"Hindi mo naman kailangang magalit kay Grant," basag ko sa katahimikan. Kailangan kong sabihin sa kanya para hindi na siya mag-alala. "Hindi mo rin ako kailangang tanungin kung okay lang ako. Of course, B, masakit. Sobrang sakit. Pero mahal ko siya. Kaya kahit si Grant pa ang pinakagagong tao sa mundo sa paningin ng ibang tao... hindi ko pa rin siya isusuko."

Naramdaman ko ang titig niya kaya hindi ko na ginawang salubungin. Nilalaro ko ang apple sa mga palad. "Mahal na mahal ko siya, B. Alam mo 'yon. Kahit na ano pa man ang gawin ng taong mahal mo, kung mahal mo talaga siya, handa mo siyang patawarin, 'di ba? Kasi siya ang buhay mo. Hindi ka magiging kumpleto kung hindi siya magiging sa 'yo."

Hinawakan niya ang isang kamay ko. Pinisil niya 'yon. "Xhai—"

"Don't say anything," putol ko sa kanya. "Kahit naman ano'ng sabihin mo. Ako pa rin ang magdedesisyon sa sarili ko dahil buhay ko 'to."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala na yata siyang balak na pakawalan. Hindi na nga siya muling nagsalita. Ganyan naman siya palagi, bata pa lang kami, sinusunod niya lahat ng mga sinasabi ko. 'Di ko nga matandaan kung may hindi siya ginawang pabor para sa 'kin.

"How's Grant?"

"Hindi kami nagkikita at nag-uusap," sagot niya.

"Liar!" Nakakasiguro akong kay Angel niya nalaman ang ginawa ni Grant. Siya rin ang pinagkakatiwalaan ni Grant sa lahat. Alam kong may communication sila. "Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito kaya gusto kong malaman kung ano'ng ginagawa—"

"He's fine. Last day, ipinatalsik niya lahat ng mga guards sa safe house na kinaroroonan ni Xy at nagdagdag ng mga security. Pumasok kayo ni Angel doon, 'di ba?" Napaanggat ako ng tingin. Hindi ko alam ang expression ng mukha niya ngayon. Nakatingin lang din siya sa 'kin. "May balak pala kayong gawin 'yon. Bakit hindi n'yo man lang ako sinama?"

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?"

Ngumiti siya. "Gusto ko lang na nandoon ako sa oras na makita mo ulit si Xyrene. Okay lang kahit na bugbugin ako ni Grant. Wala na rin naman siyang magagawa kung tapos na," pagbibiro niya. Alam ko namang pinapagaan niya lang ang tensyon na bumabalot sa 'min.

Sinapak ko ang braso niya. "Adik ka. Aagawan mo pa si Gel sa pagiging action-star niya."

Nagtatawanan pa rin kami nang biglang pumasok si Tita Brenda. May hawak siyang mga papel na nakaipit sa pinagsalikop na braso niya. Nakasuot siya ng puti. Nakatali ang medyo maiksing buhok. Natahimik kami ng tiningnan niya kami ni Brix nang pabalik-balik.

"Mom, stop staring like that!" saway ni Brix. "Mukha kang tarsier."

Hindi naman nakakatakot ang titig ni Tita Brenda. Para ngang nanunukso. Teka nga! Napabalik ang tingin ko kay tita pero nakatalikod na siya. Inilalapag ang mga papel na hawak katabi ng mga hindi pa nababalatang mansanas.

"You're shooting dagger stares at my back, Brix Vincent!" Napairap si tita sa ere nang muli siyang humarap sa 'min. Ang cute talaga ng mag-inang ito. "What are you doing here, anyway?"

"Visiting Xhai, obviously!"

"Not me?" Napalabi si tita.

"Mom, palagi tayong nagkikita!" Gumalaw ang kamay ko kaya napatingin ako doon. Hawak-hawak pa pala ni Brix. Nanginginig nang bahagya ang kamay niya. Nagpapawis na rin. Hindi ko alam kung sa 'kin ba o 'yong sa kanya. "P'wede ko na ba siyang iuwi?"

"Sa bahay natin?"

Natawa ako. Napabitiw tuloy si Brix. Napangiti rin si tita pero agad ding nawala. Kaya tumigil na rin ako sa pagtawa.

"You're too obvious, Son! But you're fighting a losing battle in a war field that whatever tactics you may do... sa huli, ikaw pa rin ang talo." Napakurap ako. Bago ko pa maproseso ang sinabi ni tita binawi na niya agad. "Humuhugot lang. Sige, p'wede mo nang ihatid si Xhai. Sapat na ang pitong araw para makapagpahinga siya."

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant