W'sL4

44 1 0
                                    


" Ano ang desisyon mo ama?" tanong ni Taemin, kaya lahat ng mata ay bumaling sa emperor.
Nagisip naman ito ng malalim at isa isang tinignan ang kaniyang mga tauhan.
" Ikaw pinunong Kardo, ano ang masasabi mo?" taas noo namang sumagot ang matabang matanda na naatasan ng kanilang ama sa pangangalakal.

" Kamahalan. Para sa akin hindi po pupweding ang prinsesa ang humawak ng ganito kalaking kasu. Isa pa po, isa siyang babaeng mahina, babae na walang laban, paano niya ipagtatanggol ang kaniyang sarili laban sa mga kaaway?"
tumangu-tangu ang lahat sa ipinahiwatig ni pinunong Kardo. Nakita ni Nixxa ang pag guhit ng kakaibang galit sa mukha ni Taemin.

Tatayo sana ito ng hawakan niya ang kamay nito. Tumingin ito sa kanya na galit na galit.
"Hindi ka maaring insultohin ng kahit na sino Nixxa." bulong nito habang matiim na naka titig sa kaniya. Ngumiti siya at sinenyasan itong umupo at huminahon.

" Ikaw ginoong Hakob?" Isa naman itong Kapitang sundalo ng hukbo na ngayon ay namamayayat narin dahil sa lason. Ngunit kahit ganoon ay pinili niyang makiisa sa pag uusap, hindi naman nakakahawa ang lason kayat panatag ang lahat. " Ayuko pong maliitin ang kakayanan ng ating prinsesa, ang nais ko lamang po ay mabilis na marisulba itong kaso, maaring sa makalawa ay hindi na kami sikatan pa ng araw. Kayat hanggat maaari ay kunin na po natin lahat ng tulong na ibinibigay ng bawat isa."

Natahimik ang lahat sa pahayag ng kapitan na naluluhang umupo. Napabuntong hininga ang kanilang ama bago nag salitang muli. " Ginoong Markus, isa kang magaling na heneral, ikaw ang nag turo sa aking anak na panganay ng kaniyang mga kakayanan ngayon. Maari ko bang malaman ang iyong saluobin?"

Napalingon ang lahat sa isang matanda ngunit makisig paring si Heneral Markus. Dahan dahan itong tumayo sa tulong ng kaniyang tungkod bilang suporta. Natahimik ang buong silid dahil sa tensyon.
Ilang saglit ay nag salita na ito gamit ang malaalim at malaki nitong boses.

" Alam nating lumaban si tandang Ganiffa Maura, si Wanda , ang mga babaeng Azul at higit sa lahat ay si Empress Ximin na pareparehong mga babae. Malaki ang kanilang naging parte sa labanan ng subparos at mga imortal. Lingid sa ating kaalaman, higit na mas makapangyarihan at mautak sila keysa sa ating mga lalaki na padalus dalus at pinapa iral ang pisikal na lakas. Bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon ang ating matapang na prinsesa?"
Nakakatakot ang boses nito ngunit alam ng lahat na may mabuti itong kalooban.

Tumayo naman ang isang opisyal. " Hindi maaaring iasa ang ganitong usapin sa isang prinsesa, alam nating isa siyang high immortal ngunit kahit kailan ay hindi pa niya nagagamit ang kaniyang kakayanan sa pakikipag laban."

Matindi na ang naging tensyon sa pagitan ng lahat. " Si prinsipe Knight ang pinaka magandang piliin upang ipadala sa misyon na ito."
Sabay sabay na sumangayon ang lahat. Samantalang hindi maipinta ang mukha ni Phoenix at Taemin sa asar. Hindi kumibo si Nixxa dahil malalim pa ang kaniyang iniisip.

" Hindi ko tinatanggap ang misyon." walang emosyong sabi ni Knight na ikinagulat ng lahat, gayon din nina Phoenix at Taemin.

" Kung tutuosin, gaya ng sabi ni heneral Markus, tayong kalalakihan ay pinaiiral ang pisiikal na lakas. Hindi natin naisip na mas may alam ang mga babae dahil sa tingin natin ay mahihina sila. Hindi man magaling sa labanan si Nixxa ngunit higit na mas may alam siya sa bagay na ito. Walang kwenta kung ako ang gagawa ng misyon. Samantalang kung ang prinsesa ang mananaliksik ay mas mapapadali ito, bukod sa maalam siya sa mga gamot at lason dahil siya ay isang doktor ay hindi pa siya paghihinalaan." umupo agad ito at natulala ang lahat sa mahabang salaysay na binitawan ng mailap na heneral.

Napa ngisi naman si Phoenix dahil minsan lang magsalita ang kapatid, ngunit malakas ang tama nito.

Nagkaroon ng mahaba at nakakabinging katahimikan sa loob ng kwarto. Binasag ito ni Taemin ng magsalita siya.
" Kung gayon payag ba kayo sa suhestyo ng ating punong heneral mga ginoo?"
Walang nagsalita ngunit bakas sa mukha ng iilan ang pangamba.

Winter's LoveWhere stories live. Discover now