✓Part 10-The Love I Cant Have

Magsimula sa umpisa
                                    

"Let's go Aerin. Gusto talaga kitang makausap tungkol sa offer ko noon sayo ma modeling kung natatandaan mo pa." Ani Damien at inalalayan na ako papunta sa kotse niya.

Nilingon ko pa ang kotse ni Agus kung saan ito naka park pero wala na. Siguro kanina pa yon umalis dahil may meeting nga. Di bale magkikita pa naman kami mamaya.

****
(Forward)

=Majestix Building. Agus' office=

(Agus POV)

Mag 6:30 pm na pero wala parin si Aerin. Siguro may nilakad sila ni Atarah. Kanina pa tapos ang meetings ko at naghihintay na lang ako sakanya.

Gusto ko lang siguraduhing okay siya at isasabay siya pauwi ng mansion.

Napabalikwas ako nung may kumatok sa pinto!

Akala ko si Aerin na pero si Jai ang dumungaw.

Tsk. Disapointed!

"Hey Agus have some of this mangosteen tea. It's good for your health." Ani Jai lapag ang isang tasa ng tea.

"Good put it there let Aerin have it."

"What? Dadating pa ba yon?" Ani Jai.

"Of course. Thankyou for today. You can go home now." Kako kay Jai.

Umiling iling naman ito at naglakad na paalis ng room.

Wala parin si Aerin. Napagisipan kong echeck at tapusin na lang lahat ang papers na nasa table ko habang naghihintay sa kanya. Ako lang yata ang excited na makasama siya.

***
Nangalahati na ako sa mga documents at mag 7 pm na nung biglang bumukas ang pinto at pumasok galing doon si Aerin.

"Agus sorry na late ako." Aniya.

Napailing ako.

As always.

Napatingin ako sa tea na dala ni Jai pero ubos na pala ito naubos ko na.

Mukhang stress si Aerin at kinakabahan.

"It's okay. Dito ka lang pahinga ka muna ng konti. Ikuha lang kita ng tea." Kako at humakbang na palabas para kumuha ng tea sa coffee room dito sa building.

Napansin kong palagi lang siyang nakayoko na para bang ayaw niya akong tingnan.

Ilang na ilang nga siyang mapalapit sakin.

Ganon niya ba ka gusto si Dart? Ne kahit sa tingin ayaw niyang magkasala dito?

Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Autie, gustuhin ko ba daw maging hadlang sa kasiyahan ni Aerin at Dart?

Napabuntong hininga ako.

Pagkatapos matimpla ang tea bumalik na agad ako sa office at naabutan kong tulog na si Aerin sa sofa.

Mukhang pagod talaga ito sa daming nangyare sakanya sa araw na ito.

Gustuhin ko mang protektahan at alagaan siya parang nagiguilty naman ako para kay Dart.

Ang hirap magmahal ng taong mahal din ng mahal mo pero mas mahirap magmahal ng taong may ibang mahal.

Hinubad ko ang coat ko at kinumot kay Aerin.

Habang nabubuhay ako alam ko sa puso ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko pero mapaglaro ang tadhana, pinagkaloob niya saakin ang makasama ka kahit hindi naman itinadhana ang puso mong mapasakin.

Kahit anong gawin ko ikaw yong pagibig na kailan man hindi magiging akin.

Lahat pwede kong mahalin wag lang ikaw pero mapilit ang puso ko. Para bang pinanganak ako para mahalin ka Aerin.

*****
(Aerin POV)

Naalimpungatan ako.

Ang sama ng panaginip ko.

Sa panaginip ko sinabi ni Agus na hinding hindi niya ko mamahalin.

Grabe pa ang iyak ko.

Kahit panaginip tagos sa puso ko ang sakit aa.

Pinahid ko pa ang luhang sa gilid ng pisngi ko at napansin ko ang coat na nakabalot sakin.

Kay Agus to aa.

Teka.

Saan ako?

Minulat ko nang husto ang mga mata ko at nakita ko ang wallclock. 9:30 pm.

Damn at nasa office ako ni Agus.

Napansin ko siya nasa table niya nagpeperma ng mga papers.

Damn!

"Agus, sorry kung nakatulog ako." Kako.

"Gising ka na pala. Okay lang. Good for you to take a rest. Have some tea." Aniya turo ang tasa at water heater.

"Here's your coat. Medyo malamig baka magkasakit ka." Kako patong ng coat niya sa balikat niya.

"Thankyou."

"Welcome." Kako at nilagok na ang tea.

Hoooooo parang ang hirap huminga at ang sikip sa pakiramdam samantalang ang laki nitong room at kami lang ni Agus ang tao.

My goodneeeeeess!

"Aerin this week may event ang friend ko yong sinabi ko sayong kailangan niya ng model. Permahan mo na tong binigay niyang contract." Aniya halungkat ang drawer niya.

Wait tinanggihan ko nga si Damien sa offer niya kanina.

Parang di ko kayang magmodelo. Tsaka masyado na siyang maraming ginawa para saakin samantalang ako kahit isa wala.

"Agus sorry pero ayaw ko." Utal ko.

Napatigil siya.

"Hmp so tinanggap mo ang offer ni Damien kaya ayaw mo nang tanggapin ang offer ko?" Naniningkit ang matang utal niya.

Di naman yata to galit diba?

"Hindi naman sa ganon Agus pero....

Nagulat ako nung tumayo ito at hinarap ako.

"Dahil lang sa offer ni Damien tatanggihan mo na ako!" Aniya.

"Wait Agus hindi.....

"Anong tingin mo saakin?!" Aniya hakbang papalapit saakin kaya napaatras ako.

Di man lang ako pinatapos magpaliwanag.

"Di mo na ako kailangan dahil may iba na kaya mo ko sinasantabi na lang? Ano bang tingin mo sa akin ha? Akala ko ba si Dart lang? Bakit ngayon si Damien!" Dagdag niya pa.

"Sandali ano bang pinagsasabi mo?"

"You are sick with me now. Remember I'm your husband pero di ka pa tumatabi sakin. Gusto mo bang malaman kong ano ako bilang asawa? Gusto mong gawin natin yon? Yong mga ginagawa ng magasawa?!" Aniya at siniil ako ng halik.

Wait? Anong ibig niyang sabihin? At anong nangyayare sakanya?

"Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para sayo ha, Aerin? Alam mong wala kang pagpipilian kundi maging asawa ko. Sa papela man o ano pa asawa parin kita. May karapatan ako sayo!" Aniya sabay sira ng damit ko at siniil uli ako ng halik.

Napapikit na lang ako.

No!!! Agus wait!

(To be continue)

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon