Chapter 5

5 1 0
                                        

Baddass

Nag sisimula na mag salita ang MC nang car racing at ako ito chill lang na naka tayo sa harap nang kotse ko habang tinitingnan ang mga taong pumupusta sa laban na ito na sinisigaw ang pangalan ko.

Kaway lang ako nang kaway at ngiti nang ngiti sa kanila pero napawi ito nang paltan na maingay na sasakyan at maputing usok mula sa kotseng nasa tabi ko ngayon.

Kulay red at black ang kotse neto na masasabi kong ang ganda dahil na rin sa klase nang pag kaka kintab nito.

'Nice' bulong ko sa isipan ko.

Lumabas ang nag mamay-ari nang sasakyan, makisig ang pangangatawan at matangkad sa suot netong red and black uniform nang car racing.

Tila nag slow mo ang paligid nang tanggalin neto ang helmet na suot nya at talagang luluha ang mata ko na makita kong si Clayton toh.

'What the heck!' Sigaw ko sa isipan ko, kinunutan ko ito nang noo at sabay taas nang kilay habang naka cross arm na tumingin sa kanya.

"Woah! Its you!" Turo nya sa akin, di ko alam ang dapat kong ilabas na emosyon ngayon.

"Yeah, its me." Ani ko, nginitian nya lang ako at lumabas ang malalim nyang dimple sa pisngi nya.

'Damn!'

"Ikaw pala ang humamon sa akin, cool!" Manghang aniya na halatang wala ding alam sa makakalaban nya.

"We're mutual, akala ko naman kong sinong kutong lupa ang nanalo sa car racing sa korea isang pwet lang pala." Pag tataray ko na may halong matamis na mga ngiti, dapat chill lang.

"Grabe ka naman sa akin matapos kitang tulungan ginaganyan moko, well kong pwet ako sa paningin mo gwapo ko namang pwet." Mayabang din pala ang pwet na toh.

"Ikaw kusang tumulong, hindi ako nanhingi pero thank you for helping me but this time hindi ako mag t thank you kasi aagawin ko lahat nang meron ka sa car racing." Kinindatan ko ito at sinuot ang helmet ko nang marinig ko na ang 'go' signal mula sa MC ganun din naman ang ginawa ni Clayton.

Kinabahan akong bigla pero imbis na kabahan lalo ay pina relax ko ang sarili ko dapat kong panindigan itong pinasok ko.

Pumuwesto na yung babae sa gitna nang kotse namin ni Clayton na may hawak na flag nang car racing napa tingin naman ako sa bintanang katabi ko at sinilip doon si Clayton na pangiti ngiti lang at sa screen na malaki at kita ko doon ang pag bibilang nang screen.

3

2

1

GO!

Agad kong pinaharurot yung sasakyan ko at masasabi kong mabilis nga si Clayton dahil mag katabi lang ang sasakyan namin sa bilis, binilisan ko pa lalo.

Tinapakan ko yung gas at tinudo sa 220 km/h sa bilis at nakikita kong napag iiwanan na si Clayton sa hulihan ko.

Its my chance to do a trick kaya nag exibition ako na lalong ikinalakas nang sigaw nang mga tao sa paligid, matapos kong gawin yun ang pinatakbo ko ulit yung kotse ko nang mabilis at inulit ang exibition na ginawa ko.

Nagulat naman ako na makita ko si Clayton na malapit na sa akin kaya pinaharorot ko ulit ang kotse ko hanggang sa mapantayan na naman ako ni Clayton pero syempre may naisip akong ka gaguhan ay binangga ko ang kotse nito dahilan para umikot ang gulong nya at umiba ang landas nang sasakyan nya.

'Sorry not sorry its part of the game.'

At agad na tinapos ang laban na may galos ang sasakyan ko dahil sa ginawa ko, and I'm the one! Yeah!.

Pag kakalabas ko nang kotse ko ay saktong pag dating nang kotse naman ni Clayton at agad na lumabas ito nang sasakyan nya na may ngiti sa mga labi.

Weird naman netong tao natalo na lahat lahat nagagawa pang ngumiti.

"You make me amaze." Aniya, nginitian ko lang sya at agad na tinanggap ang tropiyo ko.







To be continued..........

When I'm with youWhere stories live. Discover now