W'sL1

25 2 3
                                    

(Makalipas ang halos isangdaang taon)

Abalang kumakain si Nixxa sa paburito niyang restauran ng biglang may humahangus na umupo sa kaniyang harapan.

"Alam mo bang nilibot ko na buong lugar na ito para mahanap ka lang, tapus kumakain ka lang pala dito? pinasok ko pati palikuran na pambabae, nakaka hiya tuloy."
Hindi pinansin ng dalaga ang pagrereklamo ng kaharap, at kumain na lamang siya ng magana.
Alam niyang sinusundo na siya nito pabalik sa immortal realm kaya ito nandirito.

Napangalumbaba naman ang kaharap dahil sa pagod at gutom.

Kung titignan sa malayo ay mukha silang mag kasintahan na nagkakatampuhan.
Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng mga tao, isa silang mga imortal na napadpad lamang sa mundo ng mga mortal.

"Bakit ba balik ka ng balik dito Nixxa? wala ka namang mapapala dito."
Pagrereklamo ng kaharap habang paunti unting binabawasan ang pagkain niya. Masama naman niyang tinignan ang binata. Ngunit hindi manlang siya tinapunan ng tingin nito.
Matagal nang taon ang lumipas ngunit umaasa parin siyang makikita niya ang hinahanap.
Simula nang mangyare ang trahedyang iyon ay hinanap nya na ang lalaki, ngunit ni anino nito ay hindi nya na makita.

Nasaan ka na mahal ko.

Ilang sandali pa ay nagsalita muli ang kaharap.
"Uwi na tayo, wala kang mapapala dito. At isa pa, marami ka pang gagawin sa imperyo."
Mabigat man sa loob ay sinunod niya ang suhestyo ng kasama.

Sabay silang lumabas ng kainan at pumunta sa medyo madilim na lugar.

KITANG KITA ni Jin ang pagtutol ng mga mata ni Nixxa sa pag balik nila sa immortal realm. Alam niyang may gusto itong hanapin, pero isang daang taon na ang lumilipas, marahil patay na ito.
Ngunit hindi parin nawawalan ng pag asa ang dalaga.

Hanga sya sa paniniwala nitong magkikita pa ito at ang lalaking mortal na iyon. Ngunit sa kasamaang palad, mortal ito at ilang taon lamang ang inaabot ng buhay ng mga mortal, hindi gaya nilang mga imortal na libo libo ang inaabot ng edad.

Nang makasiguradong walang ibang taong makakakita sa kanila ng dalaga ay bago sila gumamit ng magus (magic ) upang maka balik sa immortal realm, o mundo ng mga may kapangyarihan.

Ilang sigundo ay sabay nilang narating ang mundong pinagmulan. Tinignan niya ang dalaga na ngayon ay seryosong naglalakad patungo sa kaharian.
Nasa tuktuk ng bundok ang malaking palasyo ng imperyo, at napapalibutan ito ng mga tahanan, pamilihan, at mga gusali pababa ng bundok.
Para itong paraiso sa ganda.

Ang High empire ang isa sa pinaka magandang kaharian sa buong immortal realm, isa rin sa pinaka maayus at masayang lugar kung saan walang kaguluhan. Mababait ang mga mamamayan na naninirahan, siguro dahil napaka bait din ng namumuno dito,
ang emperor o si haring Dasru.
Dahilan upang maging pinaka mahinang pangkat dahil unti lamang ang sundalo ng kaharian.
Pinaniniwalaan ng emperor na kung maayus naman ang imperyo ay hindi na kailangan ng maraming taga panatili ng kaayusan.

"Mahal na prinsesa, high immortal."
Yumukod ang mga tagasilbing babaeng nakakasalubong nila.

Tama, isang prinsesa si Nixxa, isa rin siyang high immortal kagaya niya, ngunit nakasanayan na siyang tawaging prinsesa sapagkat siya lamang ang may titulong prinsesa sa kaharian.
Siya ay pangalawa sa apat na anak ni haring Dasru.

"Jin, nasaan si Phoenix?"
Tanong ni Nixxa habang naglalakad papasok sa kaharian.
Napatingin naman agad si Jin sa paligid.

"Kasama ko syang sumundo sayo kanina. Pero nagpaalam lang syang aalis sandali, at iyon ang huling beses na nagkita kami ngayong araw."
Nagtaka siya sa tanong ni Nixxa.

Winter's LoveWhere stories live. Discover now