W'sL2

17 2 4
                                    

Nagpaalam si Nixxa sa ama at kay heneral Rius o mas kilalang heneral Aquarius na nanggaling pa sa Seven Sky empire.

Nagtungo naman siya sa kaniyang ina na nasa hardin. Makailang minutong naglakad siya at nakasalubong niya ang nakakatandang kapatid na si Knight.
"Hindi pa ba bumabalik si Phoenix?"
Walang emosyong tanong nito.
Umilingnna lamang siya bilang pagsagot.

Si Knight ang heneral ng Hight empire kung kaya't minsan lang ito nakikita sa kaharian.
Siya naman ang punong manggagamot na naatasan ng ama na pangalagaan ang kalusugan ng imperyo. Si Phoenix ay ang kanang kamay ng ama sa pamamalakad ng imperyo, kaya ito ang pinaka maloko dahil marami itong oras sa sarili. Hindi masyado mabigat ang tungkulin nito, hindi gaya nila ni Knight sa minsan lang matagpuan sa kaharian, dahil madalas ay nasa labas sila upang gampanan ang tungkulin.

At ang bunso na si Taemin ay ang nagsasanay at nagaaral ng mga tungkulin ng isang hari. Dahil siya ang susunod sa yapak ng ama balang araw.

" Umalis ka nanaman daw sabi ni Rick."
Ang tinutukoy nito ay ang kanang kamay nitong si Rick, ito rin ang madalas pagbilinan ni Knight na bantayan siya, ngunit madalas naman niyang takasan.

" Ang mahalaga ay nandirito na ulit ako aking kapatid." hilaw naman niya itong nginitian na ikina sama ng timpla ng gwapo nitong mukha.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo Nixxa, tigilan mo na ang pag hahanap sa mortal na iyon. Isang daang taon na ang lumipas-" hindi nito natapus ang sasabihin ng sagutin niya agad ito.

" Hindi ako katulad mo Knight na madaling sumuko sa pagibig. Hindi ako katulad mo na mabilis mawalan ng pagaasa." nawalan ng emosyon ang itsura ng kapatid kaya pinagsisihan niya ang mga nasabi.
"Alam mong siya ang umalis at iniwan ako. Siya ang nangloko at ginamit ako, tayo."

Hindi na lamang siya sumagot at baka may masabi nanaman siya sa kapatid na makakapag paalala dito ng dating nobya.

" Alam mo ba kung nasaan si ina?"
Pagiiba niya ng usapan dahilan para maputol ang tensyon sa pagitan nila.
" Nasa hardin kasama si inang reyna."
Bumalik sa normal ang lahat na parang hindi sila nagkasagutan ng kapatid. Mabilis siyang nagpaalam at naglakad papuntang hardin. Naglakad naman pasalungat sa dereksyon niya si Knight, kung hindi siya nagkakamali ay papunta ito sa ama na kausap parin si heneral Rius.

Nang marating ang hardin ay nakita niya ang consort queen(Amilia) at ang kaniyang ina na isang noble consort(Athina). Masayang umiinom ng tsaa ang dalawang magandang babae habang may nagmamasahe sa mga balikat ng mga ito.
Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng dalawa na agad napalingon sa kanya, mababakas ang tuwa sa mga mukha ng dalawang ginang.

Maagap na tumayo ang kaniyang ina at ang tiya Amilia niya upang siya'y bigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Kailan ka pa naka balik ija? balita ko ay naglibot ka sa imperyo upang tuklasin kung nasaan nanggagaling ang iilang sakit na dumadapo sa iilang sundalo natin."
Napangiti siya sapagkat kitang kita ang pangungulila sa mukha ng dalawang ginang.
"Tama po kayo tiya, hanggang ngayon po ay inaaral ko parin po kung saan ito nanggaling."

Kinuha naman ng kaniyang ina ang kaniyang atesyon.
"Ngunit bakit umabot ng dalawang linggo ang iyong pagsasaliksik, hindi ba dapat ay isang linggo ka lamang sa labas at babalik ka na dito sa kaharian?"
Napaiwas siya ng tingin sa ina. Ayaw niyang nagsisinungaling dito kaya madalas ay nalalaman ng jna ang mga sekreto niya.

"Huwag mong sabihing bumalik ka nanaman sa mundo ng mga mortal ay hinanap nanaman ang lalaking iyon."
Dahan dahan siyang tumango. Nagkatinginan ang dalawang ginang at tumingin sa kanya na puno ng awa ang mga mata.
Hinawakan siya ng tiya Amilia niya sa balikat at hinaplos ang kaniyang pisngi.

" Patawarin mo kami ija kung nararanasan mo ngayon ang sakit na dulot ng pagibig. Kung maaari lang naming kunin ang sakit na iyong nararamdaman."
Nginitian niya ang dalawa at hinawakan ang mga kamay nito.

"Tapus na po iyon tiya, at nagbabakasakali lang naman po ako, alam ko namang wala na siya, matagal na. Kaya tigilan na natin ang pag da-drama."
Pinunasan ng dalawa ang nga hilaw na luha sa gilid ng mga mata nito.
Siya naman ay natawa sa mga itsura nito,mas nagdamdam pa ang mga ito kesa sa kanya na mismong nakaranas ng sakit.

Kinamusta niya lamang ang dalawa at sandaling nakipag kwentuhan sa mga ito, pumunta lang naman siya upang ipaalam na nakabalik na siya sa palasyo.

Nang makapag paalam ay tinungo naman niya ang salas kung saan naroon na ang mga kalalakihan sa pamilya kasama si heneral Rius. Pinaguusapan nila ang nalalapit na Adarus clash, isang palaro sa immortal realm na dinadaluhan ng apat na imperyo: ang High empire, Seven sky empire, Dark empire at Hades empire. Dalawang white magus users at dalawa namang dark magus users, ginaganap ito taon taon upang malaman ang tinaguriang Adarus warrior.

Kada isang imperyo ay magpapadala ng mga manlalaro, na susubok lagpasan ang ibat ibang hamon, kasabay nito ay ang pananatili sa isang imperyo upang magsanay ng ilang linggo, bagu sasabak sa mga hamon.

Masaya itong panuurin dahil kahit hirap na hirap, ay pursigidong manalo ang mga kalahok dahil kung sino ang mananalo ay mabibigyan ng isang kahilingan.

Taon taon ay nagpapadla sila ng panlaban ngunit minsan lamang sila manalo, madalas ay ang Seven Sky empire o gundi  ang Hades empire ang nagwawagi.

Nang makita ng kalalakihan na siya ay papunta sa pwesto ng mga ito, ay nagsitayuan sila ay bumati ng pag galang. Tumango siya bilang tugon.
Umupo siya sa tabi ng nakababatang kapatid na si Taemin.
Pero sa totoo lang ay halus kaedad niya lamang ito dahil sabay sila ng taon ipinanganak ang pagkakaiba lamang ay ang buwan ng kanilang kapanganakan.

Siya, si Knight at Phoenix ay triplets na anak ng noble consort, samantalang si Taemin ay ang nagiisang anak naman ng Queen consort.

Napagkasunduang si Jin, Phoenix at isang sundalo ang ipapadalang kasali sa paligsahan. Kahit wala ang prinsepe ay sumangayun ang lahat. Apat ang dapat maging kalahok galing sa isang imperyo, sa lagay ngayon ay kulang pa sila ng isa.

Sa susunod na araw na ang pagtitipun ng mga kalahok sa Seven Sky empire. Kung kaya ay nag sanay na si Jin ng husto kasama ang isa sa mga sundalong napili ng hari, si Fanthom ay isang magaling na sundalo, ngunit hindi pa napapatunayan ang kakayanan nito sapagkat kahit kelan ay hindi pa ito sumabak sa digmaan.

Sinasabing wala na itong magulang at inampon na ng hari, dahil bata pa ito ng makita ni haring Dasru na umiiyak sa gitna na labanan noong digmaan.

Hindi nagtagal ay dumating si Phoenix sa lugar kung saan nag iinsayo ang dalawa. Gulat na gulat itong sinalubong ni Jin.
"Hala, hahaha anong nangyare sa itsura mo kamahalan?" tawang tawa at nangaasar na wika ng kanang kamay.
Tinapik ni Phoenix ang kamay ni Jin na tinutusok tusok ang pisngi nya na nababahiran ng dumi.

"Tinawag mo pa akong kamahalan kung pagtatawanan at aasarin mo rin lang ako. Tss." Natawa nalang ang matalik na kaibigan/ alalay/ tagabantay ni Phoenix dahil sa kaartihan ng kaibigan.

Samatalang patuloy paring nagiinsayo si Fanthom hawak ang isang ispada at magaling na iwinawasiwas na ere.
Napansin ito ni Phoenix kaya't nag tanong siya sa kaibigan.
" Ano namang ginagawa ng sundalong iyan dito?"
Napalingon si Jin sa gawi ni Fanthom na kanikanina nya rin lang nakilala.

"Ah, isa siya sa isasama ng hari para lumaban sa Adarus clash, kasama nating dalawa." Napa tangu tangu naman si Phoenix at tinignan ng maigi ang sundalong nag ngangalang Fanthom.
Kung titignan ang pisikal na pangangatawan nito, ay mahahalataang batak ito sa trabaho dahil sa hubog ng katawan nito. Kung titignan naman ang itsura nito ay masasabing pasado na. Hindi man kasing gwapo niya pero may masasabi na, sa isip isip ni Phoenix, sabay ngisi.

Lumipas ang maghapon na puro pag iinsayo ang ginawa ng tatlo. Hindi na inungkat ninuman ang tungkol sa pag takas kanikanina lang ni Phoenix, wala rin silang alam kung nasaan na ba ang babaeng tagasilbi.

Marahil ay pinaalis ng prinsepe, pinatagu o iniwan. Pero isa lang ang natitiyak ng lahat, nanakit nanaman ng puso ng isang dilag ang mapaglarong prinsepe.

Winter's LoveWhere stories live. Discover now