Big Revelation 2

1.1K 35 0
                                    

Bryle's POV

Hayyyyssss. Grabe ang puyat ko ngayon.. tamang tama tulog pa ang mag ina ko kailangan ko naman matulog din para mamaya back to pagbabantay ulit.

Tok tok tok.

" Iho, kamusta? Kamusta si jewel?" Tita elisse is here.

" Okay naman po tita medyo okay na po siya."

" Iho kailangan natin mag usap"

" Sige tita sa labas na lang po tayo kasi baka magising ang mag iina ko"

I don't know pero parang kinakabahan ako.

Pagkalabas namin ng room ay nagtungo kami sa cafeteria at doon kami nag usap.

" Iho madami akong gusto sabihin sayo"

" Sige tita makikinig ako"

" Wooooowwwwww!!! Ha so naunahan na pala ako?????? Ako na naman ba ang mali ???" naguluhan ako. Coleen is here kasama ang mga pulis.

" Anong ginagawa mo ditong babae ka??? " tita elisse to coleen

" Ikaw anong ginagawa mo dito? Nalate ba ako?"

" Coleen, pwede ba umalis ka na baka di ko mapigilan ang sarili ko masaktan na kita" sabi ko sa kanya.

" Bryle, Manloloko ang babae na yan. Siya ang may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng to. Makinig ka bryle. This time paniwalaan mo ako. Alam ko madami akong nagawang mali pero lahat un maiintindihan mo pag pinakinggan mo ako"

" No Iho wag ka makinig sa sasabihin ng babaeng yan"

" Teka nga nagbabantay ako sa mag ina ko at eto kayo ngayon, di ko na maintindihan ang pinagsasabi niyo. Ano ba talagang sadya niyo?"

" Iho, lets go nag aaksaya ka lang ng oras"

" No. Bryle just please let me explain" di ko alam pero hinyaan ko mag explain si coleen at si tita elisse di ko alam pero bigla na lang ito nag iba nag awra.

Kinwento ni coleen lahat. sa haba ng kinwento ni coleen, halos di ako makapag salita sa nalaman ko. Halos sumigaw ako sa galit. Bakit????????? Bakit ngayon ko lang nalaman? PInaglaruan nila ako ng wala akong alam.

" Mga walangya kayo!!" this time di ko na maintindihan ang sarili ko kung anong pde kong gawin. Halos mapasuntok ako sa pader.

" Honey????? Honey anong nangyari?? Anong ginawa niyo sa asawa ko?" nang bigla dumating si jewel akay akay ito ng nurse kasama si ella.

" Honey... ba-bakit ka nandito"

" Honey ikaw ang bakit ka nandito? Bakit kayo nandito????? Anong nangyari??? Ikaw babae ka ano ba talagang gusto mo? Tapos na kayo ni bryle. Ano pa bang gusto mo??? Maawa ka naman oh pagod na pagod na akong makipag away sayo"

" Hon- please bumalik ka na sa kwarto please" naluluha kong sabi.

" Daddy what happen??? " iyak at nagtatanong na si ella.

Naalala ko ang sinabi ni coleen.

Napatingin ako kay tita elisse na noon ay nasa isang sulok na parang takot na takot.

" Totoo ba to????? " Sabay tingin ko kay tita elisse.

" Ah- Eh. H-hindi bryle" nanginginig niyang sagot.

Naguguluhan lang na nakatingin si jewel at Yakap yakap lang nito si ella.

" Sinungaling!!" sabay sigaw ni coleen na noon ay kasama ang mga pulis dahil nakiusap lamang daw ito at nagpasama na pumunta sa hospital.

" Tinatanong ko kung totoo o hindi" sumigaw na ako at inalog alog si tita elisse.

" OO ! TOTOO !!! Masaya ka na coleen?? Oo bryle inaamin ako kagagwan ko lahat ng ito. Totoo lahat ng sinabi niya. Bakit, may magagawa ka paba? "

Nagtataka at naguguluhan si jewel sa nangyayari. Halos sabunutan ko ang sarili ko at napaupo na lang ako sa sahig sabay yakap kay ella mahal na mahal ko si ella at kahit anong mangyari akin lang sya at wala ng makakaagaw pang iba.

" Wala kang puso anak mo ko pero naatim mo kong saktan" sabay tulak ni coleen kay tita elisse.

" Bakit sino bang may sabi na anak kita??????" halos natahimik ang lahat. Napatulala si coleen at pati ako.

" A-anong sabi mo? Naluluhang sabi ni coleen

" HINDI KITA ANAK" sabay halukipkip ng kamay ni tita elisse.

Napaluhod si coleen.

" Si-sino kang walangya ka???? Nasan ang mommy ko!!!!"

" Ang mommy mo?? Gusto mo malaman ang totoo??? Matagal ko ng gusto si Alfred ang daddy mo. Nung nalaman kong kinasal na sila ng mommy mo, di ko matanggap yun dahil alam kong kami ang nakatadhana sa isat isa. KAMI ANG BAGAY HINDI ANG PANGET NA SI SILVIA !!! "

Sinugod ni coleen si tita elisse at tinulak ito. Inawat ito ng pulis.

" Walangya ka!! Importor!! Ginamit mo ang mukha ng mommy ko para makuha ang daddy ko!! Wala kang puso. All my life akala ko mommy kita !! DAMN IT!! NASAN ANG MOMMY KO!!! "

Iyak ng iyak si coleen. tulala si jewel at si ella tulala din. Im sorry baby ko di mo dapat nasasaksihan ang mga bagay na ito.

Sinenyasan ko ang pulis at naintindihan naman nila ako. nadinig nila ang buong pangyayari at dinakip nila si tita elisse.
Coleen is still under observation. She filed a case to tita elisse. I dont know if i should still call her tita or impostor. Di ko akalain na mangyayari lahat ng ito.

" SIGE HULIHIN NYO AKO!! MAKAKALAYA DIN AKO. MADAMI AKONG PERA!!! KAYA KITANG BILHIN. "

Sigaw nito sa dalawang pulis. Sinama padin ng mga pulis si coleen.

Maya maya pa bago sila mkaalis ay biglang nahimatay si jewel mabuti na lamang at kasama nito ang nurse na natulala din sa nasaksihan nito.

Agad naming sinugod si jewel. Buhat ko si ella. Di ko maintindihan ang gagawin ko.

After 30 minutes, ngkamalay na muli si jewel. as per her doctor masyado daw napagod si jewel and she needs to take a rest at iwasan muna mastress.

Nakahiga sa lap ko si ella. Pinagmasdan ko ito. Ang ganda talaga ng baby ko. I cannot afford to lose her. Kahit na iba..ang da.. hayyyy no! ako ang daddy mo ako lang talaga.
Di ko alam nadidinig na pala niya ako.

" Daddy why??? youre my daddy naman talaga diba "
Napangiti na lamang ako sabay yakap ko sa kanya.

As of now tita elisse is in jail and coleen is under observation. Bukas ang unang hearing. Dun malalaman kung nasan ang tunay na mommy ni coleen. Sana ay maayos na ang lahat.

Gusto ko ng matahimik. Ayoko na ng gulo masyado ng madaming nangyari. at ayokong maapektuhan nito ang pamilya namin ni jewel.


******

meanwhile ......

" Pakawalan niyo ako!!!" Maawa na kayo kailangan ako ng anak ko"

" Tumigil ka!!! Pag di ka tumahimik papatayin na talaga kita ingay ingay mong matanda ka! "


From NBSB to instant MOMMY (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum