Capítulo Dieciséis

Magsimula sa umpisa
                                    

Shocked, iyon ang bumakas sa mukha ng magandang babae nang pagbuksan niya ito ng pinto.

"Hi! Is Marcos awake?" kahit ang pagsasalita nito ay napa-sopistikada.

"S-sino po sila?" naiilang niyang tanong.

Napakurap naman ang babae. "I'm Mariemiel. Marcos' girlfriend."

Nahigit ni Tasha ang hininga.

PARANG BINUHUSAN si Tasha ng malamig na tubig sa narinig. May nakakabinging tunog ang bigla na lamang bumara sa kanyang tainga.

"Hey!" the woman snapped her fingers at her.

Doon naman natauhan si Tasha sa pagkakatulala.

Alalang tinitigan siya ng babae. "Are you alright?"

Sandaling nagbukas-sara ang kanyang labi. Hindi maapuhap kung ano ang dapat na sabihin. Palihim siyang humugot ng malalim na hininga.

"N-nasa taas po si S-sir Marcos, M-ma'am."

"Oh! That's nice." malawak ang ngiting wika nito, dire-diretsong pumasok sa loob.

Mariing naikuyom ni Tasha ang kamao pagkatapos isara ang pintuan.  Mariing rin niyang ipinikit ang mga mata at nagmulat. May pekeng ngiti sa labi bago niya hinarap ang girlfriend ni Marcos. Nakatayo lamang ito sa living room.

"Tatawagin ko lang po si Sir, Ma'am." magalang niyang saad.

"No need. Ako na lang ang aakyat sa taas, I know naman his room." bigla siyang nailang ng pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look young. How old are you, by the way?"

Nanginginig na pinagsalikop ni Tasha ang mga kamay. "T-twenty po."

"Oh. I guess, you're Marcos' student?" napahalukipkip na tanong nito, walang kangiti-ngiti sa labi.

"Y-yes, Ma'am."

"Ah. Nakakagulat na babae ang kinuha ni Marcos ngayon. Dati-rati kasi ay mga estudyanteng lalaki ang kinukuha niya para magpalinis sa buong bahay niya." umingos ito. "Well, what can I say... Mas maganda nga namang magtrabaho ang mga babae, hindi ba?" wika nito na waring may nais ibig pakahulugan.

Tipid na ngiti lang ang iginanti niya sa babae. "Makaka-akyat na po kayo. Ipaghahanda  ko lang po kayo ng makakain."

"Yes please." wika nito bago tumalikod sa kanya, pero muling humarap sa kanya. "And sweetie, no carbs please. I'm on a diet. Thanks."

Maliit na ngiti ang iginawad niya rito. "Yes, Ma'am."

"Alright!" tumalikod na ito sa kanya at nagsimulang humakbang sa staircase.

Nawala naman ang ngiti niya ng tumalikod na ito sa kanya. The struggles of being a side chick. May nang-uuyam na ngiti ang sumilay sa niya.Nang-uuyam na ngiti para sa sarili.

Nariyan na ang original, Natasha Gail. Ano ng gagawin mo?, Kutya niya sa sarili.

Tasha let out a deep breath. She wanted to scream and go berserk. Subalit nang maalalang wala siyang karapatang gawin iyon, nanghina siya. Wala siyang karapatan. Marahil nasabi ni Marcos sa kanya na wala na itong nararamdaman para sa kasintahan nito, ay hindi pa rin sa kanya kinlaro ng binata kung hiwalay na ba ito at ang babae. Malamang hindi pa. Girlfriend, iyon ang sinabi nang tinanong niya ang babae kanina kung sino ito.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon