"Ewan ko sa'yo, huwag ka nang lalapit sa kapatid ko ha? Siguro dahil sa'yo kaya nagiging matigas ulo niya."

Iniwan ko ang estranghero sa labas at pumasok na sa loob. Naligo muna ako para mabawasan ang pag-iinit ng aking ulo. Nagluto rin ako ng almusal para kina Eon at Tita. Maagang nagising si Tita at kumain, lumabas rin agad siya pagtapos para daw manigarilyo. 

Ka-text ko si Gary tungkol sa tutuluyan namin ni Eon, ang suggestion niya kasi ay mag-rent na kami ng isang apartment. Oo, kami. Magsama-sama na lang daw kami sa iisang apartment para mas maganda. Gusto ko naman iyon kaso baka mahal.


Gary:

Meron na akong nahanap, malapit lang din dito sa school. Two bedrooms. Five thousand lang. Maganda naman ang apartment, kasyang-kasya tayo doon. 


Me:

Kaya mo bang makuha iyan ngayon? Babayaran na lang kita pagkasahod ko. 


Gary:

Yes, I am with Saiya and she likes it too. Kami na muna bahala ni Saiya sa bayad for now, basta umuwi na kayo dito sa Manila ni Eon. We're finally meeting your brother sis!


Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa si Eon noon, nag-iwas siya ng tingin nang magtama ang mata namin. Something is wrong. May nangyaring hindi ko alam. Tumayo ako para sundan siya sa kusina.

"What's happening, Eon? May dapat ka bang sabihin sa'kin?" Mahinahon kong tanong. 

"Wala Ate," sagot niya at kumuha ng pagkain.

Alam kong may nangyayari na hindi ko alam, nararamdaman ko. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, aalamin ko mismo. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa inaasal ng kapatid ko. 

"Sino iyong kaibigan mong mukhang mayaman? Bakit ka hinahanap ng ganito kaaga?" Napatingin siya sa akin na parang may sinabi akong nakakagulat.

"A-ah, wala.." 

Hindi ka man magsabi sa akin, malalaman ko pa din kung anong itinatago mo. At dahil luluwas kami ng Manila mamaya, pinuntahan namin ang school ni Eon. Agad naman nilang naasikaso ang papel ni Eon para sa pagtatransfer. To follow na lang  ang ibang dokumento. Humingi ako ng tulong kay Gary tungkol sa paglipat ni Eon, pupwede pa naman daw sa campus namin.

Ala una ng hapon ay tumungo na kami sa terminal ng bus patungong Manila. Tahimik lang si Eon sa tabi ko. Nakakapanibago. He used to be a talkative one. Nagbago ba ang kapatid ko dahil binata na siya? 

Dahil sa kulang ako sa tulog ay agad rin akong kinain ng antok, nagising na lang ako noong nasa Shaw na kami. Alas-sais y media na, didiretso na ako sa pagpasok mamaya kapag naihabilin ko na sa dalawa si Eon.

"Hi!" Bati ni Saiya nang makita kami sa terminal. 

"Oh my God, Rence! Ang guwapo pala ng kapatid mo," sinamaan ko ng tingin si Gary. "Wala naman akong balak 'no!" 

"Masyado kang defensive, Gary." Si Saiya. Nilingon ko si Eon, palinga-linga siya sa paligid. Naninibago siguro. 

Nag-taxi na lang kami papunta doon sa apartment na nahanap ni Gary. Nakalipat na din daw kami roon. Iyon pala ang pinagka-busyhan nila kanina, ang paglilipat ng mga gamit. I'm beyond grateful because I have them beside me. They always have my back. I'm glad I found true friends. 

Nagandahan ako sa apartment na nirentahan namin. Nasa third floor ito at may terasa pa. Magkasama kami ni Saiya sa isang kwarto at sa kabila naman ay kina Eon at Gary. 

"Kayo muna bahala sa kapatid ko ha? Kailangan ko kasing pumasok eh," paalam ko sa dalawa bago ako umalis. 

Nakarating ako sa coffee shop ilang minuto bago ang shift ko, namangha ako dahil sa dami ng tao. 

Anong meron? 

Dumiretso ako sa locker room at madaliang nag-ayos. Pagka-in ko ay pinatawag ako ng Manager namin, pinagsabihan niya ako tungkol sa pag-absent ko kagabi. In-explain ko naman kung bakit ako lumiban ng biglaan, naintindihan naman niya at sinabing huwag ko na lang uulitin.

"Pinagalitan ka?" Usisa ni Tyrone nang pumwesto na ako sa kaha.

"Hindi, pinagsabihan lang. Salamat pala ha?" Umiling siya at napakamot sa ulo.

"Wala 'yon." 

Sobrang dami ng mga costumers na pumapasok, halos mapuno ang buong coffee shop. Narito rin iyong babae noong isang araw, iyong matangkad. Iba ang kasama niya ngayon. 

"Hi," bati niya. Ngayon ko lang napansin na maganda siya.

Nginitian ko siya habang nagpa-punch, "What is your order Ma'am?"

"They'll have the Caramel Macchiato and Vanilla latte, I want the Pumpkin Spice latte." Sagot niya at iniabot ang card. Ibinalik ko ito kasama ng order number nila. 

"Stop being dramatic, Isobelle." Sabi noong chinita sa isa. 

"I am not! It's just that she really looked like our Abuela," ani noong tinawag na Isobelle. Napatingin sila sa akin, ngumiti ako at saka sila nag-iwas ng tingin.

Natapos ang shift ko at pagod na pagod ako. Para akong binugbog ng sampung tambay sa kanto. Since I don't have enough money, I walked from the coffee shop to our apartment. It is not that far. Marami namang tao sa kalsada kaya hindi nakakatakot maglakad ng mag-isa. 

Nanlaki ang mga mata ko, malapit na ako sa building ng apartment namin nang makita ko iyong lalaki! Iyong lalaki na naghahanap kay Eon kaninang madaling araw. It's him and he's talking to someone. Oh, si Eon! 

Kahit pagod ay tinakbo ko na ang distansya namin. Hingal na hingal ako nang huminto sa tapat ng dalawa, kinuha ko si Eon at inilagay sa likuran ko. 

"What are you doing? I already told you, iwasan mo na ang kapatid ko!" Sigaw ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Umalis ka na dito, huwag mong idamay ang kapatid ko sa mga masamang gawain mo!" 

"Ate.." Tawag ni Eon.

"No, Eon! Hindi ka dapat sumasama sa mga masasamang tao," tiningnan ko ng masama ang lalaki.

"Ate, stop.." Aniya. Umiling ako. This has to stop!

He sighed, "I guess I should have introduce myself. I'm Inario Belmonte, the third. You can call me Rio and I am not a bad person, Rence."

"How did you know my name?" Hinampas ko ang kamay ni Eon dahil siguro siya ang nagsabi.

"I didn't tell him, alright? He knew!" Naguluhan ako sa sinabi ng kapatid ko, what?

"You are Maria Emirenciana Belmonte, your mother's name is Esmeralda Torres and your father is Irven Belmonte." Mas lalo akong naguluhan. Sino si Irven? Yes, I don't freaking know my father's name! I asked Tita Ruby about it and she's not saying anything. 

"Ate, he's our cousin.." Eon said. 

I looked at the man in front of me, he looked like Eon in some ways but I am still confused. Eon knows about this but didn't tell anything to me. What if this is a scam? What if this person right here is just taking advantage on us? 

TilaWhere stories live. Discover now