Chapter 1

1K 38 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 1

Halos maitapon ko na sa gulat ang cellphone ko. Syempre di ko ginawa iyon. Wala pa akong pambili noh. Baka coincidence lang o kaya haist basta di ‘yun totoo. I blocked that stranger na niloloko ako. Multo daw siya. Pot@! Di nakakatuwang biro.

Napatingin ako sa orasan na nasa pader na tinatawag na wall clock. Oh di ba? May natutunan na kayo sa’kin. Jokies lang. Bumaba ako ng kama at dumiretso na sa banyo. Iniwan ko muna doon ang phone ko. Di ko naman gagamitin ‘yun pangligo eh. Ano ‘yun? Pangkuskos ng kili-kili?

After kong maligo, nagbihis na ako. Dito muna ako sa condo ko nakatira. Yups, condo. Alam niyo ba ang condo at condominium ay iisa? Oh di ba, nakakagulat! Akala ko kasi dati iyon ay ah ehh…

*Flashback*

“Happy 18th birthday! My daughter!!!!” bati sa’kin ni daddy. He hug me then I hug him back. Lumayo ako while smiling at him.

“Daddy!!! Regalo ko?!” I asked.

“Here” Iwinagayway niya ang isang susi. Nagtataka akong napatingin dito.

“Ano ‘yan dad? Made of gold ba ‘yan para isangla ko?” tanong ko.

Bigla akong binatukan ni dad. Loko ‘to ah. Swerte niya daddy ko siya kundi nakutusan ko na ‘to!

“Bobo, susi ‘yan ng regalo mo!” singhal niya.

“Ayt, hindi ba iyan mismo ang regalo mo? Bakit may susi?” tanong ko.

Napahawak sa batok si daddy. May masakit ba sa batok niya? Gigil na ‘yan!

“Susi ‘yan ng condo, baby girl. Niregaluhan kita ng condo! Are you glad? I’m so amazing noh!” natatawa niyang sabi. Proud na proud siya sa regalo niya ha?!

Diretso akong napatingin sa kanya. Condo? Saan ko naman gagamitin iyon? Hala! hindi pa ako handa!

“Daddy naman eh. Bakit mo ko niregaluhan ng condo? Wala namang lalakeng gagamit niyan” I said then I pouted.

“Anong lalake?”

Huminga ako ng malalim. Hindi ba alam ni daddy na wala na kami ni Berto?! Ayoko pa isuko ang virginity ko porket 18 na ako!!!

“Sino magsusuot ng condo, daddy? Tsaka di pa ako ready! Matagal pa mangyayari ‘yun!” pagdadabog kong sabi sa kanya.

“What?! Anong magsusuot?” kunot-noo niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. Magreregalo ng hindi alam ang gamit. Ano ba ‘yan si daddy?!

“Dad, di ba sinusuot ang condo sa ano niyong mga lalake kapag nag-aano”

“Ha? Anong ano?”

Tss, bakit ba hindi niya ako maintindihan?! Realtakin ko nga ‘to.

“Di ba tuwing gabi kapag ayaw niyo si mama mabuntis, sinusuot mo ‘yan tapos saka mo ipapasok!” saad ko.

“ANO ‘YANG NARINIG KONG IPAPASOK?!”

Parehas kaming napatingin kay mama. Ayan na siya!!! Lagot ka daddy!!

“Mommy, si daddy! Niregaluhan ako ng condo!” singhal ko.

“Wow, sana all may condo” singit ni kuya na kararating lang galing sa trabaho.

“Hindi ka ba natuwa sa regalo namin ng daddy mo?” tanong ni mommy.

“Mommy naman!” daing ko. Napatingin ako kay kuya. Siguro naman meron siyang ano eh…meron siyang sandata kaya magagamit niyo iyong condo. “Sayo nalang kuya…t@ngina kasiiii hindi ko naman magagamit. Ikaw na gumamit. Wala namang lalake pagbibigyan ko ng condo ihh. Tsaka wala akong boyfriend. Naman oh!” daing ko.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now