako dahil naririto parin ang ilan.

"Nasan na kaya sya?" bulong ng isip ko.

Isa isang nagbigay ng mensahe ang mga kaibigan at mga kamag-anak ko.

Nagulat pa nga ako dahil dumating ang ilan sa mga pinsan ko na ilang syudad rin ang layo sa amin. Well, alam kong traffic kaya nakakataba ng puso dahil pumunta parin sila dito.

Cute na cute ako kay Cody dahil sa 'DIY Greeting Card' na binigay nito sa akin kasabay ng mensahe nya. Nagbigay rin ng mensahe sakin si Mommy ganun narin si Ate at Daddy habang naka-videocall sa facetime.

Hindi ko naman napigilan ang maging emosyonal dahil sa mga sinabi nila. Pero mabuti nalang at napalitan ito, ng nakakatawang biruan dahil narin ayokong isipin nila na hindi ako masaya.

Matapos ang mga pagbati nila ay ako naman ang nagsalita at nagbigay ng mensahe ng kagalakan at pasasalamat. Sana nga ay nandito yung taong nag-abala para daw dito. Para man lang madinig nya rin pasasalamat ko.

Matapos kong mag-thank you at nagsimula narin ang ilan sa pagsasaya. May lights and sound din naman na naririto, para mas masaya nga naman kapag may tugtugan at sounds man lang ang event na ito para di boring.

Nagsisimula naring uminom ang mga tropa at ilan kong mga kamag-anak. Pinayagan ko naman na uminom rin ang mga empleyado ko. Para saan pa ang mga beers at alak na iyon kung di rin naman sila mag-eenjoy. Pero nagpaalala lang akong may pasok parin kami bukas but since birthday ko at dahil mabait ako, late ko nalang io-open ang Resto na sya namang ikinatuwa ng mga staff ko.

Kasalukuyan akong nagchecheck ng mga messages sa phone ko dahil ramdam ko ang sunod sunod na pag-vibrate nito. Lumayo muna ako sa mga bisita para matingnan ito ng maayos.

Puro mga greetings lang rin naman ang narecieved ko. Mga supposed to be imbitado rin daw rito, pero di na raw sila makakapunta due to unfortunate events. I wonder, sino pa kaya ang mga inimbitahan ni Grecko para dito sa surprise birthday party ko?

"Wag ka nang mag-isip dyan! Darating na rin si Pareng Grecko. Nalate lang daw dahil marami pang inasikaso sa Office" biglang sabat ni Warren sa likod ko.

Napalingon ako dito at humarap sa kanya.

"Bakit? Tinanong ko ba kung nasan sya?" react ko rito.

Tumawa ito at kinamot ang kilay nya.

"Tsssss, kunwari kapa. Alam kong kanina mo pa sya hinahanap dahil alam ko ring gusto mo syang makausap para makapagpasalamat man lang" sabi nito.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Where stories live. Discover now