✓Part 8-Help

314 10 0
                                    

(Aerin POV)

Suot ang hanggang tuhod na fit nude color dress, flat shoes at nakalugay na mahaba at medyo kulot kong buhok. Sinilip ko uli ang sarili ko sa salamin.

Good. Looks good,I feel good.

Pababa na ako ng hagdan.
Siguradong naghihintay na ang pinsan kong si Atarah. Sasamahan niya daw ako sa pagtingin ng lupang nabili ni Agus. Tatlo yon, so unahin ko ang pinakamalapit.

Di umuwi si Agus kagabi. Nagtext din siya na baka di siya makakasama sa field visit today kase may event daw siyang puntahan.

Sana tumawag man lang siya para marinig ko kahit papano ang boses niya diba?

Pero pupunta naman daw si Laiza at Damien sa location. So, goooo!

"Wow you look ready couzy! Simple pero may dating ang suot mo. Looking so young and fresh." Bati ni Atarah sakin.

"Woah? Thankyou so much. But not as fierce and hot as you." Bati ko kay Atarah.

Si Atarah ay masasabi kong magaling sa fashion. Kahit anong damit kaya niyang dalhin. I mean kaya niyang ibagay sa tindig at mood niya. Matangkad ito at sexy. Maputi at mahilig sa red at dark colors. Ang sosyal ng aura niya.

"Tara na ba? I came all the way her, so early." Yaya nito na halatang kanina pa naghihintay.

Lumabas na kami ng mansion at ang kotse ni Atarah ang gamit namin.

Tahimik lang ako at si Atarah naman ay may kausap sa phone habang nagdadrive.

Malapit lang naman ang lugar na bibisitahin namin.

Nandoon na kaya si Agus o baka di siya makakarating dahil sa busy nga siyang tao.

Wala pang isang oras narating na namin ang site.

Medyo malapit ito sa city and still a commercial area. Sigurado akong mahal ang bili ni Agus sa lupang to.

Nauna na akong bumaba.

Mainit ang panahon pero maaliwalas ang pakiramdam ko.

Pagkapasok ko ng bakod na may nakapaskil na signage na Private Property nahagip agad ng tingin ko sina Laiza at Damien.

"Hi." Bati ko sa kanila pagkalapit.

Parang maaga pa silang nandito at mukhang nakapaglibot na.

"Oh at last you are here now!" Pilit ngiting sabi ni Laiza.

"Si Laiz ang nauna sa ating lahat. Kakarating ko lang din." Ani Damien.

Ngumiti lang ako.

Nilibot ko ang mga mata ko sa area pero wala pa si Agus.

"Come here Aerin. Let's go to the highest area for you to see the whole place." Yaya ni Laiza.

Nauna ng maglakad si Laiza.

Nilingon ko si Atarah at may kausap parin ito sa cellphone niya. Sumenyas ito na go na daw ako kaya sumunod na ako kay Damien at Laiza.

Parang kinakabahan ako na iwan.

Pagdating namin sa mataas na bahagi kita ko na ang halos buong area.

"What can you say about this place?" Tanong ni Laiz.

"Well, quite big but not a place for get away. Still has an air of a city. Parang nasa city ka parin. Di pwede sa pangarap kong resort. Bagay sa lugar na to ay amusement park or what." Iling ko.

"Tama nga si Agus, magaling kang kumilatis ng lugar at alam mo ang gusto mo." Puri ni Damien.

Tumango na lang ako.

Nakita ko ang pagismid ni Laiza.

Siguro di niya rin gusto ang lugar.

******

Nilibot namin ang lugar.

Pinagisipan ko kung anong bagay na gawin sa lugar na ito. Bagay nga itong gawing amusement park not just for kids but for adult also. Suggest ko kay Agus baka may gusto siyang gawin sa lupang to sakaling di ko mapili.

"Cous how's the place?" Tanong ko kay Atarah. Nilibot niya din kase ang lugar.

"Not a place for vacation though." Sagot ng Atarah.

Tumango tango ako.

Si Agus wala parin. Asa pa ba ako. Maraming mas mahalagang bagay na inaasikaso yon. Saka sinabi naman niyang hindi siya makakarating.

"Lets go home." Bored na yaya ko.

Mas gusto ko kaseng makita si Agus kesa sa lugar na to.

Tumango si Atarah.

Si Damien naman nakatingin sa watch niya.

"Yeah time to go may meeting pa ako." Ani Damien.

"Oh wait Aerin. Maybe you should check backward. I saw a well, I think a wishing well. You should take a look you'll like to make a wish on it like I did." Ani Laiza.

"Really?" Total nandito narin ako tingnan ko na yong balon na sinasabi ni Laiza. Baka pwedeng humiling at baka magkatotoo.

"Couz punta ako sa likod may ichecheck lang ako. Sama ka?" Yaya ko kay Atah.

"Hmp maybe I should check my car first. Parang may bara yong tunog eh. " Sabi ni Atarah.

"Okay. Balik agad ako."

"Everything here is old at rusty. Be careful." Dagdag pa ng pinsan ko.

Nasa sasakyan narin nila sina Laiza at Damien.

Naglakad na ako papunta sa likurang bahagi ng wasak ng istrakturang nakatayo sa kaliwang bahagi ng lupain.

Nacurious lang kase ako dahil ngayon lang ako makakakita ng wishing well in person.

Malapit na ako sa likod pero wala naman akong nakitang well. Baka pinagloloko lang ako ni Laiza.

Humakbang pa ako ng konti papunta sa nakalatag na tarpaulin upang iwasan ang mga damo.

Nagulat nalang ako nung biglang bumulusok pailalim ang tarpaulin na parang tinakip ito sa isang butas.

Nahulog ako kasama ng tarpaulin sa balon!!!!!

Gosh heeeeeelp!

Di ako marunong lumangoy, kahit makalangoy ako di ako makaahon sa balon na malalim at natakpan pa ako ng tarpaulin.

Mahanap man nila ako siguradong lunod na ako!

Heeeelp!

Pilit kong makawala sa tarpaulin pero mabigat na ito dahil sa nabasa na ng tubig.

Mabigat din ito at malaki kaya na hihila na ako nito pailalim!

Agus help! Pinilit kong makaangat at makahinga pero mas lalo lang akong nakainom ng maraming tubig!

Inangat ko ang aking mukha at minulat ang mga mata ko sa tubig.

Kita ko pa ang sinag ng araw sa ibabaw.

Di na ako makahingaaaa!

Tulong!

(To be continue)

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon